Prolouge:

19 5 0
                                    

Maria Etheria Sanchez POVS:

"May labahan nanaman"

"Ang dumi naman dito, kailan kayo kikilos ha?! Kaialangan talaga sermonan muna kayo?"

"Ano ba naman dito sa cr ang baho, Ria!"

"Yung lamesa ang dumi dumi, ang bababoy nyo naman!"

.

Yan ang mga katagang maririnig mo sa bahay namin. Idagdag mo pa ang magugulo kung kapatid na mga lalaki. Lahat ng makikitang mali sa bahay ay ako ang sisihin...lahat na lang sa akin pero never nila akong narinig na nagreklamo. Isang matipid na tango at ngiti na lang ang tinutugon ko sa kanila.

Sa buong araw ay sa gawaing bahay umiikot ang buhay ko. Minsan lang ako makapag-laan ng oras sa sarili ko. Minsan nga puyat pa dahil sa gabi ko lang nagagawa ng malaya ang hilig ko....at iyon ay ang pagsusulat.

"Madaling araw na! Anong oras ka matutulog?! Tapos bukas tanghali ka nanaman magigising!"sermon nanaman sa akin ni mama. Palibhasa kasi wala kang pakealam at walang alam sa akin.

Napalunok na lang ako. "Tapos na ako sa gawaing bahay, ngayon ko na nga lang magagawa ito "sagot ko naman. Napabuntong-hininga na lang si mama.

Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Mula pagkabata hindi ko natamasa ang kalayaang pinaparanas nila sa pangalawa kung kapatid na si Ryan. Sya mula ng bata pa kami ay malayang nakakapaglaro, ayos lang kanila mama na hindi sya gumagawa ng gawaing bahay at ayos lang din na gumastos ito ng gumastos.

Samantalang ako ay bawal lumabas,makihalubilo, makipaglaro etc...pag may pera ako ay kukunin nila at hindi na nila ibabalik. Kapag hihingi ako ng pera ay isusumbat sa akin lahat ng mga ginastos nila sa akin since nung bata pa ako. Si mama... Sa tuwing makikita ko sya,walang ibang tumatatak sa isip ko kundi isang malaking patalim na nakaharang sa daan ko papunta sa gusto kung puntahan.

K. I. N. A. B. U. K. A. S. A N.....

"Des oras nanaman nagising..oh ayan mag-hugas ka na dyan. Puro kase cellphone ang inaatupag!" bungad na sermon sa akin ni papa. Mabilis akong tumungo sa lababo para hugasan ang sandamakmak na hugasin.

Puro sila reklamo e hindi naman nila nakikita na ako lang naman ang pinapahirapan nila.

"Ate, nakita mo ba yung damit ko?"tanong ni Ryan.

"Hindi"sagot ko habang hinuhugasan ang mga plato. Ang mga plato at damit na lang ata ang kadamay ko tuwing may problema ako. Ni kasi kaibigan ay wala ako e kasi naman bawal bawal..puro na lang bawal.

Pupunta ka lang sandali sa kaklase para gawin ang project e sasabihin ...san ang date? Siguro makikipagkita ka lang sa boyfriend mo noe.

As if naman may boyfriend ako. Tas kapag pupunta lang sa kaibigan sasabihin... Mga kabataan naman talaga oh..wala ng ibang alam gawin kundi gumala.

As if naman may pang-gala.

"Eh kasi naman..ang gulo-gulo ng damitan. Halo-halo na ang damit"inis na reklamo nito at nagdabog pa.

"Abat, kasalanan ko pa kung bakit magulo? Eh kakaayos ko lang sa damitan nyo ah.. Makapagreklamo kayo akala nyo namam sinuswelduhan nyo ako dito. Reminder! I'm not your maid here! Kaya paki-ayos ang trato nyo sa akin"inis na banat ko naman.

Naasar ako na naiinis. Hindi ko kayang magalit pero minsan hindi ko na nakikilala ang sarili ko kapag hi di ko nakokontrol ang emosyon ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ilang taon na lang Ria makakapagtapos ka na sa senior high school. Makakalaya ka na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnexpectedWhere stories live. Discover now