Chapter 21

5.7K 126 9
                                    

SAFFY's Point Of View

Nang mag umaga ay sinundo ako ni Mavy para pumasok na sa eskwelahan.Buyernes na ngayon at medyo kinakabahan ako dahil baka mapagalitan ako ni professor kase absent kami ni Mavy kahapon.Nakakainis kase ang isang to eh,hindi na naman tuloy ako nakaattend ng klase at ang masaklap pa ay buong araw akong wala.Sana lamang ay hindi ako mapagalitan.

Nang makarating kami sa classroom ay naabutan namin roln ang tatlo,sina Vienn,Travon,at Wax na nagtatawanan.Iilan pa lamang ang mga kaklase namin na naroroon.Maaga pa rin naman kase eh.Dumeretso na kami sa upuan namin ni Mavy at natahimik naman ang tatlo saka nginisian kaming dalawa ni Mavy.

"Bakit kaya absent ang iba diyan kahapon?"pagpaparinig ni Wax at nakahawak pa ito sa kaniyang baba habang tila nag iisip.

"Oo nga,bakit absent kayo kahapon King?"tanong naman ni Travon

"None of your business,f*cktards"asik ni Mavy sa kanila na ikinatawa nilang tatlo.

"Sya nga pala pinsan,kamusta ang panliligaw?"pag iiba naman ni Vienn ng usapan at nilingon si Mavy na asa may likuran ko at pinaglalaruan ang buhok ko na nakalugay.

"Tsk,mukhang hindi naman nanliligaw si King eh"iiling iling na aniya naman ni Travon kaya't nakatanggap agad siya ng masamang tingin mula kay Mavy.Pero tila hindi siya natinag dahil tinawanan niya lamang ito.

"Hay naku,paano ka sasagutin kung hindi ka naman pala nanliligaw?Hay naku,baka mamaya maunahan ka ng iba diyan.Balita ko ay nanliligaw rin si Monterial kay Saffy-"biglang natahimik si Vienn sa sinasabi niya nang malakas na kalampagin ni Mavy ang mesa ng armchair niya kaya't nabaling sa kaniya ang paningin namin oati na rin ng ibang kaklase namin dito sa loob mismo ng classroom.

"Enough now,Vivienn.It wasn't my fault that I don't know that courting thingy.Alam mo namang babae ang nanliligaw sakin"inis na aniya ni Mavy at pinukol ng masamang tingin si Vienn na tumawa lamang.Tila hindi siya natablan ng galit ng kaniyang pinsan.

"Oh c'mon,Mavy.Pano naging kayo ni ano kung hindi ka pala marunong manligaw?"aniya pa ni Vienn.Bigla akong natigilan,ang tinutukoy niya ba ay ang ex ni Mavy?Bigla akong nakaramdam ng hindi pahka kumportable kaya't nakamot ko na naman ang tuktok ng aking ilong.

Natahimik naman sina Wax at Travon na tila nakaramdam din ng ilang sa naging topic ni Vienn.Ngunit ang bruha,parang wala lamang sa kaniya ang sinabi at tila hindi napansin ang pagbabago ng atmospera.

"I didn't court her Vivienn so shut the f*ck up and stop dropping her in the topic"galit na wika ni Mavy

"A'right,I'll zip my mouth now but Mavy,if you want to own Saffy,you should court her.Atleast you'll prove your feelings on her in that way."suhestion ni Vienn at pagkatapos noon ay namayani ang katahimikan sa aming apat hanggang sa dumating na ang aming guro.

PAGKATAPOS ng klase namin ngayong umaga ay niligpit na agad namin ang mga kagamitang ginamit namin sa klase.Napahinto naman ako sa paglalagay ng notebook sa aking bag sana nang biglang tumunog ang mumurahin kong cellphone.Kinuha ko ito mula sa bulsa ng palda ko at nakitang may isang mensahe doon.

Tiningnan ko kung sino ito at nakitang si Frost iyon,nagpalitan nga pala kami ng numero.Binasa ko ang kaniyang text at ang nakalagay doon ay,

'Hi,Lona.Is it okay if I ask you to meet me in the school garden?If it's okay to you and I hope it is.'

Saglit naman akong napaisip bago ako nagtipa sa aking cellphone para mareplyan siya.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon