Epilogue

15 0 0
                                    


Malapad akong ngumiti sa harap ng maraming tao pagkatapos kong e kwento ang buhay ko.

Di ko naman alam na required e kwento ang buhay mo pag grumaduate ka na at willing naman ako dun para naman ipaalam sa kanila lahat tayo may sariling laban.

Alam naman siguro yun pero iba pa rin ang pakiramdam pag ikaw na mismo nag kwento.

Ngumiti ako kay mama at kay kano at itinaas ang mga medalyang natanggap ko.

Nang matapos na ang program ay mahigpit ko silang niyakap.

Kano ang tawag ko sa papa ko at inuto naman ni mama na father daw yun sa tagalog.

Kinuha kasi kami ni Kano at pinagawaan ng bahay. Di ko naman na hinihiling yun pero ang pagpaliwanag niya gusto nya lang daw bumawi sa'min kasi kami daw ang pamilya niya.

Namatay na kasi daw ang mga magulang niya kaya naman binalikan kami ni mama. Mukhang tuwang tuwa pa si Kano samantalang ako na muntik na mamatay sa kakaiyak sa pag panaw ng nobya ko. Paano pa kaya pag si mama.

Pakiramdam ko nag ka balikan na silang dalawa. Halata naman siguro?

Kumain na kami mag pamilya sa isang sikat na restaurant dito sa'min. Pasasalamat lang daw dahil naka pag tapos na ako.

Di ko rin naman ine-expect na makakapagtapos ako ng college kasi di naman ako ganun ka taas mangarap kaso simula nung pagkamatay ni Serene naisip ko na baguhin ang buhay ko.

Pagkatapos naming kumain bumisita muna ako sa pinag mamay-ari naming workshop.

Kinuwento ng tatay ni Serene sa'kin noon na mahilig raw sa singing contest si Serene kaya naman napag isipan kong gumawa ng sariling workshop na sumasali sa mga singing contest.

Tinulungan naman ako ni papa kaya di na mahirap para sa'kin ang paggawa.

Ngumiti ako sa mga trainers at trainees.

Lumapit ako sa isang trainer at kinamusta ang lagay ng workshop at ng mga estudyante. Ayos naman raw ang lahat kaya naman ay tumambay muna ako at inobserbahan kung sino ang pwede nang lumahok sa national contest.

Habang nag oobserba ako sa kanila di ko maiwasang maalala si Serene. Nung una at huling kanta niya sa'kin.

Kamusta na kaya si Serene sa taas?

Bago ako umuwi ay bumili muna ako ng mga bulaklak at kandila para bisitahin si Serene.

Ngumiti ako at inalis ang mga damo na nasa lapida ni Serene. Nilinisan ko kaunti ang gilid nito at doon nagsindi ng kandila.

Nagdasal muna ako bago niligay ang mga bulaklak sa gilid ng kandila.

Nilayo ko kunti kasi baka masunog. Sayang maganda pa naman ang mga bulaklak kasing ganda ni Serene.

"Serene kamusta ka na?" Paninimula ko at ngumiti.

"Nakapagtapos na'ko Serene. Alam ko na masaya ka para sa'kin." Huminto muna ako nang nanubig ang mga mata ko.

"Sayang wala ka rito. Masaya ka naman dyan sa taas diba?" Tanong ko na para bang may sasagot. Pinunasan ko muna ang mga mata ko bago ako nag patuloy.

"Cum Laude ako o." Naiiyak na sabi ko at itinaas ang mga medalya ko.

"Atsaka yung mga estudyante natin magagaling na sila. Nakikita ko na ang improvements nila." Pag patuloy ko.

"Proud ka naman sa'kin diba?" Tanong ko at hinaplos ang lapida niya.

Matagal na nung namatay si Serene pero hanggang ngayon mabigat parin sa loob ko ang nangyari. Parang nahihirapan parin akong tanggapin ang pagkawala niya. Ang sakit parin.

"Serene siguro kung kasama lang kita ngayon matutuwa ka sa mga batang yun." Sabi ko at iniisip ang mga bata sa workshop.

"Sana naman sa susunod na buhay kasama na kitang tumanda no?" Nakangiting sabi ko pero yung mga luha ko ay patuloy parin sa pag agos.

"Siguro kung nandito ka pa may mga anak na siguro tayo ngayon." Mapait akong napangiti.

"Kaso wala e kahit anong siguro ko nangyari na ang nangyari. Sa susunod na buhay pa ata tayo."

"Hihintayin kita Serene."

"Hihintayin kita hanggang sa kabilang buhay." Nakangiting sabi ko at tumingala sa taas.

'At least The last song of Serene is with me.'

Ngumiti ako at huminga ng malalim.

Mananatili ako at hihintayin kita hanggang sa susunod na buhay mahal kong Serene.

The Last Song Of SereneWhere stories live. Discover now