Kabanata 33

137 15 0
                                    

Rendon's POV

My name is Rendon Vien. I came from a royal family ancestry of vampires. I currently ruling the whole vampire population. I am their king but funny to think that I'm just a slave of her words -- her love.

I existed hundred of years ago and still existing up until now but not until I lost her. My darkness which makes me shine. My everything and my whole universe. I lost her that night.

Nakaabang na ako rito sa gilid ng isang abandonadong lote kung saan may nakikita akong mga batang naglalaro. Natatakpan ako ng mga matataas na damo at dahon ng mga halaman kaya hindi nila ako nakikita.

Hindi ba aware ang mga batang ito na nasa panganib ang buhay nila? Napangiti naman ako sa loob loob ko dahil sa sobrang kainosentihan nila sa mga bagay bagay lalo na sa existence naming mga bampira. Hindi ba ikinikwento ng mga magulang nila? I don't think so dahil kung oo ay malamang, wala ng titira sa lugar na 'to.

Ang pagkainosente nila sa lugar na ginagalawan nila ay mawawala kapag may nabiktima ako sa kanila ngayon. Hahanap lang ako ng magandang tiyempo para makakuha ng isang bata. Sigurado akong masarap ang dugong nananalantay sa kanila dahil mga bata pa ito at sariwa pa.

Natigil ang pagpapantasya ko sa dugong nananalantay sa kanila nang may marahang tumama sa may paanan ko. Isa itong bola na sa tingin ko pagmamay ari nila. Napangiti naman ako sa ideyang magagamit ko ito para makuha ang atensyon ng magiging biktima ko ngayon.

"Eto ba?" Tanong ko nang mapansin ko ang isang batang naghahanap ng bola nila. Naririnig ko kasi ang usapan nila kanina. I guess she will be my food for this night. Poor kid.

Halatang takot na takot at kinakabahan siya noong dahan dahan siyang lumapit sa gawi ko para kunin ang bola nila. Napapangisi ako sa loob-loob ko kapag nakikita ko ganyan katakot ang magiging biktima ko. Nakak-excite tuloy siyang biktimahin.

Nang tumingin siya sa mga mata ko ay nakaramdam agad ako ng kakaibang pakiramdam na para bang may kung ano siyang ipinapahiwatig. Nawala ang pagngisi at excitement na nararamdaman ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Halos hindi maalis sa utak ko kung gaano kaganda ang mga matang nasilayan ko.

Weird. What is this feeling?

Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. This is insane. Ako kinakabahan sa isang bata? Fuck!

Nawala ang pagpapantasya ko sa kaniyang dugo kanina dahil sa mga titig niya sa akin ngayon. Nahahalata niya ba na hindi ako isang tao? Hindi naman siguro dahil naka-facemask ako para itago ang mga pangil ko.

Bakit titig na titig siya sa mukha ko? May dumi ba sa mukha ko? Nakaramdam naman ako ng hiya sa naisip ko. Fuck that! Bakit ako nahihiya sa isang batang magiging biktima ko? Tangina! Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit hindi pa ako gumagalaw para patayin siya at uminom ng kaniyang dugo?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang napako ako sa kinatatayuan ko ngayon at dahil lang 'yon sa isang batang babae! Imagine?

Nang magpasalamat siya sa 'kin ay hindi ko pa rin inalis ang titig ko sa mukha niya. Napakunot din ang kilay ko sa nakikita ko sa kaniya ngayon.

We, royal blood vampires can see the future. Iyon ang katangian na meron kami ni Dilan, ang kapatid ko, na wala ang ibang ordinaryong bampira.

Kaming dalawa nalang ang may katangian na makita kung ano ang mangyayari sa hinaharap dahil kaming dalawa nalang ang natitirang royal blood vampires sa buong populasyon ng mga bampira na namumuhay ngayon.

Nanatili pa rin akong nakatitig sa mga mata ng batang babae na ito. Nakikita ko sa mga mata niya na magiging parte siya ng buhay ko. Magiging malaki siyang parte sa akin.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon