Epilogo

10.3K 264 18
                                    

SAFFY's Point Of View

ISANG buwan na rin ang lumipas matapos ang naganap na pagdukot sa amin ni Savynna.Naikulong na rin si Ryko at ang mga kasamahan nito na dumukot sa amin.Naalala ko pa kung gaano katakot noon si Savynna.Halos gabi-gabi ay para bang napapanaginipan niya pa rin iyong napagdaanan niya,namin.Awang-awa nga ako dahil natrauma siya.Mabuti na lamang ay nang lumipas rin naman ang halos isang linggo,nalimutan niya rin naman iyon.

Ngayon ay masaya naman na kaming namumuhay ni Mavy kasama ang anak namin na si Savynna.Sa katunayan nga ay sa isang araw na ang aming kasal.Nagpropose siya sa akin dalawang linggo na ang nakalipas.Syempre oo ang naging sagot ko no.Wala naman akong ibang dahilan para hindian iyon lalot pareho pa rin naman naming mahal ang isa't isa at saka para rin ito kay Savynna.

Ngayon nga ay bumabyahe kami papunta doon sa bahay na ipinagawa niya raw isang taon na ang nakalipas,lilipat na kase kami doon ngayon.Nakakagulat pang isipin dahil ipinagawa niya daw iyon para sa amin.Ang sabi niya ay alam naman daw niyang sa kaniya pa rin ang bagsak ko kaya nagpagawa na siya ng bahay para daw sa mabubuo naming pamilya.O diba,masyado siyang nagsisigurado sa buhay,tsk.

"Wooow!Is that our house,daddy?Woah,that's beautiful!"hindi pa man kami nakakalabas sa sasakyan ay tuwang-tuwa na agad si Savynna habang nakatingin doon sa bahay na nasa tapat lamang namin.Kulay krema ito na may halong brown.Maganda siya at moderno.

"Parang masyado naman siyang malaki para sa ating tatlo"puna ko at bumaba na ng sasakyan.Inalalayan ko na rin si Savynna at hinawakan ito.Bumaba na rin si Mavy matapos patayin ang makina ng kaniyang kotse.

"Tsk,how are you sure na tatlo lang tayong titira diyan?"tanong niya at inakbayan ako habang pinagmamasdan namin ang bahay.Kumunot naman ako sa naging tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?May iba pa ba tayong kasama diyan?Ang sabi mo tayong pamilya lamang?"naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Oo nga"sagot niya kaya't mas lalo lamang kumunot ang noo ko

"Oo nga?Tatlo lamang tayo ah saka anong children?Si Savynna lamang naman ang anak natin"wika ko pa sa kaniya.

"Tsk,para namang hindi na masusundan si Savynna.Actually she wants to have playmates so I think kailangan na natin siyang sundan"napanganga ako sa kaniyang sinabi habang siya ay abot tenga oa ang ngiti habang taas-babang gumagalaw ang mga kilay.Ah ganoon pala?

"At sino naman ang nagsabing masusundan pa si Savynna?"tinaasan ko siya ng kilay at kapagkuwan ay inikutan ng mga mata.

"Me,I want to make another babies with you.Actually,mamaya ipapasundo ko si Savynna kay mommy,para naman masolo kita mamayang gabi and then of course we'll make babies"napakurap-kurap ako sa kaniyang sinabi.Grabe,hindi talaga siya kapani-paniwala.Arg,ang kamanyakan niya talaga minsan-ah!

"Ang dami mo talagang paraan ano?"binatukan ko agad ito at inirapan saka ko inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.Binuhat ko naman muli si Savynna saka ako naglakad patungo sa loob ng gate.Halatang bago lamang itong linis fahil wala kang makikita maski maliit na dahong pakalat kalat sa daraanan.

"Do you like it?"nakasunod na pala agad siya at ngayon nga ay muli na naman akong inakbayan.

"Oo naman,ang ganda niya at napakamoderno ng disenyo"puna ko at piangmasdan ang paligid ng bahay.Marami rin kaseng mga nakatanim na halaman.Halatang bago lamang itong diniligan.Niyaya niya akong pumasok na sa loob ng bahay para tingnan naman namin kung ano ang nasa loob nito.Maganda siya,sobrang nagustuhan ko ito.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon