Chapter 27

4.3K 124 2
                                    

SAFFY's Point Of View

"Hayst,nasaan na ba kase yun?Hala sana naman hindi ko naiwan"natataranta na ako sa paghahanap ng flashdrive sa bag ko habang naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin.Nandodoon ang ipipresinta namin na report mamaya para sa Filipino.Pinagpuyatan ko pa naman iyon at talagang sumadya pa ako sa comp shop para lamang makagawa ng maiireport namin ngunit parang naiwan ko pa yata sa bahay.Hindi na ako pwedeng umuwi dahil masyadong malayo at isa pa ay ilang minuto na lamang bago magsimula ang klase namin,sa kasamaang palad ay ang asignaturang Filipino pa iyon.

Patay talaga ako kapag hindi nakapagreport ang grupo namin.Ako pa naman ang lider.

Habang panay ang halungkat ko sa loob ng bag ko ay hindi ko inaasahang may mabubunggo ako.Pareho kaming napaupo dahil sa lakas ng impact kaya't sabay rin kaming napadaing sa sakit.Nag angat ako ng tingin at nakita ang pamilyar na mukha na inaalalayan na ngayon ng bodyguard ata iyon na tumayo,mukhang mayaman.Tumayo na rin ako at pinagpag ang suot na uniform Pinulot ko rim ang ibang gamit ko na nalaglag pa sa hallway.

"Saffira,iha?"napaangat ang tingin ko at tiningnan ang pinanggalingan ng boses na yun at napagtantong sa babaeng nakabunggo ko pala.Saglit na nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit niya ako kilala ngunit napawi rin naman agad iyon nang may mapagtanto ako.

"T-Tita Fiona?"medyo nagulat pa ako dahil hindi ko akalaing makikita ko siya rito,kung sa bagay dito nga pala nag aaral ang anak niya,si Frost.Tungkol nga pala doon,bakit ilang araw ko nang hindi nakikita si Frost?Siguro ay galit pa rin siya sakin dahil sa huli naming pag uusap?Nasaktan ko nga siguro siya.

"Akala ko hindi mo ko kilala"medyo natawa pa sita ngunit alam kong peke lamang iyon,parang may iba sa awra niya ngayon.May nakikita kase akong pagod at lungkot aa mga mara niya,anong problema?

"Ahm,ano po ang ginagawa niyo rito?Hinatid niyo po ba si Frost?"tanong ko rito at medyo natawa pa sa tanong ko.College na si Frost at bakit ko naisip na ihahatid pa siya ng ina niya?Kung sabagay,napakasweet rin naman ng ganoon.

"No,iha.Ikaw ang sinadya ko rito"naramdaman ko ang pag akyat ng kaba sa akin at kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.Tulad ng,bakit naman niya ako hinahanap?Alam niya na ba ang nangyari aa pagitan namin ni Frost?Pagagalitan niya ba ako dahil sa pananakit ko sa damdamin ng kaniyang anak?Hala,baka ipatapon niya ako sa ilog pasig!

"B-Bakit po?"kinakabahan kong tanong at napalunok sa sariling laway.Hindi ko kasama ngayon si Mavy dahil nasa Palawan ito at tatlong araw silang mananatili doon.Bukas o sa isang araw pa siguro siya makakauwi dahil patatlong araw na nila doon bukas.

"Uh,if you mind,can you come with me?"tanong niya at naramdaman ko ang pagod at lungkot sa boses niya,may problema nga siguro.

"Ahm,pwede naman po kaya lang,may klase pa po kase ako"magalang na wika ko

"I already talked to your teachers earlier.So,can you?Please?It's an emegency"wika naman niya kaya't wala na akong nagawa pa at pumayag na lamang.Inaya ko na siyang maglakad papalabas ng school,doon daw kase nakaparak sa labas ng gate ang kotse nila.Habang naglalakad kami ay hindi ko napigilan magtanong.

"Uh,mawalang galang na po ha,saan po ba tayo pupunta?"nilingon naman ako nito at napabuntong hininga bago sinagot ang tanong ko.

"Hospital,my son's sick"napanganga na lamang ako sa gulat dahil sa sinabi niya pati na rin sa biglaan niyang pag iyak.Bakit nasa ospital si Frost?Kaya ba ilang araw na siyang wala?

One Night With The Campus King | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon