Chapter 23: Midnight Battle

1.1K 84 1
                                    

"Tara aalis na daw tayo!" sigaw ni Phee. Kaya agad naman akong lumapit sakanya...

"Teka nag-iimapake pa kami! Atat na atat ka ng umuwi?" Inis na sabi ni Juno kay Phee, inirapan naman siya ni Phee.

"OO, gusto ko ng makita yung manliligaw ko-

"Akala ko ba wala kang manliligaw? Hey! Where are you going! I swear to God-" ayun hinabol na siya ni Juno papunta sa kung saan.

It's already 4 pm and we will be going soon, napalingon naman ako kina Vanilla at Killian na busy sa pag-uusap. Hindi naman sila sweet tignan, para lang siyang normal interaction. I don't think Killian's a sweet type of person.

Pero nakakaselos naman ang interaction nilang dalawa, may gusto kaya si Killian kay Vanilla? Also Vanilla's a kind type of girl, I like her. pero ang ayaw ko ay yung inigaw niya si Kill, hindi niya naman as in inagaw. Aish- ang gulo.

They will be linked soon anyway. Napaisip naman ako, vampire link huh. Wala ako masyadong alam sa ganon, I wonder what they're gonna do? Tatanungin ko kaya sina Lucian? I mean they're vampires right? wala naman si Juno dito, hinahabol niya si Phee.

"Hey Lucian, anong mangyayari pag-nag link na ang mga bampira?" si Lucian kasi ang nasa malapit saakin, nakita ko namang lumapit naman si Damian. He just finished packing. "Pwede ba magka-link ang isang tao at bampira?"

Alam kong hindi magwo-work pag incomplete ang isang bampira pag gusto niyang magka-link sa isang tao. They would not survive though kasi nga incomplete sila.

"Bakit mo naman naitanong iyan? May gusto ka bang bampira?" peke naman akong tumawa at umiling kaya nag-shrug nalang siya. "Well it if a vampire got linked to a human, I think its fine as long as hindi incomplete ang bampira."

"Yeaahh! The vampire only need to bite at the neck, kaso konti lang ang may ganon na human link stuffs. Kailangan ng isang normal na tao na maging malakas, if they aren't strong enough to take the bite. They'd die, kaya konti lang ang human-vampire link sa mundo." Sabat naman ni Damian sa usapan.

"Another reason is hindi nagkakasundo ang mga tao at bampira. Alam niyo naman na ayaw ng mga tao sa mga bampira. Actually si Aurelius ata may link na tao, I don't know her though. He's overprotective about his link." Nagulat naman ako sa sinabi ni Lucian. Si Aurelius?

"Oo nga, he usually keeps her at his side. Pero hind ko panakita. Oh and if you will have a link, they would also be your bloodbank. Hindi na makakainom ng ibang dugo ang may link, susuka daw sila ng dugo pag makainom sila ng ibang dugo." –Damian.

Tumango tango naman ako, huh... Aurelius has a link na? hindi ko alam iyon ah. Atsaka baka gusto niya lang na hindi masaktan ang link niya? hindi ko rin siya nakita since... asan siya ngayon?

"May link na kayo?" tanong ko naman sakanila, agad naman silang umiling.

"Look, I don't want to get tied down yet. We live longer than humans." Sagot ni Damian.

"Yeah same." Pagsang-ayon ni Lucian sa kapatid. "Tsaka if tao ang magiging link mo, they would die earlier than you. Which means, maiiwan ka. That'd be sad."

Napatahimik naman ako sa sinabi niya, may point sila. Mas mauunang mawawala ang normal na tao sa mundo. Nagsi-alisan naman sila para magready nang umalis. ako naman ay tapos na kaya hinihintay nalang sila.

"Sobrang close mo pala kina kuya." Sabi ni Killian, I got used sa boses niya. hindi na rin ako nagugulat or nahihiya, It's mind over matter. Kailangan kong ayusin ang sarili ko bago magmahal.

"Yeah." Maikling sagot ko, wala naman ako sa mood ngayon dahil marami akong iniisip. Dumagdag pa yung mga panaginip ko. nakita naming kumaway si Vanilla, we waved back naman at nakita namin siyang ngumiti.

Escorting the Vampire PrinceOnde histórias criam vida. Descubra agora