Kabanata 11

224 18 0
                                    

Kring! Kring! Kring!

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko sa gilid. Agad ko itong inabot at in-off. Nakita ko namang alas 4:00 na ng madaling araw. Oo nga pala, magluluto nga pala kami ngayon because it's my birthday! Nae-excite pa rin ako kahit papa'no dahil outing 'to eh. Matagal na akong hindi nakapag outing.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at nakitang may 13 messages do'n. Binuksan ko 'yon isa-isa at ang una ay galing kay Shrell. Binasa ko naman agad 'yon.

'Happy birthday, bestfriend! Babatiin kita sa text pero don't worry babatiin din kita sa personal hehe. Labyu!'

Bahagya naman akong natawa sa text niya. Nag effort pa siya magtext eh nandito lang naman siya sa bahay. Binuksan ko naman ang pangalawang text, galing ito kay Cedrix.

'Happy happy birthday, Cassandra Villary! Enjoy your day and see you later!'

Napapailing nalang ako sa message niya. Complete name pa talaga ha? Nireplyan ko naman siya ng 'thanks'. Binuksan ko naman ang pangatlong text at napangiti ako sa nabasa ko.

'Happy birthday, darling! Daddy loves you so much!'

Akala ko pati greetings 'di magagawa ni dad kasi nga sabi niya busy siya sa trabaho 'di ba? Pero hindi ko inaasahan na nagawa niya pa rin. Maliit lang na bagay ito para sa 'kin but this means a lot.

Nireplyan ko naman siya at binuksan ang iba pang mga messages. Puro bati ng 'happy birthday' ang mga natitira at ang iba may mga wishes pa.

Natatawa naman ako dahil halos kadalasan ay magkaboyfriend na ang wish sa 'kin. Syempre nireplyan ko silang lahat. Hindi naman kasi ako famous para i-ignore lang sila.

Tumayo na ako at inayos ang sarili. Hindi ako naligo dahil paliguan naman ang pupuntahan namin doon.

Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin. Isa na akong ganap na dalaga ngayon. Siguro naman ay magagawa ko na ang mga bagay na gusto ko ngayon kasi finally, nasa legal age na ako.

"Happiest birthday self!" Pagbati ko sa sarili. I also smiled at my own reflection.

Napansin ko ang family picture namin sa tabi ng salamin. Kinuha ko naman 'yon at tinitigan. Napangiti nalang ako nang mapait sa naisip. Ilang birthdays na ang nagdaan na sini-celebrate ko nang hindi kasama si mommy.

"I wish you were here, mom," bulong ko habang hinahaplos ang itsura niya sa picture.

Hinalikan ko muna ang family picture namin saka lumabas ng kwarto. Hindi ko na kailangan ihanda ang mga gamit ko na dadalhin dahil inihanda ko na ito kagabi pa.

Pagkababa ko ng hagdan ay bumungad sa akin si manang at Shrell na busyng busy sa kaniya-kaniyang ginagawa. Napansin naman ako ni Shrell kaya nagsalita siya.

"Ay ang gaga! Ngayon lang nagising. Anyway, happy birthday bestfriend!" Binitawan niya ang kutsilyong hawak niya saka lumapit sa akin at yumakap. Ganoon din ang ginawa ko.

"Salamat kahit ang harsh mo sa 'kin," saad ko naman.

"Hoy minsan lang naman gaga," depensa niya naman.

Sabay nalang kaming dalawa natawa. Kahit kailan talaga. Lumapit naman sa akin si manang at yumakap din.

"Happy 18th birthday sa napakaganda kong pamangkin," ani manang. Bolera naman pala 'to si manang. Grabe naman kasi sa napaka ganda.

"Kayo talaga manang. Ang hilig niyong magbiro." Kumalas siya sa yakap ko at tinitigan ako.

"Hindi ako nagbibiro 'no. Totoong ang ganda-ganda mo na. Siguro marami nang lalaking nagkakagusto sa 'yo 'no?" Pang aasar ni manang.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon