Chapter 20: Unsuccessful Tour

6.5K 408 20
                                    

"Oh hindi ko akalaing magkakaibigan pala kayo sa mga sikat na 1st years." Bulong ni Harris sakin, mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya.

"Kakilala lang namin sila." Feeling close din silang dalawa ano? Dapat naka-dikit sila kay Erina ngayon, she's the female lead?! Doon na sila.

Hayssss ako yung naiistress sa kamatayan namin eh, I don't know why they're with us at all. Si Magnus ngayon, either natutulog na naman sa mga puno or naka-dikit kay Erina.

Si King? Dapat kay Erina din siya ngayon dahil siya ang bodyguard, pero mukhang nag-aaway ata silang dalawa. Which is the first time...

Never ko pang nakitang nag-away sina King at Erina, nooooooo- wala ni isa sakanila ang may lakas na makipag-away kay Erina because she's kind and sweet!

So bakit ngayon nag-aaway na? "May nakita akong magic store doon malapit sa boy's dorm. Gusto niyo icheck? I always wanted to learn magic too."

Sabi ni Erina at nagtanguan naman ang lahat. Big Brother Harris and Mel seems close, "I never thought na makakasama ko si Lord Harris! I'm a huge fan!"

"Well I'm glad na fan kita." –Big Brother Harris.

"Can I call you big brother too? I always wanted a brother!" –King

"We all should call him big brother Harris! Yun din ang tawag ni Lady Hera sakanya, kaya yun din ang tawag ko sakanya. " –Mel

Heto kami ngayon namamasyal, marami ding estudyante galing sa ibang year ang namasyal. Pinagtitingnan din kami ng mga estudyante ngayon.

Well... King, Magnus and Mel seems popular now. Kasama ko din si Harris kaya mas lalo kaming pinagtitingnan.

Hindi ko maalala kung na-mention ba siya sa book, pero I don't think he appeared at all? Nakalimutan ko na or maybe nakalimutan ko na ang plot ng novel?

Marami ang bumabati nina Mel because she's dyosa alright. dapat lang na batiin siya, if may magbubully sakanya. ako ang makakaharap nila.

So ayon na nga pumasok kami sa isang magic store, para siyang authentic type na store. It looks pretty... may nakita nga akong kwintas eh.

I think it's an opal necklace dahil sa colorful na kulay, gusto ko sanang bilhin but it looks expensive kaya eh.

I gazed at Magnus na nakatunganga lang. That's surprising, madalas siya kaya yung madaldal... "Lord Magnus, are you ok?"

Bumalik naman siya sa katinuan sabay lagay ng dalawang kamay niya sa bulsa, "Yeah...? Why? You concerned of me, goddess?"

Was he always this cheeky sa novel? Sasagot sana ako kaso biglang may umappear na faerie sa harapan namin para iguide kami sa buong store.

Naalala ko tuloy yung near death experience ko doon. Sarap tuloy manapak ng faerie kahit hindi siya yung naghulog sakin sa ere, magkalahi naman sila diba?

Baka magpinsan nga ata sila eh. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatitig ng maigi sa Faerie na mukhang takot na ata sakin dahil sa ginawa kong pagtitig.

"Stop scaring the poor creature." Natatawang sambit ni Magnus... natatawa?! I immediately looked at him para makita ang pagtawa niya.

Kaso bumalik na ulit sa pagiging poker face, haysss bias naman I wanna see your beuatifil laugh. Ganern- SHEET HERA STOP SIMPING TO YOUR BIAS!

Diba sabi mo na hindi ka na magfa-fangirl? Diba sabi mo distansya? Bakit mas marupok ka pa kesa kay Mel?

"Be careful dyan sa hawak mo Princess Mel." Sabay kaming napalingon ni Magnus sa sinabi ni Harris, King and Mel were handling some... colorful looking balls.

Hindi naman siya malaking bola. "Hmm? Bakit naman big brother? It doesn't look harmful."

"That's a sticky ball, once na mabitawan mo yan it's going to explode and ipagdidikit ang mga taong katabi mo..." paliwanag ni Magnus, namangha naman sina King at Mel.

Ang bilis lang palang makipag-close ni Mel sa ibang character sa novel, samantalang nung sa kwento nagkataka ako kung bakit lahat sila ayaw kay Mel.

Si Erina lang naman ang binubully ni Mel pero lahat sila galit sakanya, pag-ibig nga naman.

"Naalala ko yung mga kaklase ko nung bumili sila nyan, they got stuck for hours. Mga 24 hour's ata bago mawala ang epekto, depende sa tao." –Big Bro

"We should buy this, ang ganda kasing tingnan." –Mel. Kakasabi lang ni Magnus at Harris na delikado eh!

"Yeah! Pwede siyang ipang-display." –King. Parehas sila ng iniisip. Hayssss... jusmeyooo...

So ayon nga nagdecision silang bilhin yun, hindi naman marami ang binili nila. Sakto lang na pang display kuno.

Baliw ata sila't di nakakaintindi ng salitang 'delikado' "My Savior! I bought one para saiyo, baka gusto mong idisplay?"

"What? ako din bumili ng isa para kay lady Hera." Sabat ni Mel, nagtitigan naman ang dalawa. Feel ko may bumubuong kuryente in between.

"I said it first." –King.

"I bought two, so you lose." –Mel.

Are they seriously fighting para ibigay lang sakin yan? Ayaw ko din naman maka-receive niyan no? pano nalang kung sumabog. "Too bad I won, I bought the most beautiful one for her."

Sabay silang napalingon kay Magnus at tiningnan ang hawak hawak niya na kwintas. Yun ata yung opal necklace na tinitignan ko kanina.

"WHAT?!" sabay silang napasigaw at lumapit kay Magnus. So ayon nagbangayan silang tatlo.

Lumabas na kami don para pumunta sa underwater aquarium sa school. di ko alam nag-exist pala yun, nagbabangayan parin silang tatlo hanggang ngayon.

"Well you look at that, akala ko si Mel lang ang magiging kaibigan mo." Natatawang bulong ni Harris, magkasabay kaming naglakad eh.

Hindi na ako sumagot, ng nakarating na kami sa underwater aquarium ay sobrang namangha kami sa ganda, since nasa fantasy novel kami.

May magagandang kulay na isda, disfigured corals and some unknown species that lived in the ocean. Hindi ko napansin na napalayo na pala ako kina Harris.

"Hey Goddess, kanina mo pa ako di pinapansin." It was Magnus walking towards me.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Well I did plan on ignoring him dahil sa plano ko ng naalala ko na marupok pala ako. "I hope there's something that wouldn't keep us apart today."

"Ha?" nagtatakang tanong ko. may chills akong nararamdaman sa sinabi niya.

Nagulat naman kami ng biglang may malakas na bulabog sa likod namin. what is happening-

"OH MY GOD LORD MAGNUS! LADY HERA! ILAG!" nakita namin si Mel na may ibinato na bola patungo samin, is that the sticky balls!?

BAKIT NIYA BINATO SAMIN YAN?! And then a huge explosion occurred.

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon