Meanwhile

Coleen's Pov

Nakarating na sila amy at laney dito sa room himala at hindi nila kasabay ngayon yung paepal na bida bida pang jaydee na yun argh nakakairita yung mukha ng mukong na yun.

Feeling pogi eh hindi naman pogi , baka pag ako nag ayos ay baka humimlay lahat ng mga babae dito sa room baka wilson to!

Anyways napayuko nalang ako dahil hinihintay kong umalis tong sila amanda upang maisagawa ko na yung plano ko.

Well ako lang nagplano nito dahil nga sa atrasto sa akin ni amy doon sa rooftop , its revenge time miss beautiful.

Nakaready na yung alaga kong nasa loob ng bag , mga 5 minutes siguro ang nakakalipas ng mapansin kong wala na sila dito sa room napangisi naman ako at kinuha na yung tupperware na may lamang alaga ko.

Tignan natin yung bangis mo ngayon amy , baka sa alaga ko pa lang ay manginig ka na sa takot.

Tumayo na ako at busy naman yung mga kaklase ko sa mga ginagaw nila , ewan ko kung nasaan dito yung bag ng amandang yun diko na matandaan eh.

Pero anyways nilagay ko na sa isang bag yung mga alaga ko at napangisi nalang akong bumalik sa upuan ko matapos kung gawin iyun.

"Oy coleen! Ang aga mo ngayon ah di pa ba nakakarating si sheki?" Tanong niya sa akin at naupo na sa may tabi ko , parang tanga naman akong pangiti ngiti dito sa tabi.

"Wala pa baka kasama niya yung shota niyang medic , anyways iba ang ngiti mo ngayon ah! Ano wag mong sabihin na nakakita ka na naman ng chicks dyan sa labas" pang aasar ko sa kanya ,kita ko sa mukha niya ngayon na namumula siya.

"Ah wala , anyways ikaw nga din eh kakaiba yang mga ngiti mo! May binabalak ka na namang gawin no?" Tanong niya sa akin , napangisi nalang ako at di na siya inimik pa.

Di ko pwedeng sabihin sa kanya yung ginawa ko dahil baka hadlangan niya yun , alam ko naman na may gusto yun kay amy kaya di siya papayag na may gawin ako dun sa crush niya.

"Bonitah! Iba na naman kasama mo ah! Akala ko ba si alice yung kasama mo?" Iniangat ko naman ang ulo ko at nakita ko si sheki na nakaakbay sa isang di pamilyar na babae.

"Baliw ka brei! Pinsan ko tong kasama ko at hindi chicks! Loyal na ako kay alice no!" Sobrang tangkad nita kumpara kay sheki at ang ganda niya pa ,

"Kaninong alice? Kay alice na medic or yung alice na nagbabantay sa libraries?" Napakunot naman yung noo ni sheki at binato si brei ng bote ng mineral water.

"Hoy coleen! Anong titig yan? Kung type mo tong pinsan ko pwes itigil mo na yan di ako papayag na ligawan mo to!" Singhal ni sheki sa akin , inirapan ko nalang siya tsk nagagandahan lang ako sa pinsan mo pero di ko siya type kasi yung type kong babae ay di pa nakakabalik dito sa classroom.

"Hi Im Francese Therese Pinlac" sabay abot niya ng kamay niya , napangiti naman ako at Iniabot ko na din yung kamay ko uoang makipag kamay na din.

"Bonitah! Mukhang yung pinsan mo ata yung may type kay coleen eh" pangangantyaw pa ni brei kita ko namang nag blush itong si frances sa sinabi ni brei.

Lalo siyang kumyut tignan ngayong namumula siya at mukhang nahihiyang tumingin sa akin.

Bigla naman dumating yung legal wife ko char , naupo na silang tatlo ni jaydee sa kanilang upuan at kasunod ng pagpasok nila ay bumungad din si Ms. Cathy.

"Oh Miss Pinlac nandito kana pala , btw class siya yung bago niyong magiging kaklase i hope na maka sundo niyo rin siya" pumunta naman si frances sa harap upang mag introduce yourself , nakangiti siya ngayon sa harap at nakatingin lang ng diretso sa akin ngayon.

"Sigurado akong may gusto yan sayo boss coleen! Pwede na oh bagay naman kayong dalawa , pagkakataon mo na yan na magkajowa!" siniko ko naman si brei dahil sa sinabi niya , pinanliitan ko siya ng mata at tumingin ulit sa harapan.

Ayoko mag assume ah pero mukhang nahuhulaan ko na may gusto tong pinsan ni sheki sa akin.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now