Kabanata 42

144 13 0
                                    

Magdadalawang araw na ang nakalilipas magmula nang magpakita ulit si Rendon at mangyari ang pangyayaring mas lalong nagpagulo ng isipan ko at nagbigay sa akin ng panibagong pangamba sa mga mangyayari.

Gayunpaman, kahit na gano'n ang nangyari, it was somehow a blessing in disguise for me kasi nandito na ulit siya. Kasi makulay na ulit ang mundo at buhay ko. Hindi na ako mangungulila pa sa presensiya niya dahil anytime kapag gabi ay darating agad siya kung gugustuhin ko.

Gabi-gabi rin kaming nagkikita sa rooftop para ilaan ang oras namin sa isa't isa. Halos sa rooftop na nga ako matulog eh pero siya itong nagsasabi sa aking delikado pa rin sa labas.

Nalaman ko rin na kapag madaling araw ay umuuwi si Rendon sa probinsya para magpalipas ng umaga at kapag palubog na ang araw ay magmamadali na siyang pumunta rito para makita ako.

Kung normal siguro siya ay malamang hindi na 'yon magtatagal but well, he's a vampire. Napakabilis lang para sa kanila ang tumakbo at kumilos nang walang kahirap hirap.

Hindi naman alam ni Shrell ang tungkol sa mga nangyayari dahil palagi naman siyang wala at minsan madaling araw na umuuwi galing sa date nila. Mukhang nagkakamabutihan na nga sila no'ng Alfred na 'yon ah.

Katulad ngayon, nagmamadali na naman siyang umalis para sa date nila. Parang hindi sila nagsasawa makita ang isa't isa pero syempre, hindi ko naman kini-kwestiyon 'yon dahil alam ko naman ang feeling na makasama ang minamahal mo. Hindi ko naman pinagbabawalan si Shrell dahil alam kong masaya naman siya sa ginagawa niya.

"Byeeee Cassey!" Pagpapaalam niya.

"Babye! Ingat!"

"I will!"

Nang makaalis siya ay dumiretso naman ako sa rooftop dala-dala ang mga pagkaing niluto ko. Palagi na rin kaming sabay kumain ni Rendon dahil wala naman akong kasabay. Katulad lang ng dati. We spent the night talking and laughing like the usual. Para bang malaya ulit kami at wala kaming iniintindi kapag magkasama.

"Hmm, I miss this one," pagtukoy niya sa Adobo na siyang ikinangiti ko. Even simple thing like this makes me happy.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising at nag ayos ni Shrell dahil hassle na naman sa pagsakay ng jeep. Hindi kasi kami pwedeng malate dahil midterm examination namin ngayong araw.

"Tara na!"

"Wait lang!"

Nauna na akong lumabas sa silid at napahinto naman ako nang makita ang saradong pintuan ng apartment ni AJ. Agad akong kinabahan at nanigas sa kinatatayuan nang maalala kung anong nangyari sa kaniya.

Pakiramdam ko isa na akong kriminal ngayon dahil alam ko kung anong nangyari sa kaniya at hindi ako nagsasalita. Parang ang laking konsensiya sa akin ng pananahimik ko tungkol sa kaniya.

"Oh, ano pang tinitingnan mo riyan? Tara na!" Tanong ni Shrell nang mapansin ang reaksiyon ko. Tiningnan niya naman ang tinitingnan ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Ah kaya naman pala. Mukhang wala ng tao sa loob. Siguro nauna na 'yon sa school, Cassey kaya tara na. Baka malate pa tayo!" Ani Shrell. Hindi nalang ako kumibo at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pinilit ko ring pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong magtanong siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.

Nang makarating kami sa school ay nagsimula agad ang examination. Madali ko lang naman nasasagutan dahil nakapagreview naman ako sa lahat ng subjects.

Natataranta lang ako kapag sumasagi sa isip ko na si AJ ang tumulong sa 'kin magreview bago siya mamatay. Shit! Pakiramdam ko kasalanan ko kung ano ang sinapit niya. Parang tinatago ko ang katotohanan tungkol sa kaniya. Parang ipinagkakait ko ang hustisya sa kaniya.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon