Chapter 13

8K 211 6
                                    

SAFFY's Point Of View

Sabado ngayon ng umaga at kasalukuyan akong naglilinis ng aming bahay.Wala si inay dahil nasa palengke siya para magtinda.Habang ako ay naglilinis,bigla na lamang pumasok sa isip ko ang Mavy na iyon.Simula noong nangyari sa garden ay madalang ko na siyang makita.Nagkakasalubong naman kami mainsan ngunut nilalampasan niya lamang ako.Maski sa claroom namin ay hindi niya ako pansinin kahit na ang tapunan ako ng tingin.Hindi ko rin alam kung bakit parang may parte sa akin na nasasaktan?Naguguluhan ako.

Mamayang gabi rin ay susunduin ako ni Frost dito sa bahay at ang tungkol doon sa sinasabi ni Mavy na sumama raw ako sa kaniya ngayong Sabado ng gabi ay hindi ko na inalala pa.Mukhang nakalimutan niya na rin naman kaya't mukhang wala na akong poproblemahin sa ngayon.

Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa sumapit na ang asas singco ng hapon at kasalukuyan akong nasa harapan ng luma naming aparador.Naghajanap ako ng magandang damit na maaari kong isuot mamaya kapag sinundo ako ni Frost ngunit wala akong mahanap dahil puro pantalon at tshirt naman ang mga damit ko rito na pangalis.

"Hays,nakakahiya naman kung ganito ang susuotin ko.Paniguradong magarbong kaarawan iyon."problemado kong tanong sa sarili bago nakasimangot na naupo sa katre. Ngunit mabilis akong napatayo nang makarinig ng katok sa aming pintuan.


'May bisita ba si inay?'natanong ko sa sarili bago naglakad palabas ng kwarto at dumeretso sa may pintuan saka ito binuksan.At doon ay bumungad sa akin ang nakangiting si Vienn.Ano naman ang ginagawa niya dito?

"Napabisista ka,Vienn?"tanong ko sa kaniya bago ko siya pinatuloy sa loob.Sanay naman na siya dito sa masikip namin na bahay dahil ilang beses na rin siyang nakapunta rito.

"Wala lang,nasaan si tita Sonya?"tanong niya matapos maupo sa isang silya.

"Nasa palengke pa si inay at mamaya pa sya uuwi."sabi ko naman sa kaniya

"o bakit mukgang problemado ka?"bigla niyang tanong na napansin yata ang itsura kong problemado nga.

"Ano kasi,Vienn.Inimbitahan ako ni Frost na dumalo sa kaarawan ng mommy niya.Ang problema,wala naman akong maayos na damit na maisusuot.Nakakahiya naman kung magpantalon lamang ako."problemado kong sambit

"Ano ka ba naman,Saffy.Teka anong oras ba daw ikaw susunduin?"tanong naman niya

"Mga alas siete daw eh "sagot ko naman

"Mamaya pa naman pala eh,masyado kang problemado.Tara,sumama ka sakin sa bahay.Ako ang bahala sayo"nakangiti niyang aniya saka tumayo

"Ha?pe-"

"Halika na.Wag nang magpero"nagmamadali niyang aniya at wala na akong nagawa pa ng hilahin niya ako palabas ng bahay pero agad ko rin siyang pinigilan.

"Sandali lang,Vienn.Ikandado ko lamang itong pintuan."sabi ko pa sa kaniya.Tumango naman siya kaya't pumasok ako ulit ss loob at hinanap ang susi.Pagkatapos ay muli akong lumabas at inilock na ang pintuan namin.May susi naman si inay kaya pwede kong dalhin itong susi.

"Oh tara na,Saff."pagmamadali ni Vienn at sumakay na kami sa kaniyang magarang kotse.Nagmaneho na rin siya papunta sa kanilang bahay at matapos lamang ang bente minutos ay nakarating na rin kami doon.Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na sa bahay nila.Naabutan namin namin doon sa sala si tita Veronica na nagbabasa ng diyaryo.Nang mapansin kami nito ay agad niya akong nginitian.Mabait naman ang mga magulang ni Vienn at hindi mahirap pakisamahan.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon