1

21 1 0
                                    


Nasa bintana ako at nag ka-kape nang may matanaw akong building na parang aabot ng dalawangpong palapag ata. Di ko pa sure di ko rin naman naaakyat o nakalapit man lang doon.

“Ano ba naman yan Mark ala una ng hapon nag ka-kape ka?” Sermon ni mudra.

“Si mama o parang di pinay. Kung sa germany mo'ko pinalaki edi sana matino na buhay ko.” Inis na sambit ko. Bat di nalang kasi sya sa sumama kay tatay ayaw nya bang gumaan ang buhay niya?

Isang sampal ang natanggap ko at tumilapon pa ang kape ko dahilang napatayo ako at nabitawan ang baso. Napaso ako ang init putcha naman kasi si mama e.

“Di kita pinalaking ganyan Mark! Ano bang ginawa ko at sinisi mo sa'kin ang buhay mo! E ikaw nga tong sinayang ang mga pera na matagal ko nang inipon para sa tuition mo! Kaso anong ginawa mo? Sinayang mo lahat ng sakripisyo ko at sumama ka sa mga barkada mong umiimon kahit saang kanto!” sigaw ni mama bago kumuha ng punas at pinunas ang kape na natapon.

Naiiyak akong tingnan si mama kaya sa halip na tulungan siya ay umalis ako at natulog na lang.

Lahat ng ginawa ko noon pinagsisisihan ko lalo na noong nadala ako ng barkada. Pinagkatiwalaan ako ni mama noon kaso wala e naging iresponsable ako.

Nagising ako ng alas diyes ng gabi at napagpasyahan na puntahan ang building na tinatanaw ko kanina.

Paakyat na'ko at nang makarating ako sa tuktok may nakita akong isang dalaga na kasing edad ko na nag mu-muni at naka upo sa dulo ng building.

Naawa ako kaso diko siya pinansin at umupo na rin katabi niya.

Nakita ko nang malapitan ang mukha niya. Agad nanlambot ang puso ko nang makita ko siyang umiiyak. Di'ko siya kilala pero kusang gumalaw ang katawan ko na lumapit at niyakap siya.

Na guilty ako nang lumakas ang hikbi niya na para bang inaway ko siya o ano kaya mas lalong hinigpitan ang yakap ko sakanya.

“sorry niyakap kita.” Pag u-umahin ko ngunit umiling lamang siya yumakap pabalik sa'kin.

Diko alam pero parang may kumikiliti sa'kin at napangiti ako dahil sa ginawa niya. Kahit kailan di ako niyakap ni mama noon o ngayon kaya ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Bumitaw nako at pinunasan ang luha niya. Wala pa naman akong ligo kaso nakalimutan ko yun nang matanaw ko kung gaano ka ganda ang tanawin sa harap ko.

Siya lang ata ang umiiyak parin kaso ang ganda. Namumula ang eyebags at pisngi niya. May sugat rin ang mga labi niya na para bang binabalatan nya yon.

Ang gandang dalaga ngunit malungkot siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit at lungkot kaya di ako nag salita at nanatili lang sa tabi niya.

Di naman ako ganito bakit ba ako nakikialam sa buhay ng ibang tao e baka gawin nya akong nobyo e wala akong mapapakain sakanya lalo na't di pa ako nakapag tapos sa kurso kong psychology.

Tahimik lang kami at parehong nakatingin sa mga ilaw ng mga sasakyan at mga gusali.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako naka akyat at naka experience ng ganito at sa unang beses may babae akong kasama na nagpapalambot sa'kin.

“Pasensya ka na at nasira ko ang moment mo.” Sabi ng babae at tumawa.

“Ok lang yan. Wala ka namang kasalanan e at mas maganda pag nandito ka.” Nakangiting sabi ko.

Nakikita ko sa peripheral vision ko ang pag ngiti niya.

“Ok ka na ba?” Tanong ko.
Tango lang ang natanggap kong sagot kaya tumingin ako sakanya at hinawakan ang kamay niya.

The Last Song Of SereneWhere stories live. Discover now