Kabanata 7

247 19 0
                                    

Days.
Months.
And years passed.

But I'm still waiting for him.
I'm still holding on to our promises and I'm still keeping our secret.

Sa paglipas ng panahon, maraming nagbago. Ang lifestyle ko, ang mindset ko, ang mga kaibigan ko pero isa lang ang nasisigurado kong hindi nagbago. Iyon ay ang promise namin sa isa't isa na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin.

Ilang taon na ang lumipas pero naniniwala pa rin ako sa sinabi niyang 'babalik siya' at alam ko rin na naniniwala pa rin siya sa sinabi kong 'aantayin ko siya'.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nasisiguro kong pati ang kwarto ko ay nagbago na rin. Ang mga gamit na pambata dati na halos kulay pink ay napalitan na ng mga gamit na pangdalaga.

Ang pintura ng kwarto ko na dati ay light pink din ay napalitan na ng light brown na kulay. May maliit din akong bookshelves na nakatayo sa gilid ng kama at doon ko inilagay ang librong pinag iipitan ko ng mga bulaklak na iniiwan niya.

Simula no'ng gabing 'yon ay hindi na ako nakakatanggap ng mga bulaklak sa labas ng bintana ko. Umalis nga talaga siya noong mga panahong 'yon. Akala ko nagbibiro lang siya pero totoo pala kaya naman hanggang ngayon naniniwala pa rin ako sa sinabi niya at mananatili pa rin akong mag aantay sa pagbabalik niya.

Because, that's how a promise works. Hindi 'yon binabali dahil, it's a promise and I am holding onto it.

Inikot ko pa ang paningin ko sa buong kwarto. Ang hello kitty na study table ko ay napalitan na rin ng medyo mataas at pangdalagang design. Marami na talagang nagbago sa paglipas ng panahon at ang pagbabagong 'yon ay hindi ko naman namamalayan.

Nahagip ng paningin ko ang family picture namin. Naalala ko kinuhanan ito noong 4th birthday celebration ko. Nasa gitna ako at nakasuot ng kulay red na dress habang nasa magkabilang gilid naman sina mom at dad. Buo at masayang pamilya pa kami noon, hindi tulad ngayon. Mapait naman akong napangiti sa ideyang 'yon.

I miss you so much mom.

Ilang saglit lamang ay nagring ang cellphone ko. Kinuha ko naman 'yon at sinagot.

"Hello?"

["Ready kana? Papunta na ako sa inyo."] Ani Shrell sa kabilang linya.

Pupunta kasi kami ngayon sa kabilang bayan para mamili ng mga pagkain para sa nalalapit na 18th birthday ko at sa makalawa na 'yon.

Bago umalis si dad noong nakaraang araw eh binigyan niya ako ng perang panghanda para sa birthday ko. Sinabi niya rin sa akin na ako na ang bahala kung ano ang mga gusto kong bilhin.

"Oo, ready na 'ko. Daanan mo na lang ako dito sa bahay, okay?"

Nagpasama ako kay Shrell para naman hindi ako mabored sa pamimili at para malaman ko rin kung ano ang mga gusto niyang pagkain. Maaari ko naman 'yon ipaluto kay manang eh.

["O sige na sige na. Malapit na kami sa inyo. Lumabas kana riyan. Tapos mamaya pag uwi mag-commute nalang tayo. Kasama ko kasi ngayon si dad."] Sagot niya.

"Oh? Kasama mo si tito? Buti pumayag na ihatid tayo."

Kinuha ko naman ang shoulder bag ko na nakasabit sa gilid at isinuot ito. Binuksan ko naman ang maliit na drawer na nasa ilalim ng study table ko at kinuha ang eco bag doon. Magdadala nalang ako nito kaysa naman bumili pa ako roon, eh meron naman ako.

["Syempre naman. Sige na bumaba kana andito na kami. Byeeee."] Ibinaba niya na ang linya at saktong narinig ko naman ang busina ng sasakyan nila.

"Cassey nandito na si Shrell!" Tawag ni manang. Dali-dali naman akong bumaba sa hagdan.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon