☆CHAPTER 29☆

1.7K 70 11
                                    

CASSANDRA LOPEZ'S POV

Ang gaan pala sa pakiramdam ng may nasasabihan ka ng mga problema mo.

Ang tagal kong kinimkim sa puso ko ang sakit nato.

Nakaka trauma. Hindi ko ma ipa liwanag ang nararamdaman ko.

Iba talaga ang tama ng alak sa tao. Nagiging totoo.

"But-- Cassandra-- if it's okay with you, can you tell me more about it? Like how did it happen?" Seryosong tanong n'ya.

Bakas naman sa kanyang mukha na seryoso at willing s'yang makinig sa aking hinanakit so why not.

Gusto ko din naman ng makaka usap.

"Fine. I'll tell you." Tumingin ako sa langit na puno ng bituin.

"10 years ago, ganito din ang langit noon, maraming bituin sa langit, kaka graduate kolang ng high school at papauwi ako galing sa party namin ng may mang yaring insidente na hindi ko ninais."

Napabuntong hininga ako saka pinunasan ang luha ko.

"Nasa daan ako papauwi nang biglang may humintong itim na van sa harap ko. Dalawang lalaki ang kumuha sa akin at pilit akong ipinasok sa loob ng van."

"Natatakot ako sa kanila. 17 palang ako non." Mangiyakngiyak kong sabi. "Puno ng lalaki ang van na itim."

"May isang lalaki sa dulo ng upuan, naka suot ito ng black suit at gulo ang damit n'ya. Namumula din ang mukha, mukhang init na init."

"Maya maya pa ay nag bigkas siya ng kakaibang wika, hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin."

"Pinalabas niya ang lahat maliban sa kanya. Naka hinto kami sa isang bakanteng lote kaya hindi ako maka hanap ng tulong."

"Pinagsamantalahan niya ako ng gabing iyon. 'I'll be gentle' yan ang wika nya pero hayop sya. Dalawang araw akong paika ika lumakad! Gusto ko syang patayin!! Sa tingin ko ng mga oras nayon ay napaka dumi kong tao." Pinag susuntok ko ang katawan ni Caspain sa galit.

Hayop yung lalaking iyon, sinira n'ya ang buhay ko! Dapat syang makulong.

"Buti na lamang at nakalimutan kona ang mukha niya. Ayoko na syang maalala pa. Kung pwede lang ako mag ka amnesia ginawa kona matagal na."

Madilim din ang gabi na iyon kaya ayos na sa akin na hindi ko maalala ang mukha n'ya.

"That's cruel Cassandra. Hindi dapat sayo nangyari yan, you're only 17 and--" Napahinto s'ya at napa isip.

"What did you say again? Itim? Like black van??"

"Oo. Bakit?"

Biglang napa hawak s'ya sa kanyang ulo. Tila sumakit bigla ang ulo n'ya.

"Ayos kalang ba? Caspain? Sir??" Hinawakan ko ang kanyang noo at sinalat.

Baka nalamigan lang kami dahil basa.

"Caspain siguro dapat ay pumason na tayo sa loob. Baka mag ka sakit ka."

Tumayo kami pero hinawakan n'ya ang braso ko ng mahigpit at sinamaan ako ng tingin.

"Ba-- bakit?" Tanong ko habang papa atras ng lakad.

Nakaka takot ang ekspresyon n'ya.

"What did you tell him?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin."

"Anong sinabi mo sa kanya? Did you stop him?? Tell me the exact word."

"Teka lang nasasaktan ako sa hawak mo, bitawan monga ako." Tinulak ko sya at tila ba natauhan sya.

"I-- I'm sorry. I didn't mean that."

"Ayos lang." Hinimas ko ang braso ko na sumasakit.

"Ang sabi ko sa kanya 'WAG PO' sabi ko 'TAMA NA' pero hindi naman s'ya nakinig sa akin."

"Cassandra--" Napa tigil s'ya at tila ba naluluha. "Are you wearing school uniform that night??"

"Oo. Pano mo nalaman??" Nag tataka kong tanong.

Sa pag kakaalam ko ay hindi ko naman ito binanggit sa kanya. Pano n'ya nalaman??

Nakakapag duda. "Caspain, pano mo nalaman??"

Hindi pa siya nakaka sagot ng may narinig kaming kalampag sa loob ng bahay. "Ahhhh!!!!!"

Nasagi dito ang atensyon namin.

Malakas ang pag kaka bagsak kaya naman napa tingin kami dito.

Dali dali kaming nag tungo kami sa loob ng bahay at nakita namin si Nata na walang saplot, tanging kumot na puti lamang ang nag tatakip sa kanyang katawan.

At mukhang nahulog sya galing hagdan.

At maya maya pa ay nakita namin si sir Luis na bumababa ng hagdan. Tuwalya lang sa kanyang pang ibaba ang saplot nya.

Mukhang alam kona kung anong nangyari.

Kaya pala sila nawala kanina.

Nang makita ni Nata si Luis ay tumayo ito ng mabilis at nag tago sa likuran ko.

Bakit ako??

"Nata." Sambit ni Luis at lalapitan sana kami pero pinigilan sya ni Caspain.

Hinarang ni Caspain ang kamay nya sa amin at masama ang tingin nya kay Luis.

"What's going on? What happened?" Tanong ni Caspain.

"I just want to talk to Nata privately."

"No." Umiling si Nata.

"I think kailangan mag bihis ni Nata. Caspain ako na bahala kay Nata " saad ko.

Tumango lang sya at sinamahan kona si Nata sa kwarto ko.

Kumuha lang ako ng extra damit ko at ipinasuot sa kanya kaso hindi ito nag kasya kaya no choice. Pinag suot kona lang sya ng bathrobe para hindi lamigin.

Nag usap kami ng masinsinan sa taas at kinwento nya sakin ang lahat.

~☆~

A/N: Nakakaloka ang chapter na'to, masyadong madami ang ganap.
Kawawa naman si Cassandra.

~☆~

THE FATHER OF MY SON IS A COLD-HEARTED MAFIA BOSS!!Where stories live. Discover now