Chapter 11

8.3K 198 7
                                    


SAFFY's Point Of View

Nagising ako nang makaramdang ng matinding sikat ng araw na tumatama sa aking balat.Nang bumangon ako ay napansin kong nasa hindi pamilyar akong kwarto.Nang pagmasdan ko ang paligid ay medyo madilim rito pero pansin ko ang itim na kulay ng pader.Amoy panlalaki rin dito kaya't nasisiguro kong lalaki ang nag ma-may-ari ng kwartong ito.

T-eka!Nasa kwarto ako ng isang lalake?Waahhh hindi kaya-

Agad kong tiningnan ang sarili ko kung may saplot pa ba ko o ano ngunit napahinga na lamang ako ng maluwag nang mapagtantong nakadamit pa nga ako,nakasuot pa nga din ako ng medyas sa paa eh.Ngunit nasaan ba talaga ako?Saka,ano bang nangyare kahapon at narito ako?

Flashback

"M-Mavy.."nasambit ko na lamang at hindi pinansin ang mga kuha na umaagos sa mukha ko.Naglakad ito papalapit sa akin habang nakatitig lamang sa mga mata ko.Ngunit isang pangyayari ang ikinabigla ko.

Binuhat niya ako ng parang pang baging kasal matapos niyang punasan ang nga luha ko.Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya kahit namumungay na ang mga mata ko at alam kong mamaya lamang ay mawawalan na ako ng malay.Nagsimula na siyang maglakad habang ako naman ay napasandal na lamang sa balikat niya at napakapit sa leeg niya para hindi ako malaglag.Hanggang sa unti-unti nang binalot ng kadiliman ang paligid ko ngunit bago pa man ako himatayin ay narinig ko pa ang mga huli niyang salita:

"You disappointed me,little rat.You should've fight them like what you always do to me."

End Of Flashback

Tama,pinagkaisahan nga pala ako ng mga palakang yun kahapon at ang masaklap pa,hindi man lang ako tinulungan ng lalaking iyon at pinanood lamang ang mga palakang saktan ako.

"Hays!kung nasaan man ako ngayon wals na akong pakealam basta ang mahalaga ay umuwi na ako at malamang sa malamang ay nag aalala na naman si inay sa akin.Susko,kawawa na naman ang tenga ko pag nagkataon.Mabilis akong umalis sa kama at palabas na sana ng kwartong iyon nang bigla na lamang bumukas ang pinto.Nakaramdam naman agad ako ng inis nang makita kung sino ang iniluwa noon.Ewan ko ba,naiinis ako sa twing naaalala ko na pinananood niya lamang ang nangyari sa akin kahapon.

"You're awake,sleepy head."sambit pa niya at doon ko lamang napansin na may bitbit pala siyang tray na may mga lamang agahan.Kanin,isang baso ng juice,hotdog,ham,at saka itlog ang laman noon.

Ngayon lang ako bakaramdam ng gutom at nais na sanang sunggaban ang pagkain ngunit naalala kong galit nga pala ako sa kaniya.Kaya ang ginawa ko,padabog akong bumalik sa kama at nahigang ulut doon.Nagtalukbong rin ako ng kumot dahil ayoko siyang makita.

"Hey what's with the act?"natanong naman niya at narinig kong inilapag niya ang tray sa may sidetable at naramdaman ko na lamang na lumubog ang bahaging paanan ng kama.Siguro ay naupo siya doon.

"Hey,stupid rat.Eat your breakfast,you didn't eat dinner last night."rinig kong wika niya ngunit nanatili lamang akong nakahiga.Ano bang pakealam niya kung hindi ako kumain?

"Hey!Want me to feed you?"patuloy na pangungulut niya pero wala akong pakealam.Bahala siya diyan,galit ako sa kaniya.

"C'mon,stupid rat.Stop acting deaf."wika na naman niya pero wala talaga akong kibo.Manigas sya diyan.Patuloy lamang sya sa pangungulit sa akin pero di ko sya pinapansin.Para kami ditong mag syota na may tampuhan-ayy ano bang pinag sasasabi ko?Malabong mangyari iyon no!

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon