Siya naman ngayon ang hindi nakasagot at umiwas ng tingin. Gano'n pa man ay kita ko ang kaseryosohan sa kanyang mga mata.

"Jazzie..." he called, still not staring at me. "Do you trust me?" he continued and slowly moved his head to my direction, waiting for my response.

Nabibigla man ay pinilit kong sagutin nang maayos ang tanong niya. "Oo naman. Bakit hindi?" Sinubukan kong tumawa at saka sumandal sa sofa.

Tulad nang ginawa niya kanina ay tumingin ako sa kawalan. "Ang totoo niyan ay ikaw lang ang kaya kong pagkatiwalaan sa ngayon. Yes, I also trust my friend, Azy, but I trust you more than anyone else," I answered.

"What if... I broke your trust? Will you able to forgive me?"

Awtomatikong kumunot ang noo ko sa binitiwan niyang tanong at saka siya binalingan ng tingin.

"Ano bang mga tanong 'yan, Chaos? Panis ba ang nakain mo kanina?" natatawang wika ko.

He just smiled and then stood up from his seat. "Don't mind me, it's just a random question." He looked on his wristwatch. "It's time to pick up, Erom," he uttered.

Napatango na lang ako saka sumunod sa kanyang pagtayo. "Salamat ulit sa bulaklak," ani ko.

Pabiro niya akong tiningnan nang masama na ikinatawa ko.

"I'm courting you, Jazzie. So it's normal for me to buy you flowers. Don't tell me palagi kang magpapasalamat, araw-araw?"

My mouth parted. "A-anong... araw-araw?" medyo mataas kong wika sa huli.

He chuckled and closed our distance. Tipid niya akong hinalikan sa noo at saka muling lumayo.

"Mas magulat ka kapag bulaklak na ang ipinadala sa 'yo ng dati mong asawa," aniya.

Umasim ang mukha ko sa sinabi niya. "Ano naman ang nakakagulat doon?"

"Bakit? Normal ba 'yon kung sakali?" balik niyang tanong.

I was caught off guard. Hindi ako nakasagot o nakakilos man lang. Akala ko ay masasaktan o sasama ang loob ni Chaos pero hindi iyon nangyari. Bagay na ipinagpasalamat ko.

"Tigilan mo 'ko, Chaos," iyon na lang ang nasabi ko at saka siya inirapan.

Tinawanan niya lang naman ako. "Sige na, pupuntahan ko na si Erom sa eskwelahan. Magkita na lang tayo mamaya pag-uwi mo. Huwag ka nang mag-abalang magluto, sa condo ko na kayo kumain."

Tipid akong tumango saka ngumiti. "Salamat nga pala sa pagtingin kay Erom noong umalis ako," ani ko, patukoy sa minsan kong pag-abala sa kanya.

"Anything for you, Jazzie. Kahit pa sa kanya ka pumunta nang gabing iyon."

I was speechless and stunned at the fact that Chaos knew where I had been that night. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Gusto kong mahiya o mabahala pero dahil sa walang emosyon niyang mukha nang sabihin niya iyon ay hindi ko mapagtanto ang dapat kong maramdaman. Sa huli ay pinili ko na lang na alisin sa sistema ko ang pag-iisip.

"Sige na. Baka mahuli ka pa sa pagbalik sa trabaho mamaya. Alam ko naman na marami ka pang kailangan na balikang trabaho sa kumpanya mo," pilit ngiting sambit ko.

Tumango lang naman siya at walang imik akong tinalikuran. Hindi ko tuloy maiwasan na makunsensya habang tinatanaw ang lumalayo niyang pigura.

How did he know? Am I really obvious that time?

Napabuntonghininga na lang ako at muling naupo sa sofa. Isinandal ko ang katawan ko roon kasabay nang marahan kong paghilot sa 'king sintido. Mayamaya pa ay muling nakuha ng paperbag ang paningin ko.

Wala sa sarili ko iyong inabot at sinilip. Tulad nang sinabi ni Jaime, isang naka-tupperware na pagkain ang laman niyon. Hindi ko pa man nakikita ng buo ay naaamoy ko na ang mabangong aroma mula roon.

Sinigang.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng gutom. Nakagat ko tuloy ang ibaba kong labi sa pag-iisip kung kakainin ko ba iyon o hindi. Kung noon ay walang pagdadalawang isip kong pinaglalaruan ang pagkaing niluto niya, ngayon ay nakukunsensya na akong gawin iyon.

Damn.

Sa huli ay napagdesisyunan kong iuwi iyon para sa anak ko. Yes, I am still mad, but unlike before, I am considering his efforts now. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito para mapatawad ko siya pero iyon na lang ang pinaniniwalaan ko. After all, iyon lang naman ang tanging rason para mag-abala siya ng ganito.

I am planning to take a short nap when I heard a knock. Tumingin ako sa pintuan nang marahan iyong bumukas ng kaunti. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko nang sumilip mula roon si Jaime.

"May nakalimutan pa po akong ibigay," aniya at saka unti-unting nilakhan ang pagbukas ng pinto.

My jaw dropped when I saw him walking towards me, holding a bouquet of white roses on his other hand. Sa likod naman niya ay may nakasunod pa na isang tauhan bitbit ang isang human size white teddy bear.

What the fvck?

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now