Chapter 10: Understanding

1K 89 0
                                    

"Anong hindi? Halatang iniiwasan mo siya. idadamay mo pa kami." Phee added.

"Oo nga, my brother has been glaring at me lately dahil ako yung irarason mo." For some reason, close na rin sina Damian at Killian. They talk normally now without Killian flinching or avoiding eye contact.

May konting pinagbago si Killian. Alam niyo he acts maturely now, iniwan ko lang siya mga dalawa or tatlong weeks may pinagbago na siya. So ganon ba kabilis ang pagbabago ng ilang tao?

Pumasok na kami sa cafeteria at nagsi-upuan na. some students greeted us, YES THAT'S RIGHT! US, parang takot ata sila sa grupo namin. Sabagay andito naman yung tatlong nagma-may ari ng school. dapat lang na matakot sila.

'Good afternoon.' bati ng mga estudyante saamin. Char I feel like a total celeb. Binati rin nila si Killian... that's new? Actually I just noticed it recently.

I should probably order since isa akong escort, I was about to go to the counter nang pinigilan ako ni Juno at umiling iling.

"Stop avoiding him"

"Ha?" pinaupo niya ako sa harap ni Killian, Kill was busy looking at the menu sa may table.

"Kami na nina Juno ang oorder." Napataas naman ako ng kilay.

"Sama kami." Sabay sabi ng kambal na sina Lucian at Damian, Damian winked at me naman. What the heck?

"Ano? Ba't kayong lahat pa? mabigat ba ang pagkain na dadalhin niyo?" inis na tanong ko, sinasadya nila to eh! Lumapit naman si Phee sakin at bumulong.

"Akala ko ba gusto mong mag-stay sa tabi ng crush mo?" napaawang naman ang labi ko, I do remember saying that pero hindi pa ito ang oras!

"K-kelan ko naman sinabi iyon?!" I slowly glanced at Killian, sana hindi niya narinig ang sinabi ni Phee. He was looking outside the window, phew.

"Hindi mo ba alam na you're a sleep-talker? You said that in your sleep, were you dreaming about him?" sabi ni Phee kaya tinakpan ko ang bibig niya.

"Ophelia tara na hayaan na natin sila." Lucian said to Phee kaya tumango namn si Phee at nag thumbs up saakin.

Napatampal nalang ako ng noo, I don't have a choice kasi baka mas lalong ma obvious ni young master. Umupo nalang ako sa harap niya, shit ang awkward.

"Kamusta ka na Quinn?" tanong niya saakin, tumingin ako sakanya and immediately looked at the other direction nang makita ko siyang nakatingin saakin.

"HAHA ok lang naman young master." Tangina masasapak ko na talaga si Phee mamaya. "I-ikaw po ba?"

Don't make it obvious Quinn kahit napaka-obvious mong tao, act dumb! Habang nakatingin ako sa ibang direksyon I noticed that some students aren't bullying young master anymore. May ginawa ba sina Phee at Lucian?

Sa classroom din, they respect him and talked normally to him. I freaking missed 3 weeks hindi ko alam kung ano ang nangyari. Should I ask him ba? Baka may ginawa nga ang mga kapatid ni Killian. Dito rin sa cafeteria, they greet him normally.

Hindi naman sa masama iyon but it's just weird kasi hindi ako sanay. Also maraming babaeng bampira ang umaaligid sakanya lately. It's getting annoying, they'd stop if lalapit ako kay young master or malapit ako kay young master.

Yan pa Apple, antagal mo kasing bumalik. May marami ka na tuloy kaagaw sa crush mo, psh hindi naman sila ganon ka papansin dati.

"Quinn? Are you listening?"

"Ha?" agad akong bumalik sa realidad ng hinawakan ang kamay ko ni young master na nasa ibabaw ng lamesa. Agad ko naman iyong binawi dahil sa hiya. "I-I'm sorry! iniisip ko kasi young school works ko."

"Oh, you're also thinking of Damian?" napatingin naman ako agad sakanya. damian? Kelan pa nasali si Damian sa usapan. "He's always with you when you're doing your school works."

"A-ah. Oo parang ganon na nga." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko ok?! Natataranta ako para siyang nagseselos YIE- *BLAG* "Y-young master?"

Nagulat ako ng hinampas niya ang lamesa, shit! May sinabi ba akong mali? POTANGINA NAGULAT AT NATAKOT AKO DON AH! TEKA BA'T PARANG GALIT SIYA?!

hindi naman siya sumagot kaya napalunok nalang ako. nakayuko din siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Well he sounds mad... he's probably mad at me.

"Are you avoiding me?" napakamot naman ako ng ulo, I guess he did notice. "Why are you with him? You said- never mind."

"P-po?" ngina mga sizst halos hindi ako makahinga kasi biglang dumilim ang aura niya. I could sense some deadly energy from him, baka pag gumalaw ako eh kakainin niya ako, rawr. DI JOKE LANG GUYS PERO SERYOSO! HE'S FREAKING SCARY RIGHT NOW.

Pati mga ibang estudyante nagbulong bulungan na. It's probably his aura its so strong, not to mention isa siyang incomplete.

"I'll be back." I could hear a loud exhale nung umalis siya. at doon naman ako nakahinga ng maayos, nanlamig tuloy ang kamay ko.

"Anong nangyari? May narinig kami." Napatingin naman ako ni Phee, may dala na siyang pagkain.

"Actually I sense something, it was strong. Kay Killian galing yon no? lahat naka-sense non." Sabat naman ni Lucian.

"I didn't sense anything?" sabi naman ni Phee at nag-shrug. "Ba't umalis si cousin? Pinaalis mo? Inaway mo?"

"You didn't sense it kasi hindi ka bampira. That was strong as fuck halos hindi kami makagalaw." Damian said naman. "Sundan mo si Killian, Apple. Baka kung anong nangyari non..."

"He's in a foul mood, you can't just send her like that." Sabat naman ni Juno

"Ok lang Juno. I'll go, atsaka it's my job and that was probably my fault too." buntong hininga na sabi ko. I guess wala rin talaga akong choice kundi harapin siya. siya pa naman ang partner ko sa festival, it would be difficult if magpatuloy to.

"Foul mood? Wouldn't it be dangerous though?" tanong ni Phee.

"Nah, ok lang yan basta si Apple. She'll be alright, she's Apple anyway." Laking confidence nyan ah, sana hindi ako saktan ni young master. Kanina kasi nakakakot talaga siya, I haven't seen him look like that. Pero I don't think he snapped just yet, pinipigilan niya ata ang sarili niya.

Lumabas na ako sa cafeteria at tinanong ang mga estudyante kung nakita ba nila si Killian. They all pointed the same direction kaya sinunod ko nalang iyon. habang naglalakad ako ay may tumawag saakin.

"HEY!" napalingon naman ako. Who're they? "You must be Maple Quinn Tempest."

"Yes? Ako nga." it was a bunch of girl. Wait no, mga bampira pala to. Anong kailangan nila saakin?

"Let's have a little chat shall we?"

Escorting the Vampire PrinceOnde histórias criam vida. Descubra agora