1 - First Day At Work!

129K 1.3K 36
                                    

OH, my god. Monday na, at ngayon ang start ng first day ko sa pinag-apply-an kong kumpanya. Tense na tense ako dahil dito. Syempre naman kasi, 'yung boss ko ang isa sa mga pinakamayamang businessmen dito sa bansa.

At naisasama rin siya sa Top 100 Sexiest Men in the Philippines. Number 1 siya ah, tinalo pa si Derek Ramsay?!

Naligo na ako at nagbihis. Sinuot ko 'yung na-prepare kong damit kagabi. Blue blouse na may ruffles sa harap tapos black pencil skirt, at pinartner ko 'yung black stilettos na bigay sa akin ng bestfriend ko. Nag-make up pa ako para naman presentable ako sa first day ko.

Sa Makati ang location ng company ng boss ko. Sa Henry Enterprises Incorporated ako magtatrabaho bilang secretary ng CEO. At ang boss ko? Walang iba kundi si Damon Henry. The one and only.

Buti na lang at nasa Makati lang din ang condominium ko kaya 'di na ako maghihirap makipagsiksikan sa EDSA. Goal ko this year, makabili ng matinong kotse para sa sarili ko. May kotse na ako, isang Toyota Vios, kaso secondhand na kasi ito kaya hindi ko na rin gusto.

At nang sa wakas ay nakarating ako sa opisina ay pumasok na ako at nagulat sa ganda ng itsura ng loob ng building. Kung lobby pa lang, nakakaloka na, paano pa kaya sa office ng boss ko?!

Dumerecho muna ako sa reception para i-confirm na ako ang bagong secretary ni Sir Damon. Ang bango ng pangalan niya noh? Naalala ko tuloy si Damon Salvatore sa The Vampire Diaries.

"Excuse me, Miss? I'm the new secretary for Mr. Damon Henry. I'm Serena Yvonne Aguilar," sabi ko sa receptionist na babae. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Ah, kayo po pala, ma'am! Please proceed to the 40th floor. Doon po ang office ni Sir. I'm Jenny Salazar, by the way. Welcome sa Henry Enterprises Incorporated!" bati sa'kin ni Jenny nang nakangiti.

Gumanti naman ako ng smile. "Nice meeting you! Just call me S. Thanks, Jenny!"

"Ang kulit ng name mo. Parang sa Gossip Girl! Serena tapos nickname mo, S," sabi ni Jenny.

Natawa naman ako. Doon ko rin kasi nakuha 'yung nickname ko. Fan kasi ako ng Gossip Girl!

"Oo nga eh! Gossip Girl fan ka rin pala. Anyway, I need to go. Baka ma-late ako. First day ko pa naman. See you around!"

Ngumiti naman siya ulit at kumaway. Dumerecho na ako sa 40th floor. Ang daming tao sa elevator pero nakisiksik na rin ako sa loob. 'Di na ako magpapaka-maarte tutal sanay na ako sa ganito.

Pagdating ko ng 40th floor, nilapitan ko 'yung receptionist. Sosyal ni boss. May receptionist din!

"Good morning. I'm Serena Yvonne Aguilar, the new secretary for Mr. Henry," sabi ko.

"Oh, hi! You're very early. We like punctual employees here. I'm Grace, by the way. Receptionist ako rito ni Sir. Wala pa naman siya kaya doon ka muna sa station mo," sagot ni Grace.

"Ah, okay! Sige, doon muna ako. Teka, saan ba 'yung station ko?" tanong ko.

"Doon oh!" turo niya. Tinignan ko naman kung saan siya nagturo. 'Yung station ko, nasa gilid ng office ni Sir Damon, tapos kitang kita pa ako mula sa loob.

Eh no choice naman kaya umupo na ako roon sa swivel chair na nakahanda sa station ko. Walang ibang laman 'yung table ko kundi mga scratch papers, ballpens... 'yung mga usual na laman ng isang office station. Nagpahinga muna ako kasi ang aga pa. Dadaldalin ko na rin itong si Grace para 'di ako ma-bored.

"Uh, Grace? Anong oras papasok si Sir Damon?"

"Naku! 8:00 na ngayon diba? Mamayang 10am pa 'yon darating. VIP 'yon eh!"

"Ah ganun? Ang tagal pa..." sabi ko at bumuntong hininga. Mga 2 hours pa ang hihintayin ko.

"Serena?" tawag sa'kin ni Grace.

"S na lang ang itawag mo sa akin. 'Di ako sanay na Serena."

"Okay. S, first time mo lang bang magtatrabaho bilang secretary?"

"Hindi naman. Well, first time sa ibang company. Nagiging secretary-kuno na kasi ako sa company namin dati. Eh ayoko naman doon kasi walang challenge kaya naghanap ako sa iba," sagot ko.

"Ah, kaya pala... Eh 'di ibig sabihin mayaman ka!?" sigaw ni Grace.

"Shh! 'Wag kang maingay! Alam mo 'yung RED Company? 'Yung fashion company? Pamilya ko may-ari ng company na 'yun. Pero 'wag mo ipagkalat. Ikaw lang nakakaalam dito!"

Tumango naman siya. Good!




LUMIPAS na ang dalawang oras, wala pa rin ang boss namin. Bukas na ang SM malls pero wala pa rin siya?

"Grace!" tawag ko.

"Oh, bakit?"

"Ang tagal pala ni Sir pumasok? Akala ko ba 10?" komento ko. Nanghihinayang kasi ako sa oras na nasasayang kakahintay.

"Oo. Maya maya andito na 'yon. Nagpa-park lang siguro ng sasakyan. Laging ganun 'yon. Mag-ayos ka na riyan kasi anytime, dadating na 'yon. Ayaw niya ng tamad na employee! Lalo ka na, secretary ka pa naman," sabi niya.

Umayos na ako sa pwesto ko nang biglang tumunog ang elevator. Hudyat na 'yon na andyan na si Sir Damon. Sa wakas, makikita ko na rin siya in person! Unless, ibang tao 'yung lulan ng elevator.

'Di ko siya makita mula sa station ko kasi ang taas ng cubicle wall, kaya si Grace lang ang nakita kong tumayo tapos ngumiti at bumati ng "Good morning, Sir Damon!"

Pagdaan niya sa work station ko, tumigil siya. Tumayo ako at lumingon. Nag-bow pa ako nang kaunti as a sign of respect.

"Good morning, Sir Damon. I'm Serena Aguilar, your new secretary. Pleasure to meet you, Sir," sabi ko habang nakayuko. Pagtaas ko ng tingin...  Holy cow.

Nasa langit na ba ako at merong pogi na nilalang sa harapan ko?! Inusisa ako ni Sir mula head to toe. Feeling ko hinuhubaran ako ng titig niya.

Ang gwapo niyang tignan sa kanyang outfit today—black coat, blue shirt, grey necktie at black pants. Ang bango na ng pangalan, ang bango pa niya tignan.

"Uh, sir? Bakit po?" tanong ko. Ang tagal akong tinitigan eh! Matutunaw ang beauty ko noh?

"Ah, nothing. I'm Damon Henry, the CEO. Pleasure to meet you too, Serena," sabi niya. Ang sexy ng boses. Nakaka-laglag panty naman 'tong si Sir.

Inabot niya 'yung kamay niya sa'kin para makipag-shake hands. Noong nag-shake hands na kami, nakaramdam ako ng electric shock sa pagitan naming dalawa. Hinila ko pasimple 'yung kamay ko at ngumiti. Umupo na rin ako sa swivel chair ko at nag-ayos ng gamit.

"Uhm, Serena?"

The way he said my name... parang musika sa tenga. Ang ganda.

"Bakit po, Sir?" tanong ko at lumingon.

"See me in my office. Now," utos ni Sir.

**

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now