Chapter 19: Necklace

Začať od začiatku
                                    

Ugh! Bakit ba kasi nakapagbitaw pa ko ng masasakit na salita eh. Minsan gusto ko I-stapler yung bibig ko para wala na akong masabing masakit sa kanya.

Ewan ko ba, hindi naman ako ganto kay Mycs noon eh. Pero nagbago ako ng sobra sobra..

Siguro nga kakaiba talaga si Aly.. kahit isip bata siya, maingay, at masungit.. sa kanya ko napapakita yung tunay na ako.

Si Aly.. sigurado akong galit yun sakin..

Hays.. bahala na lang..

Kinuha ko agad yung bag ko at tumakbo pabalik ng school. Kailangan magkaayos kaming dalawa. Ayoko ng magalit pa siya sakin..

Pagdating ko sa tapat ng school nakita ko si Aly, kasama si Mika..

Pagkatapos ng mga nangyari kanina, ganito pa rin makikita ko?!

Nilapitan ko sila at hinawakan yung braso ni Aly,"Tara na, ihahatid na kita." nagsmile ako at kinindatan siya.

Nabigla siguro si Aly sa mga sinabi ko, pero hindi parin nagbago yung facial expression niya.

Biglang nagsalubong kilay niya,"Bitawan mo nga ako. Sino ka para ihatid ako?"

Nag grin ako,"Girlfriend mo. Sino paba?"

Hinampas niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya,"YOU broke up with ME, remember?" tumingin siya kay Mika,"Tara na. Nagugutom na ko eh." Tapos naglakad na sila palayo sakin.

Hmph. Kelan ako nakipagbreak? Yung babaeng yun talaga. Nagtalo lang napagkamalan na niyang nakipagbreak ako.

Pumasok ako sa loob ng school at nakita sila Gretch.

"Sis, ano? Okay naba kayo ni Aly? Umiyak yun pag alis mo eh.. nasa clinic lang siya nung last 2 subjects.. Inasthma eh."

ASTHMA?! Meron ba siyang asthma?! Bakit hindi ko alam?!

Aish.

"Ahh. Hindi pa eh. Mukhang galit.."- sagot ko kay Gretch

"Pano ba naman kasi sis, naniwala ka agad sa iba, hindi mo siya pinakinggan. Ayan tuloy, mali pa nakampihan mo."- sabe naman ni Bang

"Oo nga Denden, dapat pinakinggan mo si Aly, alam naman nating hindi niya magagawang manampal ng ibang tao eh. Tingnan mo nangyari, buti nandun si Fille para mag-asikaso sa kanya. Kung hindi, lagot na."- Gretch

"Sige sis, una na kami."- sabe ni Bang tapos lumapit sakin si Gretch at bumulong,"Na kila Aly lang kami, okay?"

Nag nod ako.

Umakyat ako sa 4th floor para pumunta sa locker ko. Kinuha ko yung box ng necklace na binili ko para kay Aly. Bibigay ko dapat yun nung September 21.. pero absent siya.. Nung pumasok naman siya, nagtalo pa kami, tapos nakalimutan ko na.

Pumasok ako sa classroom at umupo sa upuan ko, tapos pinatong ko sa desk yung ulo ko habang nakatingin sa upuan ni Aly.

Iniimagine ko nung unang beses kaming nagkatabi..

~

"Ano ba yan.. ang ingay.." sabe ko sarili ko habang nakapikit.

Dumilat ako at pagtingin ko sa bintana ang dilim na.

OMG. Tinignan ko yung phone ko para tignan yung oras.. 7:02 na? Nakatulog pala ako.

Ang dilim.. siguro kung duwag ako nagtatakbo nako agad sa baba.. buti hindi ako matatakutin.. medyo lang pag may nakakatakot talaga.

"Hassle."

May narinig akong nagsalita.

"Si..si.. sino yan? May tao ba dyan?"

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now