Chapter 26

4.4K 171 12
                                    

Craven Athena

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng pintuan ni South habang hinihintay itong pagbuksan ako. Ilang araw na rin akong nanunuyo. I'm trying my best para mapatawad ako at makuha ang sagot nito.

I realize that South's worth fighting for. She's worth to wait at worth it itong mahalin. Sa palagay ko nga ay wala ng ganitong klase pa ng babae sa ngayon. Kung meron man, mahirap nang hanapin pa at swerte kapag nakatagpo ng ganitong masyadong mabait at maunawain. Nakita ko rin kung paano nito pahalagahan ang mga taong nakapaligid rito kagaya ni Viktoria.

I had doubts already that she's a good woman ng lakas loob itong nagpunta sa opisina ko noong una. Willing nitong itaya ang meron nito makamit lang ang pangarap ng iba. But again, I was too blind to listen at pinairal ko ang walang kwentang galit sa puso ko.

And I am thinking that I don't deserve her. Daven's right. South's too good for me at ang magagawa ko lang para mapawi ang sakit at hinanakit na ibinigay ko rito kasama na ng mga naging kasalanan ko ay ang bumawi.

Whatever it is ay gagawin ko at patutunayan kong seryoso ako sa nararamdaman ko rito. I don't even have any idea kung paano manligaw because all these are new to me. Sanay rin kasi akong ako ang nililigawan at sinusuyo. Salamat sa google at sagot nito lahat ng katanungan sa mga strategies na gagawin ko.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto.

"Hi good morning." I beamed ng masilayan ko ang magandang mukha nito.

"Good morning. Anong ginagawa mo rito?" Tanong nitong hindi ko nagustohan pero wala akong karapatang magreklamo. Pasalamat nga ako at pinapayagan pa ako nitong makalapit rito pagkatapos ng mga nagawa ko pero kahit sabihin nitong tumigil ako. Hindi rin naman ako susuko.

"Manliligaw." Saka ko inilabas ang isang bouquet ng puting rosas. Ang sabi kasi nila, white is purity. I just want her to know na dalisay ang hangarin ko rito.

Kinuha naman nito iyon. "Salamat." Pero wala yata itong balak na papasukin ako.

"Can I come in?" Lakas loob kong tanong rito.

"Uhm." Mukhang alanganing wika nito. "Pasok ka." Napipilitang saad nito.

Kahit alam kong hindi bukal sa loob nito ay pumasok ako pero natigilan ako ng makita kong may lalaking prenteng nakaupo sa isang single seater na couch.

Nagsalubong ang mga kilay ko rito. I totally forgot na nanunuyo pa ako. I am raging right now. Whos this dude? Ayoko sa pagmumukha nito and knowing na mas nauna ito sa akin ay kumukulo na talaga ang dugo ko.

"Who are you?" Hindi ko napigilang itanong rito. Hindi ko na mahintay pa na ipakilala ako ni South rito.

Ngumiti naman ang damuho bago tumayo.

"It was such an honor to meet you, Miss Del Prado. I'm Freggie. Manliligaw ni South."

Ng ganito kaaga?! Gusto kong ibulyaw rito pero naalala kong nanliligaw rin pala ako at ganito rin kaaga. Pero natigilan ako ng mag-sink in ang sinabi nito sa akin. Manliligaw rin ito ni South?

Sh*t! Hindi pwede! Hiyaw ng isipan ko.

"You can't court her."

Nawala naman ang mga ngiti nito. South cleared her throat.

"Umupo muna kayo. Maghahanda lang ako ng meryenda."

Sumunod naman kaming pareho ng Freggie na ito pero ako, nakasimangot na. I don't like this guy dahil liligawan nito ang babaeng gusto ko at mahal ko.

"I don't like you." Prankang sabi ko ng makaalis si South.

"Well, gusto kita Miss Del Prado pero mas gusto ko si South."

How dare he?!

"You better stay away from her dahil kung hindi. Sigurado akong magkakanda letche letche ang future mo."

Oh yes I can do that. Kung may sarili man itong negosyo ay kaya kong pabagsakin. Kung isa itong empleyado, kaya kong tanggalin, at hinding hindi na ito makakahanap pa ng kahit anong trabaho maliban lang sa trabahong pang kanto.

"May I ask why?" Taka at litong tanong nito.

"Dahil nanliligaw rin ako sa kanya at sinabi niyang mahal niya ako."

Natawa naman ito.

"Kung mahal ka Miss dapat sinagot ka na niya pero tinanggap pa niya ako bilang manliligaw. At kahit papaano. May maipagmamalaki naman ako. I have my own resort."

"That's nothing compare of what I have but that's not important. She's mine." Ok, literal na talagang inaangkin ko si South pero sisiguradohin kong sa akin lang ito at sa akin lang din babagsak.

"You're delusional. May the best win." Saka ito ngumisi kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at dahil mahaba ang braso ko ay umigkas ang kamay ko sa mukha nito dahilan para mapabaling ito sa lakas ng sampal ko.

"Ano ba. What's happening in here?" Si South na kadarating lang habang may bitbit itong tray na may lamang dalawang juice at sandwich. Nagmamadali nitong ilapag ang mga iyon sa center table.

"Ano ito? Bakit anong nangyari?"

Hinaplos haplos ng lalaki ang nasaktang pisngi habang ako ay masamang nakatingin rito.

"Sinampal ako ng sabihin kong nanliligaw ako sa iyo."

Nakita kong napapikit si South at halatang nagpipigil.

"You two should know na kapag ganitong nagpapang-abot kayo hindi dapat kayo nag-aaway."

"Dapat may schedule kami, South. Ako ang mwfs." Wika ng lalaking makapal ang mukha at dahil mas makapal ang mukha ko.

"Ano?! Ayoko! Dapat mtwthfss ako! Meaning, araw araw!" Hindi papatalong giit ko rito. Ibig sabihin ay akin lang si South at hindi ko ito shi-ne-share!

Naupo si South at napasapo sa mukha nito. Halatang hindi alam kung anong gagawin.

Tumayo si Freggie at hinawakan ang kamay ni South at mabilis na hinalikan kaya lahat na yata ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko.

"Aalis na muna ako. I'll just call you." Wika nito at ngali ngali kong sipain ang mukha nito. "Bye Miss Del Prado." Pero inirapan ko lang ito.

Ng makaalis ito ay napahinga ako ng malalim. Sana hindi lang pala sampal ang ginawa ko rito kanina. Dapat 360 na suntok at sapol sa mata.

"What was that Craven Athena?" Tanong nito sa akin.

"I am jealous ok? What do you expect kung mahal kita."

"Pero wala sa lugar ang pagseselos mo dahil walang tayo. I am free to accept any suitor as long as maganda ang hangarin sa akin."

"South, if these is all about the past-"

"Oo Craven. It's all about the past. Let's say seryoso ka nga ngayon pero alam mo. Ang hirap paniwalaan sa lahat ng insultong sinabi mo sa akin noon at inaamin kong minsan sa isang gabi. Nagigising pa rin ako habang ikaw ang nasa panaginip ko at inuusig ako."

"I'm sorry South-"

"Ayaw muna kitang makita dahil kapag gumaganyan ka, bumabalik ang lahat sa akin. Kailangan ko ng space. Don't worry. A chance is a chance. Please leave Miss Del Prado."

Nasaktan ako pero wala naman talaga akong karapatan kaya kahit labag sa loob ko ay iniwan ko ito. Ng makarating ako sa aking sasakyan ay sinipa ko muna ang harapang gulong nito saka pabalibag ko itong isinara ng makapasok ako.

Pinanggigilan kong hampasin ang manibela ng sasakyan ko.

"T*ng ina!" Habol hiningang saad ko bago ko inis na pinalis ang luhang naglandas sa pisngi ko. Wala akong pakialam sa sinasabi nitong space o sa kondisyon nitong gagawin ko ang lahat ng sabihin nito.

Bukas, babalik ako Del Frio.

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon