Chapter 25

5.5K 138 1
                                    

SAFFY's Point Of View

Pagkarating namin ni Mavy sa classroom ay saktong tunog naman ng schoolbell,mabuti at hindi kami nalate.Nadatnan namin doon ang tatlo na nagtatawanan ngunit natigil nang dumating kami.

"Oh,nandito na pala kayo."bungad nitong si Vienn

"No,it's just a picture of us,Vivienn"malokong wika naman nitong si Mavy ma ikinatawa lamang namin.

"Mukhang masaya ka King ah,may dapat ba kaming malaman?"nakangising tanong ni Wax at panay pa ang taas baba ng kaniyang kilay kay Mavy.Nagkatinginan naman kami ni Mavy at napangiti.

"Uh,k-kami na"nakagat ko ang ibabang labi dahil tila nahihiya ako.Nagkatinginan naman silang tatlo at muling nabaling ang tingin sa amin at hindi makapaniwala.Kapagkuwan ay sabay sabay silang naghiyawan dahilan para maagaw namin ang atensyon ng aming mga kaklase.

"wooohhh!Great,King,napasagot mo rin!"aniya pa ni Travon at nakipag fist bomb kay Mavy,nakigaya na rin itong si Wax at si Vivienn naman ay nakangiti lamang.

"Told you,I can make her say yes"pagmamayabang ni Mavy bago ako hinapit sa bewang.Siniko ko naman siya ng mahina bago natawa.

"So I think we need to celebrate?"patanong na wika ni Vivienn na agad naman naming sinang ayunan.Nakakatuwa naman at masaya sila para sa amin.

"Gingers Pizzeria,after class"sambit muli ni Vienn at muli ay sumang ayon na naman kami.Mga ilang sandali ay dumating na rin naman ang aming guro at syempre nakinig na lamang kami sa pagtuturo nito.

ILANG oras pa ang lumipas at natapos rin ang klase namin sa maghapon.Nagpaalam muna ako kina Mavy na pupunta muna sa locker para ilagay muna doon ang iba kong mga gamit.Pagkatapos ko ay dumeretso na agad ako sa parking lot ng school dahil doon nila ako hihintayin.

"Hop in,baby"pagkarating ko ay pinagbuksan agad ako ni Mavy ng pinto ng kotse niya.Pero bago iyon ay hinanap muna ng paningin ko ang tatlo at nang makitang nagsidakayan na sila sa sari-sarili nilang kotse ay sumakay na rin ako sa kotse ni Mavy.

Pagkatapos naman ay umikot siya sa kabila upang sumakay na rin.Agad niyang pinaandar ang kotse.Nagtataka ko naman aiyang tiningnan nang mapansin kong kanina pa siya nakangiti.Nababaliw na ba ang boyfriend ko?Naks,parang ang sarap namang banggitin noong salitang yun.

"Bakit ka ngumingiti diyan?"natanong ko pa sa kaniya,mahina naman siyang natawa bago tinukod ang kaliwang siko niya sa may bintana at pinaglaruan ng mga daliri niya ang labi niyang nakangiti pa rin hanggang ngayon.

"Nothing,I'm just happy we're now officially in a relationship"sagot niya na ikinangiti ko

"Ako rin,Mavy.Napakasaya ko rin"nakangiti ko ring sambit.Bigla namang kumunot ang noo niya bago ako saglit na sinulayapan saka bumalik ulit sa daan ang tingin niya.Ako naman ang napakunot ng noo nang maya-maya ay bigla na lamang siyang ngumuso na parang bata.

"Oh?Ano naman ang iningu-nguso-nguso mo riyan?"nagtataka ko pang tanong ngunit lalo lamang humaba ang nguso niya.

"You're still calling me Mavy"sabi pa niya

"Ha?Ano ba dapat ang itawag ko sayo?"nagtataka ko namang tanong

"Tsk,you should call me in a sweet endearment like baby,babe,love,honey,etc."asik naman niya habang nakanguso pa rin.Ang cute naman ng isang to,parang bata lang na hindi binilhan ng lollipop.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon