Chapter 17

4.1K 248 28
                                    

South

"May jet lag ka pa?" Tanong sa akin ni Sineria ng makapasok kami sa aming hotel room.

Kaka-checked in lang namin sa pinareserve ni Craven Athena na suite. Nahihiya nga rito si Madam Viktoria kaso pinilit ni Craven at sinabing nakapag-booked na ito. Sagot rin nito ang private plane na nagdala sa amin dito sa London kaya ang mga kasamahan ko sa trabaho ay tuwang tuwa.

Agad akong kumuha ng pamalit kong damit sa aking dalang maleta.

"Medyo pero mas nangingibabaw ang pagod ko. Liligo muna ako Sineria. Gusto ko munang umidlip kahit saglit lang mamaya."

"Sige, susunod ako."

Pumasok ako sa banyo dala ang pamalit ko. Kompleto naman sa loob kaya hindi ko na kailangan pang magdala ng kahit ano. Naligo ako ng ilang minuto pagkatapos ay nagbihis ako. Ng lumabas ako ay saka naman pumasok si Sineria para din maligo.

Nagpapatuyo ako ng buhok ng may kumatok sa aming pintuan kaya pinagbuksan ko ito. Si Madam Viktoria with Craven Athena kaya wala akong choice kundi luwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Madam Viktoria and Miss Del Prado. Ano pong kailangan nila? Pasok kayo." Alok ko sa dalawa. Kahit ninenerbyos ako ay hindi ko ito ipinahalata. Itong puso ko kung makatibok akala mo sisirain na ang dibdib ko.

"Hindi na kailangan darling." Si Madam Viktoria ang sumagot. "Where's Sineria?" Hanap nito kay Sin.

"Nasa bathroom po naliligo."

"Oh. Just here to inform you na magre-rehearse tayo bukas bago ang event para mamemorize niyo ang entabladong lalakaran niyo rito."

"Sige po. Walang problema."

"And dinner will be ready at exactly seven thirty. May mga restaurants sa first floor ng hotel na ito. Nagpa-reserve si Miss Del Prado sa may Italian. Be there and don't be late darling."

"Yes Madam." Iyon lang at umalis na ang mga ito habang may pinag-uusapan. Siguro ay tungkol sa mangyayaring show bukas ng gabi.

Hindi ko tinapunan ng tingin si Craven Athena dahil naiinis pa rin ako sa part na ninakaw nito ang first kiss ko. I mean ok, isa akong ipokrita kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang halik nito but what is her reason to do that if she hates me?

Ang first kiss ko ay nangyari sa loob ng comfort room sa isang bar and the person who kissed me, loathe me. What a memory to look back. Ayokong magdemand ng sagot bakit nito ginawa ang bagay na iyon at baka sa huli ay ako lang din ang mapahiya.

But I don't like what I'm feeling right now. Para kasing kinukuha nito ang loob ko at kapag na-fall ako rito. Saka ako nito iiwan. Hindi lang malupit ang Del Prado'ng iyon kundi paasa rin.

Don't fall for her charm.

Narinig ko ulit sa isipan ko ang sinabi ni Madam Viktoria ng mag-usap kami. Paano iyon mangyayari kung sa kabila ng lahat. Ang unang babaeng hinangaan ko noon ay hinahangaan ko pa rin magpa-hanggang ngayon? Kaya siguro ako nasasaktan sa mga pinagsasasabi nito because I am attracted to her kaya apektado ako. I have a feeling towards her na dati ko ng ibinaon sa limot simula nong titigan ako nito na may pandidiri at pagkasuklam.

Walang maibibigay na pag-ibig.

Napaupo ako sa gilid ng kama at saka natulala pagkatapos kong isara ang pintuan ng hotel room namin. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ganoong posisyon ng-

"Alam mo South. Matagal na naming napapansin na parang may dinaramdam ka. May hindi ka ba sinasabi?" Biglang sulpot ni Sineria sa harapan ko habang pinapatuyuan nito ang buhok gamit ang tuwalya bago nito iblower ang buhok.

"You've been acting strange these past few weeks. Are you alright?" Naupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Nandito lang kami. Huwag mo kaming ituring na iba dahil pamilya tayo ok?"

Ngumiti ako rito bago hinigpitan ang hawak ko sa kamay nito at marahang pinisil iyon.

"Thank you Sineria. You don't know how much it means to me-"

Naputol ang sinasabi ko ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Craven Athena na seryoso ang mukha. Nagulat talaga kaming dalawa ni Sineria sa pagdating nito isama na ang pagpasok nitong parang isang emperador.

"You two should come out now. Dinner will be serve after five minutes." Walang kaamor amor na wika nito bago bumaba ang tingin nito sa kamay namin ni Sineria na magkahawak. Mabilis ko itong tinanggal ng makitang sumama ang timpla nito. Palagay ko'y nagkakasala ako kahit wala naman itong pakialam sa akin at wala ring ginawang iba kundi saktan ako.

"Y-Yes M-Miss Del Frado-" Pero hindi pa man nito natatapos ang sasabihin ay agad ng lumabas si Craven Athena na parang bad trip. Nangyari doon?

"Ano ka ba Sineria. Miss Del Prado hindi Del Frado baka mamaya ay tupakin pa iyon at iwithdraw ang deal natin sa kompanya nila."

Namutla naman ito. "Friend nagkamali ako dahil ninerbyos na ako kaninang makita ko siya. I mean hello? Si Craven Athena na iyon. Ang diyosang impakta. Gosh!" Napapaypay pa ito gamit ang kamay. "She's so hot at diyosang diyosa ang dating. Nagagandahan ako sa sarili ko pero kapag nakikita ko siya. Natatameme ako sa kagandahan at kasexyhan niya."

"Maganda ka naman talaga Sineria at sexy din. Hindi mo dapat minamaliit ang sarili mo. May angking talino at ganda ang bawat tao pero dapat huwag mong kakalimutan na mas maganda kapag maganda rin ang kalooban mo." At hindi pumasa si Craven Athena doon dahil wala itong modo. Gusto ko sanang idagdag pero napigilan ko.

"Basta na lang kasi pumasok at ang lakas ng dating. Tuloy para akong tangang nakanganga sa kanya!" Maktol nito kaya natawa ako bago umiling.

"We have to get dress. Kakain na tayo." Wika ko at saka naman ito nagmamadaling magbihis at magpatuyo ng buhok.

Ng dumating kami sa restaurant ay kakaserve pa lang ng mga pagkain at mabuti na lang ay hindi kami na-late. Ayokong makarinig ng kahit anong pasaring ni Craven Athena ngayon o pang-iinsulto. Kotang kota na ako. Kahit ngayon lang ay magkaroon ako ng peace of mind bago ang fashion show bukas dahil ayokong pumalpak. Ito ang unang show namin sa Europe kaya kailangang magawa ko ito ng mabuti para matuwa rin si Madam Viktoria.

Isasantabi ko muna ang mga masasakit na salitang natanggap ko kay Craven na patuloy na bumabalik sa isipan ko.

"Where's Elaine and Janriel?" Ang iba pa naming kasamahang mga modelo. Sakto namang dumating ang mga ito at nagmamadaling makalapit saka naupo.

"Our apologies. We're late everybody. I'm sorry po Miss Del Prado at Madam Viktoria. We're-"

"That's ok." Putol rito ni Craven Athena bago ito tumingin sa akin. "As long as hindi kayo nakikipaglandian para lang ma-late then that's fine. Let's eat."

Napabuntong hininga na naman ako. Namisinterpret na naman nito ang nakita nito kanina sa amin ni Sineria but well, who cares?

Craven Athena judge everything she sees and hear. Wala ng bago pero sigurado akong may insulto na naman akong matatanggap rito.

Please give me a break.

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon