Chapter 15

4K 249 31
                                    

South

Napabuntong hininga ako ng makita ko ang text ni Craven Athena.

Come here @Aven asap.

I know that place. Sikat itong bar na pagmamay-ari ng napapabalitang boyfriend nitong si Sir Daven. I have a bad feeling about it pero wala naman akong magawa. I have to go because she had me wrapped around her hand.

Walang gana akong nagpalit ng damit. I wore a simple jeans and a black fitted shirt. Why would I dress up? That's a bar. Mamaya baka mabastos pa ako. Nag-commute na lang ako papunta doon and just twenty minutes ay nakarating din ako.

Ng makita ako ng bouncer ay agad ako nitong pinapasok na parang hinihintay din talaga ako nito. Pagkapasok ko pa lang ay namangha ako. Hindi ito katulad ng mga bar na siksikan ang mga tao. This is the kind of bar na mayaman lang ang nakakapasok. Malawak ang bar na ito at maayos. Maraming sumasayaw sa baba.

Napayuko ako ng makitang ang ilan sa mga ito ay napatingin sa akin. I could hear them saying my name.

"Ma'am South. Nasa taas po si Miss Del Prado and she's expecting you." Salubong sa akin ng isang waiter.

Sumunod ako rito at umakyat kami sa isang salaming hagdanan na umiilaw at nagbigay ng magandang epekto rito. Pagkarating namin sa itaas ay iginaya lang sa akin ng waiter kung saang banda si Craven Athena.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko itong tinungga ang laman ng isang shot glass nito. She's not alone. Kasama nito si Sir Daven at artistang si Rossel Del Franco. I don't know kung nagkataon lang pero bakit parang magkakapareho na kami ng apelyido.

Something is weird going on here. Ng makalapit ako sa kanila ay agad tumayo si Rossel pero inawat ito ni Craven Athena.

"A b*tch doesn't deserve a warm welcome."

"Athena." Magkasabay na wika ni Sir Daven at Rossel.

"Sit down South. Dito ka na lang sa tabi ko." Yaya sa akin ni Rossel. Akma akong uupo ng-

"Sit beside me." Matigas na wika ni Craven Athena bago ulit tinungga ang isang shot glass. Tumador ang Del Prado na ito.

Wala akong nagawa kundi nginitian na lang ng alanganin si Rossel bago naupo sa tabi ng babaeng suplada at masungit. In short, masama ang ugali.

"I suppose na kilala mo na ako pero magpapakilala pa rin ako. I am Rossel and this is Daven my friend. I just tag along here."

"South Del Frio. It's so nice to finally meet you Miss Del Franco."

"Wow! Ngayon lang kita natitigan ng maigi. You're extraordinary beautiful South." Namula ako sa papuri nito.

"Salamat. Mas maganda ka Miss Rossel." Which is true. Isa ito sa magaling na artista and I can't believe na makakasama ko ito sa gabing ito pero ang awkward dahil nandito si Craven Athena at nagsisimula na itong ipahiya ako hindi pa man.

"Anhin mo ang maganda kung plastik. Malandi at mang-aagaw ng asawa."

Napapikit ako dahil sa sinabi nito. So this is why pinapunta ako nito para ipahiya kay Sir Daven at Miss Rossel.

"Sinong mang-aagaw?" Gulat na tanong ni Miss Del Franco rito.

"Athena." Suway ni Sir Daven rito. "We're here to have fun. Don't spoil it."

Sumama ang timpla ng mukha nito. "Sinong nagsabing nag-eenjoy ako? I'm here with a wh*re!"

"H-Hey! Watch out your tongue Athena. That's below the belt. Sinong sinasabihan mong pokp*k dito? I'm offended dahil hindi ako ganung babae."

"I know." Simpleng wika nito. "Sino ba kasing nagsabing ikaw ang tinutukoy ko?"

"Ha? Don't tell me si South?" Clueless na tanong nito.

"Why?" Tumingin si Craven Athena kay Rossel. "You don't think that that woman with an angelic face is an evil that's lurking behind? She ruined my sister's life! She's a low wh*re."

And again, I was hurt.

"Athena tama na iyan. Marami ka ng nainom."

"But I'm not drunk. Nasa tamang huwisyo ako. Ang wala sa sarili ay isang kagaya ni South." Tumingin ito sa akin ng masama. "How many men had bed you ha?!"

"Athena." Si Rossel naman ang sumuway rito.

"Tama na iyan ok?" Awat rito ni Sir Daven. "Athena-"

"No!" Dinuro ako nito habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Nanunuot ito sa aking pagkatao.

"There has been no one." Matapang kong sagot rito kahit naiiyak na ako. She's degrading me in front of these two famous people.

"And you are a liar! I loathe you South!"

"Washroom lang ako." Wika ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng mga ito. Nagmamadali akong nagpunta sa washroom at pagkapasok ko sa isang cubicle ay napaiyak ako. Napatakip ako sa aking bibig at hinayaang maglandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nasa limang minuto na ako doon ng mahimasmasan ako.

Kaya ko pa. Kumbinsi ko sa sarili ko. Basta ang sa akin lang ay inosente ako. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko pero alam kong lalabas din ang totoo.

Pagkatapos kong punasan ang mukha kong hilam ng luha ay lumabas ako't naghilamos ng mukha. Huminga ako ng malalim at tumingin sa aking repleksyon sa salamin.

You know for your self na hindi ka ganun. Nagagawa ni Craven Athena ang ganito dahil biktima rin siya ng kasinungalingan ng kapatid niya. You know she's not like that. Nasasaktan lang din ito para sa kapatid nito. Para akong tangang kausap ang sarili ko.

Ng maayos ko ang aking sarili ay saka naman pumasok sa loob si Craven Athena. Ni-locked pa nito ang pintuan kaya kinabahan ako. Kung anuman ang gusto nitong gawin sa akin ngayon ay malaya nitong maisasagawa.

Naglakad ito palapit sa akin at umatras naman ako. Her eyes are the most beautiful and expressive I've ever seen. Isang tingin lang nito ay talagang mapapasunod ka nito. Nakakahipnotismo na may dalang panganib.

"I hate you!" Parang asidong lumabas ang mga katagang iyon sa bibig nito. Hanggang sa nakorner ako nito. Ngumisi ito sa akin. Hindi naman lasing, mukhang nakainom lang talaga ito.

"I really hate the thought that my brother in-law had touched you. Tasted you, owned you. Why?!"

Lumapit pa ito hanggang sa halos magdikit na kami. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil ang lapit lapit nito sa akin at nanunuot ang pabango nito sa aking ilong na nagpapabaliw sa sistema ko't dahilan ng pagrigodon ng puso ko.

"I-I didn't-"

"Shut up!" Napahilamos ito sa mukha. She look vulnerable dahil parang hindi na nito alam ang gagawin nito. "I wanted to believe you. I really do pero kapag naaalala ko ang parteng iyon I can't stop my self na kamuhian ka dahil masama kang babae! Na nangyari ang bagay na iyon!"

"P-Pero-"

Nanlaki ang mga mata ko't para akong natuod ng maramdaman ko ang mga labi nito sa labi ko.

"Ugh sh*t!" Galit na wika nito saka napapadyak bago ako nito iniwan. Wala sa sariling napahawak ako sa sarili kong bibig.

Did she just kissed me?

What the h*ck just happened?

____

Beshie @shakiara17.. I'm busy at siningit lang talaga ito. I hope makabawi ako with this update 😊

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon