Chapter 13

4K 230 20
                                    

South

Wala akong ginawa sa araw na ito kundi tumunganga. Pagdating ng hapon ay gutom na gutom ako. Hindi naman ako pwedeng maghalungkat sa hindi ko pamamahay. Iyong iniwan kasi ni Craven Athena na pagkain ko ay bale brunch ko pa kaninang alas diyes.

Ilang percent na lang din ang battery ng phone ko. Mabuti at wala kaming rehearsal ngayon kundi ay madi-disappoint si Miss Viktoria sa akin at ayokong mangyari ang bagay na iyon. I can't get out in this place kahit kating kati na akong makauwi. I'm not comfortable in here lalo pa't alam kong lungga ito ng taong nagpaparusa sa akin.

Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong sinagot ng makitang si Madam Viktoria ang tumatawag.

"Darling, are you ready for next week?"

Lihim akong napabuntong hininga sa tanong nito.

"Yes Viktoria, always."

"Magnificent! So we are going to do the rehearsal next week earlier bago tayo lumipad pa-London. I'm so excited South! I've waited this for so long at ngayon ay matutupad na. Thank you darling!"

"Ako po ang dapat magpasalamat sa iyo. Sinama mo ako sa tagumpay mo."

"Oh now you shush darling! You deserve it!"

"Then we deserve it-"

Natigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong na-lowbatt na talaga ang cellphone ko. Ang malas naman! Wala akong magawa kaya ibinalik ko na lang ito sa loob ng shoulder bag ko.

Napatingin ako sa orasan at mag-aalas kwatro na ng hapon. Nalipasan na ako ng gutom. Hindi ko alam kung anong oras darating si Craven Athena. At kung darating man, hindi ko aasahang pakakainin ako nito.

You wh*re!

I am not! Sigaw ko kay Craven Athena habang nakaduro ito sa akin at galit na galit.

Kapagdakay nagsilitawan ang maraming tao at lahat ay nakaduro sa akin. Pinaparatangan ako. Pinagtatawanan, may galit na galit. May nangungutya.

Stop! I didn't do anything! Wala akong kasalanan! Hindi ako nang-akit at mas lalong hindi ako maruming babae!

Tumawa lang si Craven ng isang tawang nakakainsulto.

Who will believe you? No one! Dahil masama kang babae at hindi ka dapat binibigyan ng kalayaan para gawin ang mga kahal*yang bagay. Ang dapat sayo makulong o mamatay!

No! I shouted at nagsimula akong umiyak. Please leave me alone!

Pagbabayaran mo ang lahat South Del Frio!

"No!" Sigaw ko't pawis na pawis akong nagising habang malalalim ang aking paghinga. I am crying for real dahil ramdam ko ang pamamasa ng pisngi ko at nanlalabo ang mga mata ko.

Nagkatitigan kami ni Craven Athena na may pag-aalala sa mukhang nakatunghay sa akin. Hawak nito ang magkabilaang balikat ko.

"What happened?!" Malamig ang boses nitong tanong sa akin.

Pagbabayaran mo ang lahat!

Mabilis kong tinanggal ang mga kamay nito sa akin at mabilis din akong lumayo rito.

Nakita kong napasuklay ito sa buhok nitong mahaba at bagsak gamit ang mahahabang daliri nito.

"You're getting away from me na parang may nakakahawa akong sakit. Ikaw nga ang nakakadiri sa atin but I did touched you because you're dreaming something bad."

Nakita kong sumilay ang ngiti nitong nakakainsulto. Just exactly the way I saw in my dream. Umangat ang kabilang gilid ng labi nito at nakakainis dahil bumagay pa rin kahit siguro tuboan ito ng sungay ay maganda pa rin.

"Nakokonsensya ka na ba sa mga ginawa mo dati at hinahabol ka ngayon ng anino ng kahapon mo? I expect that na hindi ka talaga nakakatulog ng maayos. Sa isang makasalanang katulad mo. Hindi na iyon bago and you deserve that."

Hindi ko pa rin makuhang magsalita dahil nanginginig pa ako. At sa totoo lang, nasasaktan na naman ako sa mga sinasabi nito. Hindi ito nakakatulong sa akin lalo na't unti unti na akong natu-trauma rito.

"Paano ang pakiramdam ng isang gutom?"

So sinadya nito ang bagay na iyon? How could she? Alam nitong hindi pa ako magaling but again. Why would she care now?

"Ano pa bang gusto mo Miss Del Prado? Hindi pa ba sapat ang mga binibigay mong pasakit sa akin?"

"Kulang pa iyan Del Frio. Kulang na kulang pa iyan sa lahat ng ginawa mo sa kapatid ko." Tumalim ang tingin nito sa akin. "Hindi mo naranasan ang mawalan ng anak. Hindi pa nakakabawi ang kapatid ko dahil doon at asawa naman ang sunod na nawala sa kanya." Tumayo ito saka pinag-krus ang mga braso sa dibdib nito.

"Now it's so hard for me to reach her, lumayo ang loob niya sa akin na hindi naman dapat and it's so hard to gain her back. She shut her world at dahil iyon sa iyo. Ngayon, kung nangyayari man ang mga bagay na iyan sa iyo. Kulang pa ang pagdurusa mo. Kailangang mawala rin sayo ang lahat para mapantayan mo ang paghihirap ng kapatid ko." Wika nitong punong puno ng pagkasuklam.

"Sinabi ko na sa iyo noon. Ako ang magpapabagsak sa iyo Del Frio. Gusto kong maranasan mo ang mawalan ng mga kaibigan, mga taong tumitingala, at naniniwala sa mga kasinungalingan mo at bulok na pagkatao. At higit sa lahat ay trabaho. You will lose all the things you ever work hard for."

Nagsimulang umagos ang luha ko. "You can't do that to me dahil inosente ako! Sinungaling ang kapatid mo Del Prado!-"

"Shut up!"

Napatakip ako sa aking mukha at doon ay malaya akong umiyak. I can't take this! Why do I have to pay something I didn't do in the first place? I'm innocent and I'm a victim too but why do I have to take all the blame on me?

"Hindi mo mabibilog ang ulo ko! You're a stranger na hindi dapat pinagkakatiwalaan. Isang babaeng mang-aagaw! You're an evil South at walang kapatawaran ang ginawa mo hanggat hindi ko nakikitang gumagapang ka sa hirap dahil sa kakatian mo. You wh*re!"

Pinunasan ko ang mukha kong hilam ng luha at tumingin rito ng deretso.

"You are really making a grave mistake Miss Del Prado. If you find out the truth. Spare me the words because I had warned you. Hindi ako masamang babae kagaya ng sinasabi mo. Your sister is a liar at hindi ko alam kung bakit baliktad ang kwento-"

"I said enough!" Lumapit ito sa scanner at inilagay ang palad doon. It beep and it turned color green. Ibig sabihin ay nabuksan ito.

"Get out bago pa kita sipain palabas Del Frio."

Nagmamadali kong kinuha ang shoulder bag ko. Wala akong pakialam kung wala na akong suot na sapatos. Ang gusto ko lang ay makalayo sa impyernong lugar na ito. Makalayo sa babaeng sarado ang utak.

"I will be your downfall South! Don't forget that."

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon