Chapter 51

5.7K 154 9
                                    

SAFFY's Point Of View

MATAPOS ang naging pag-uusap namin ni Gwen sa parke,nagpaalam rin ako rito at bumalik sa ospital.Ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat.Ganoon pala angpinagdadaanan niya nung mga panahong iyon.Kaya ngayon,naisip ko na'ng kakausapin ko si Mavy at aayusin ang gusot sa pagitan namin.Sa paraang iyon,maipakikilala ko na rin sa kaniya si Savynna.

"Mommy?What took you so long?"iyon ang bungad kaagad ni Savynna sa akin pagkapasok ko doon hospital room niya.Tila inip na inip na ito dahil hindi na naman maipinta ang mukha niya.Inilapag ko ang mga dala kong pagkain doon sa sidetable at naupo sa tabi niya.Si Revan naman ay nandoon sa may sofa at tila may kausap sa kaniyang cellphone.

"Sorry,baby maraming tao sa jollibee eh"sagot ko rito at hinalikan siya sa pisngi.Hinanda ko mga biniling pagkain para kay Savynna doon sa lamesa na pwedeng ipatong sa kama,nakalimutan ko na kung ano ba ang tawag doon.Isinama ko na rin doon ang sa akin,samantalang ang kay Revan naman ay nilagay ko lamang doon sa may coffee table sa tapat niya,may kausap pa rin kase siya.Siguro impleyado niya?

"Mommy?Is daddy handsome?"napatigil ako sa  dudurog ng kanin dahil sa tanong ni Savynna.Hay naku,kung anu-ano na lamamg ang itinatanong niya.

"O-o naman"ang sagot ko rito at narinig ko naman agad ang mahinang hagikhik niya.

"Does he look like me,mommy?"tanong na naman niya.Binitawan ko ang hawak na kutsra at tinidor saka ko siya pinakatitigan.Ako na mismo ang nagsasabi na kailanman hindi ko maitatangging kamukha niya ang kaniyang ama.Dahil sa isiping iyon,napangiti ako at hinaplos ang kaniyang matambok na pisngi.

"Yes,baby,magkamukhang-magkamukha kayo ng daddy mo"at sa sinabi kong iyon ay nagkislapan ang mga mata niya at tila abot ang tenga na ang kaniyang ngiti.Kitang-kita na naman tuloy iyong napakacute niyang mga ngipin.

"Wow,really mommy?"hindi makapaniwalang bulalas pa ng aking anak.Mahina akong natawa sa reaksyon niya at kapagkuwan ay tinanguan siya.

"O sya,mamaya na ulit ang tanong.Kumain ka muna para makalabas ka na dito sa ospital,hmm"pag-babago ko sa usapan.Tila ganang-gana naman siyang kumain habang sinusubuan ko siya.

....

MAAYOS naman na daw si Savynna,iyon ang sabi ng doktor kaya't maaari na daw namin itong iuwi.Kinausap ko rin si Revan na dumaan muna kami sa bahay nila tiya Praning para kunin ang mga damit ni Savynna.Natawagan ko  naman na si inay para maimpake ang mga iyon,alam na rin niya syempre ang plano ko na isama sa Maynila si Savynna.Bale sa kotse na lamang kami ni Revan sasakay para sabay na.

At heto na nga kami at bumabyahe na pabalik sa Maynila.Nakatulog na rin si Savynna dahil mahigit ilang oras na rin kaming nasa byahe.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?I mean,hindi naman sa ayoko na ipakilala mo si Savynna sa ama niya-well at the furst place,wala naman akong karapatang magbawal.What I'm trying to say is,you know,hindi naman yata kayo maayos.Baka...hindi mo pa siya nappatwad"nag aalangang tanong bigla ni Revan kaya't agad ko siyang tiningnan sa unahan.Nakita ko pa ang repleksyon niya sa salamin ng sasakyan na tumingin diyo sa gawi namin ni Savynna.Sa backseat kase kami nakaupo dahil nga nakahiga itong si Savynna sa mga hita ko.

"Sigurado na ako,Revan.At isa pa,marami pala kaming dapat na ayusin para kay Savynna.Kanina,nakusap ko si Gwen,nagkita kami kanina"nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa aking sinabi.Kilala niya si Gwen at kung ano ito sa buhay ko dahil ikinuwento ko sa kaniya iyon.

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon