Tinanaw nya lang ang palayong bata. He raised the right part of his lips. “Mga bata nga naman. Akala nya ba madadaan niya ako sa fairytale niya? Tsk!” saka niya muling ibinaling ang atensyon kay Miah. “Sleeping Beauty.” Naibulong nya sa sarili. Muli na namang bumalik sa kanyang isipan ang appreciation niya sa kagandahan nito. What the f*ck!

Ilang sandali lang ay lumipat si Jorizce sa ibang bahagi ng kagubatan upang isagawa ang kanyang binabalak. Kailangan niyang lumayo upang hindi na siya maabutan pa ng makulit na bata. Naisahan niya ito pero nagpapasalamat pa rin naman siya rito. Malaki ang naitulong nito.

…..

“Hoooh!” nagising na si Miah. Binuhusan lang naman siya ni Jorizce ng isang tabong tubig. Nagising siya sa lamig ng tubig.

“Finally! Nagising ka rin!” bulalas ng lalaking Exist habang nakapamaywang sa kanyang harapan. Nakaupo siya sa lupa. Luminga-linga sya sa paligid.

“Nasaan tayo? Ano’ng nangyari?!” bulalas niya. Sinubukan nyang gumalaw ngunit nakatali ang kanyang mga kamay ng isang mahabang lubid. Nang sundan niya ang dulo ng lubid ay hawak ni Jorizce ang dulo nito. Para siyang alagang hayop nito at papastulin siya.

“Ano to?! Bakit ako nakatali?! Pakawalan mo ako! Sa pagkakaalam ko ay tatakas kayo ng kaibigan mo ah!” nagsisigaw na siya. Pinilit na rin niyang tumayo. Hindi man lang siya tinulungan ng hambog na Exist.

“Nakatakas na tayo. Tayong dalawa nalang ang magkasama. Siguradong tatakasan mo ako kaya itinali kita.” tugon nito sa kanya. Labis na talaga ang pagkamuhi niya rito. Mabilis na kumulo ang kanyang dugo. Hindi niya makakalimutan ang huling ginawa nito sa kanya. Hindi pa nito nabubura ang huli nitong alaala sa kanya. Ginamit na naman nito ang pagkababae niya. Sinutok pa siya nito para makatulog siya.

“Hindi kita gustong makasama! Pakawalan mo na ako!” nagwala na siya sa kinatatayuan niya. Lumapit siya palapit kay Jorizce. Pinagpapalo niya ang dibdib nito. Unti-unting nagbago ang timpla ng mukha nito.

“Tigilan mo yan!” sinigawan siya nito. Napatigil siya sa paghampas dito. Nagkatitigan lang sila. She hated those green eyes of him. Walang magandang bagay siyang nakikita sa mga iyon.

“Bakit? Sasaktan mo na naman ako huh? Lalapastanganin mo ako na parang hayop. Itatrato na parang basahan. Hindi ba’t binubura mo ang mga alaala ko matapos na may mangyari sa atin? Bakit hindi mo nalang yon gawin ngayon para mapasunod mo ako?” her tears immediately fell from her eyes. Napakaraming masasakit na bagay, nakaka-traumang bagay ang pinagdaanan niya sa Exist na nasa kanyang harapan.

Tila tinamaan naman ito sa mga sinabi niya. Umiwas ito ng tingin sa kanya. Malayo ang tinungo ng mga mata nito. Tumatagos sa mga puno ng kagubatan.

“Ayoko namang gawin yon. Gusto ko kasi mapatawad mo ako. Sana magawa mo akong mahalin.” Sambit nito.

Sa tingin niya ay matagal na siyang hindi nakakapaglinis ng tainga. Nagkamali yata siya ng narinig. Muling ibinalik ng lalaki ang berde nitong mga mata sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Nagtatalo ang galit at ang walang humpay na tibok ng kanyang puso. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin nito.

“Mahalin ka?” nakipagtitigan siya rito.

“Oo. Alam kong mahirap para sayo yon dahil sa tindi ng mga kasalanan ko sayo. Pero sana mapatawad mo ako. Patawarin mo ako Jeremiah. Pinagsisisihan ko na ang lahat.” Nagkakamali nga yata siya ng dinig. Nasa ibang dimension yata sila ng mundo. Ano ba’ng nagyayari?

 

“Ano ba’ng nakain mo habang natutulog ako? Ano ba’ng mayroon sa gubat na ito at nagkakaganyan ka? Ikaw na dinaig pa ang halimaw sa kasamaan ay hihingi sa akin ng tawad? Mahalin ka? Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagmamahal? Hindi ka naman marunong non!” gayunpaman ay mas nanaig pa rin sa kanya ang galit para rito. Naisip niyang pinaglalaruan lamang siya nito.

“Sh*t naman bakit ba ang hirap mong pakiusapan?! Patawarin mo nalang ako! Mahalin mo ako! Turuan mo uli akong magmahal!” tila ito naman ang naubusan ng pasensya. The more like him.

“Sa tingin mo talaga ganon kadali yon no?! Mahalin ka? Matuo kang magmahal? You are not capable of those things! You don’t deserve to be loved!” kung nakakasugat lang ang mga salita ay puno na ng mga patalim ang mga lumabas sa bibig ni Miah. Kusang huminto ang kanyang mga mata sa pagluha. Bakas nalang ng maalat na tubig ang nasa kanyang mga pisngi. Namumuhing mga titig pa rin ang bigay niya rito.

Parang may kuryenteng gumapang sa kanyang balat ng hawakan ng isang kamay nito ang kanyang mga pisngi at bagtasin nito ang pinagdaluyan ng kanyang mga luha. Nakakakuryente. Nakakapaso ang palad nito.

“Please. Patawarin mo ako. Mahalin mo ako. Turuan mo akong muling magmahal. Pwede ko naman talagang burahin ang mga alaala mo ngayon eh pero kailangan ko ring magsakripisyo at gawin ang pinakasiguradong paraan upang madugtungan ang…” hindi na nito tinapos pa ang sasabihin. May naisip tuloy siya. Sasakyan niya ang hinihiling nito.

Itinaas niya ang kanyang mga palad na nakatali ng lubid. “Pakawalan mo na muna ako.” walang emosyon niyang hiniling dito.

…..

Sa Origin, sa pagpapatuloy ng pag-uusap nila Jelan at ng Pinuno. Lumitaw sa tabi ni Eva sina Jez Aguiloz at Jelza Avelia. Ito ang mga Exist na naging bahagi ng pagsubok ni Jelan. Si Jez Aguiloz na nagpatigil ng oras, si Jelza Avelia na ginaya naman ang mukha ni Tasya at si Eva mismo na ginamit ang kapangyarihan ng teleport.

“Silang tatlo ang naging pagsubok mo Jelan.” Pagturo ng Pinuno sa tatlo. “Dahil sa labis na pag-ibig mo kay Tasya ay natakasan mo sila. Ang pag-ibig ding iyon ang nagpagaling sa iyong sinisinta. Ikaw talaga ang karapat-dapat na Exist na tinutukoy sa propesiya.” Lumapit ito sa kanya.

“Ano po ba ang propesiya?” tanong niya. Sabik na siyang malaman ito.

“Bukas ng gabi ay mapapaginipan ni Fantasia ang kabuuan ng propesiya. Matapos niya iyong mapaginipan ay magigising na siya mula sa mahimbing niya ngayong pagkakatulog.” Tugon nito. Napakunot siya ng noon sa sinabi nito.

“Bakit hindi niyo pa sabihin sa akin? Bakit dinamay niyo na naman si Tasya? Akala ko ba ay sasabihin niyo na sa akin ang lahat? Ano na naman ba to Pinuno?!” bulalas niya.

“Sinabi ko na sayo ang tungkol sa pagsubok at sa kung paano nakaligtas si Fantasia sa tiyak na kamatayan. Ang masasabi ko lang sa propesiya ay si Fantasia ang mismo ang magsasabi nito sa iyo. Espesyal na babae ang iyong iniibig Jelan. Malalaman mo iyan sa mga susunod na panahon.” Hindi niya alam kung bakit pero biglang nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa tinuran nito. Espesyal talaga para sa kanya ang babae ngunit iba ang pinapahiwatig ng kanilang pinuno sa pagiging espeyal ni Tasya.

“Ahhhhhhhh!” isang sigaw ng lalaki na tila dumaranas ng sakit ang umagaw ng kanilang atensyon.

FANTASY Book 1: THEY EXISTWhere stories live. Discover now