Napaluhod naman ako ng may biglang tumama sa hampas sa may binti ko na dahilan ng pagsigaw ko dahil sa sakit.

"Ops my bad! Masakit ba trinidad? Awts gege kung ganun hahaha" sabi ng isang babae na siyang nakatama sa akin , pilitin ko mang tumayo ngayon ay hindi ko magawa dahil parang di ko na maigalaw yung mga binti ko sa sobrang sakit nito ngayon.

Hinablot ni yzabelle yung buhok ko at nagsimula na siyang pagsasampalin ako ng sunod sunod , may nakahawak na tauhan sa may dalawang kamay ko ngayon.

Di pa siya na satisfied sa ginawa niya dahil pinaghahampas niya ng kahoy itong paa ko ngayon , halos mamilipit naman ako sa sobrang sakit at nagdurugo na ngayon yung binti ko at meron pang bumaon na pako.

"Ahhh!!! Putcha ka pag ako nakawala sisiguraduhin kong lulumpuhin din kitang tarantado ka!!!" Pagbabanta ko sa kanya , napangisi nalang siya ay sinuntok ako sa may tyan ko , napapikit nalang ako dahil doon.

"Bago mo ako malumpo coleen ay sisiguraduhin ko din na ikaw ang makakaunang maexperience yun! Tarantado ako? Hmp mas tarantado ka! Matagal akong nanahimik at nagplano para magantihan ka sa ginawa mo sa girlfriend ko! Kaya ngayon damhim mo kung gaano kasakit! Ayaw mo pa nun baka nga magkita pa kayo ng ina mo ngayon na namamahinga na eh!" Natatawang sabi niya , nandilim naman ang paningin ko dahil sa sinabi niya.

Pero kahit anong galit ang nararamdaman ko ngayon na siyang kalakasan ko sana para makawala at lumaban muli ay hindi ko magawa sapagkat hindi ko na makontrol yung mga binti ko at mga kamay.

"Wag na wag mong idadamay yung nanay ko dito! Sabihin mo na ang lahat sa akin pero wag na wag mong isasama sa usapan yung mommy ko!" Sigaw ko pabalik sa kanya , nagsitawanan naman yung mga kasama niya dahil doon.

"Uhm im sorry for your loss coleen i didn't mean to say anything about your mom but she's freakin hot you know? But how come na nagawa pang mag cheat ng daddy mo sa kanya? Hmp i guess hindi magaling sa kama yung mommy mo" may araw karin sa akin yzabelle at sisiguraduhin ko sa susunod nating pagkikita ay papatayin kita.

Linapit niya naman yung mukha niya sa akin at agad ko nang inuntog yung ulo ko sa kanya ng makabawi man lang ng unti.

Pagkatapos nun ay napalayo siya ng unti sa akin , dinuraan ko naman siya sa mukha ng Alisin niya yung mga kamay niya doon.

Napangisi nalang ako ng makita kong dumudugo yung ilong niya dahil sa pagbunggo ng ulo ko dito , nararapat lang yan sayo tanga.

"Abay gago ka talaga no! Tignan nalang natin ang tapang mo sa gagawin ko ngayon!" Galit na galit na sabi niya kinuha niya na yung kutsilyo sa may sahig at nakangiting papalapit sa akin.

Hihiwaan niya na sana yung mukha ko nang may biglang tumunog na fire alarm na ikinagulat ng lahat.

"Boss Yza may sunog po ata tara na at iwanan na natin tong mukong na to , sunog nalang ang papatay sa kagaya niyang dem*nyo!" Sabi nung isa , tinalian naman ako ng mga tauhan niya at agad agad na nilang nilisan ang rooftop.

Mga duwag! napahiga nalang ako dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko ngayon , sobra na ang pananakit nito at umaagos na ang dugo mula sa ulo ko papuntang mukha ko.

Hindi ko naman magawang punasan yung nga humarang na dugo sa mata ko dahil nga nakatali ako ngayon.

Bigla naman bumukas yung pintuan at iniluwa nito ang hindi ko inaasahang babae , what the anong ginagawa niya dito?

Tinanggalan niya ako ng tali at tinulungan nang makatayo , ngunit nahihirapan nga ako ngayon dahil halos hindi ko na maramdaman yung binti ko ngayon.

"Umalis kana hayaan mo na ako dito , iligtas mo nalang ang sarili mo may sunog na sa baba kaya kailangan mo nang lumikas" sabi ko sa kanya , umiling naman siya at halata ang pag aalala sa mukha niya ngayon.

Tila bay naluluha na din siya pero bakit? Mukhang okay naman siya ah pero bakit naiiyak siya ngayon habang nakatingin sa akin?

"Walang sunog! Pinindot ko lang yung bell para lisanin nila itong lugar at tigilan na nila yung pananakit sa iyo" huh paano? Ibig sabihin kanina pa siya nakamasid sa pintuan?

"What the heck! kanina ka pa ba dyan? Paano nalang kung nakita ka din nila edi napahamak kadin" nag aalalang tanong ko sa kanya , tumango naman siya sa akin at tinignan lang ako sa mata.

"Di na mahalaga yun , ang importante sa ngayon ay maihatid kita sa hospital , hindi kana halos makilala dahil sa mga sugat at puro dugo mong mukha ngayon" pinilit ko naman na tulungan ang sarili ko pero sobrang sakit talaga.

Sa pangalawang beses ay natumba ako , kahit inaalalayan niya na ako ay hindi parin talaga kaya.

"Let's try again okay? Kaya mo yan may elevator naman pag nakalabas na tayo ng pinto ,unting tiis lang okay?" Bakit ang bait bait niya parin sa akin? Despite ng ginawa ko nung nakaraan? This girl is making me insane argh!

I think i love her!








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💞

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ