5

13 1 2
                                    


TW: Death/ mentioned of death

Pumalakpak ako pagkatapos niyang kumanta at ngumiti siya na parang na hihiya.

“Ang galing mong kumanta!” Bilib na sabi ko at pumalakpak ulit.

Malawak ang ngiti niya at nag thankyou sa'kin na para bang may binigay akong malaking bagay sa kanya.

“Mag pa audition ka kaya. Sayang talent mo o.” Sabi ko ngumunguya sa pagkain na dala ko.

Alas singko kami ng madaling araw nagkita sa building kasi gusto namin makita ang sunrise. Ngayon ay kulay asul pa ang langit at sisikat na ang araw mamaya.

“Do you think I’m a good singer?” Tanong niya at binuksan ang baon niya.

“Oo naman! Sobrang ganda!” Nakangiting puri ko at ngumiti rin sya sa'kin pabalik.

“Thanks.” Tipid na sagot niya.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya kaya agad ko siyang tinanong kung may problema ba. Umiling lang siya pero di ako kampante. Pakiramdam ko may gusto pa siyang sabihin kaya nanatili akong tahimik.

“May naalala lang.” She whispered.

“Kung magandang alaala man yan o hindi nandito lang ako makikinig sa mga kwento mo. Alam mo naman yun diba?” Tanong ko at tumango naman siya kaya naman nakahinga ako ng maluwag non.

Nang makita naming pataas na ang sinag ng araw ay tumayo kami at hinawakan niya ang kamay ko.

Kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtog siya ng isang classic song.

Hinawakan ko ang bewang niya at sya naman at nakahawak sa magkabilang balikat ko.

Sumasayaw kami at kasabay namin ang musika at pag sikat ng araw sa aming pag sayaw.

Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya at siya naman ay nakatingin rin sa mga mata ko.

Nilapit ko ang katawan ko sakanya at ngayon ay magkayakap na kaming sumasayaw. Ang pagtibok ng puso namin ay sumasabay sa musikang sinasayawan namin ngayon.

Nang tuluyan nang lumiwanag ang paligid namin at nilapit ko ang mukha ko sa kanya at mariin siyang hinalikan.

Ang kamay niya ay tumakbo galing sa likod ko papunta sa likod ng ulo ko at ang isang kamay ko ay nasa batok niya habang ang isa ay nakayakap sakanya.

Nang mag hiwalay na ang mga labi namin ay agad ko siyang hinalikan sa noo at kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

“Mananatiling ikaw ang pipiliin sa araw araw.” Nakangiting sabi ko at hinalikan ulit siya sa labi.

Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko.

“Thank you for being the colors in my boring life.” Madamdaming sabi niya at niyakap ako.

Habang magkayakap kami ay hinalikan ko ang noo niya at pinatong ang ulo ko sa kanya.

Uminom muna kami ng kape sa isang coffee shop bago mapagpasyahang umuwi. Gusto ko siyang ihatid kaso umayaw siya.

Kahit anong pilit ko ay nagmatigas pa rin siya. Di kasi ako komportable hanggat dika siya nahahatid o may nagsasabi sa'kin na ihatid ko siya kaso nag matigas. Ayoko namang pwersahin kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko siyang umuwing mag isa.

Naglalakad na'ko pauwi at di parin ako kampante. Gusto ko siyang e text o tawagan kaso baka iisipin niyang wala akong tiwala sakanya. Kaya nag text nalang ako sakanya na e text ako pag nakarating na siya sakanila.

“Just got home. How about you?” Napangiti ako nang mabasa ang text niya kaya naman ay nag text na rin ako sa kanya pabalik na nakarating na rin ako.

Hapon na at nagluluto ako ng haponan. Gusto kong murahin ang sarili ko nang pati kamay ko muntik ko nang mahiwa.

Buti nalang sugat lang ang natamo ko. Di naman siya malalim pero ang hapdi tapos ayaw tumigil ng pagtagos ng dugo kaya agad kong tinawagan si mama.

“Ang tanda tanda mo na Mark nasusugatan ka parin sa kutsilyo.” Sermon ni mama habang ginagamot ang sugat ko.

“Sorry ma may iniisip lang.” pag uumanhin ko.

“Nag away ba kayo ng nobya mo?” Tanong ni mama at umiling naman ako.

“Natanggal ka sa trabaho mo?” Dagdag tanong niya at umiling ako.

“Mag-iingat ka sa susunod ha! Ako na mag luluto baka di lang yan matamo mo. Ikaw talagang bata ka.” Sabi ni mama at tumango na lamang ako at tinulungan siyang ligpitin ang kit.

Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko nang may marinig akong kumakatok sa pintoan.

“Ako na ma.” Sigaw ko at pinuntahan ang pintuan.

“Ano pong maitutulong ko?” Tanong ko kaso nang mapagtantong kasamahan ko sa trabaho ang nasa harap ng pintoan ay agad akong ngumiti.

Nakita kong humihingal ito kaya nang inalok ko nang tubig umayaw siya.

“Eh ba't ka nandito? Nasibak ba'ko sa trabaho?” Natatarantang tanong ko.

“H-hindi, Yung Anak ni Engr. Aleneva.” Hinihingal na sabi niya.

“Bakit anong nangyari?” Mas lalo akong natataranta ng mapagtantong si Serene ang tinutukoy niya.

Parang gusto kong takpan ang mga tenga ko. Takot akong marinig kung anong nangyari kaso mas lamang sa'kin ang kagustuhang alamin ang kondisyon ni Serene.

“Nadisgrasya si Mam Serene at nasa hospital na siya ngayon.”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad akong tumakbo palabas at nag para ng tricycle.

Nasa hospital ako ngayon at dumiretso ako sa ER.

Nawala lahit ng lakas ko nang makita si Serene na naka higa at naliligo sa sariling dugo.

Nababaliw ako sa ingay ng paligid. May umiiyak at may nag sisigawang doctor na sinusubukang iligtas ang mga patiente nila.

Di ako makalapit kay Serene dahil sinusubukan siyang buhayin ng doctor.

Tulala akong nakatayo sa harap ng katawan niya at di ko na napigilan ang emosyon ko. Lumuha ako na para nang walang bukas at humawak sa isang upuan para kumuha ng lakas.

Nanginginig na ako at di ko alam ang gagawin.

Serene…

The Last Song Of SereneWhere stories live. Discover now