7

11 0 0
                                    

“Anak kain ka na o.” Pamimilit ni mama sa'kin.

Isang linggo na simula nung pumanaw si Serene. Ang sakit parin sa'kin at di ko pa tanggap.

Ang hirap. Pakiramdam ko ilang minuto nalang mamamatay na'ko.

Sa lahat ng tao bakit si Serene pa?

Palagi nalang akong tulala sa kwarto o di kaya samahan si mama sa sala.

Nawalan na'ko ng gana mabuhay simula nung iniwan ako ni Serene. Nahihirapan na akong kumain o bumangon sa kama pakiramdam ko kasi ang katawan ko kasing bigat ng semento.

“Of course, You saved me and I think you can save others too. You can use that reason to continue your dreams and living.”

Mapait akong ngumiti nang maalala ang sinabi niya.

Did I really saved you Serene? Kasi kung oo bakit wala ka dito.

Nag init ang mukha ko at umiyak na naman. Akala ko wala na akong luha. Meron pa pala.

Agad kong pinunasan ang luha ko nang makita ko si mama na nakatayo sa may pinto at may dala pang lugaw.

“Anak.” Malambing na tawag niya at lumapit sa'kin.

Mas lalong nag init ang mukha ko nang yakapin ako ni mama. Umiyak lang ako ng umiyak habang hinahagod ang likod ko.

“Kain ka na anak, Di matutuwa si Serene pag nalaman niyang di ka kumakain.” Sabi ni mama at hinaplos ang mukha ko.

Kumain ako kaso kaunti lang. Kahit kumakain ako at naiiyak parin ako.

Ang bigat sa loob ko ang pagkawala ni Serene. Parang gusto ko nalang sumunod sakanya.

Nanatili lang ako sa kwarto at idinadaan sa iyak ang lahat kaso nung naglakas loob akong lumubas nakita kong wala na pala kaming makakain.

Nagpasya akong mag trabaho ulit kaso di na sa construction. Di ko pa kaya tingnan ang ama ni Serene baka umiiyak pa ako habang nag ta-trabaho.

Nag trabaho nalang ako sa Jollibee. 300+ lang ang sweldo kada araw kaso sakto na yun. Ikportante may mauuwi ako sa'min.

Nilibang ko ang sarili sa trabaho kaso di ko parin maiwasang umiyak pag gabi.

Halos buwan na nung namatay si Serene pero ito pa rin ako. Di tanggap ang nangyari.

Pagkatapos kong mag trabaho ay bumisita muna ako kay Serene.

Pero syempre bago ako bumisita sa kanya bumili muna ako ng rosas at kandila.

“Serene kamusta ka? Di kita mapupuntahan pag gabi e natatakot ako.” Nakangiting sabi ko at tumingala sa langit.

“Napaka ganda ng panahon ngayon no? Kung nandito ka lang sana. Sana-“ di ko na matapos ang sasabihin ko nang maiyak na naman ako.

“Sana hawak ko na ang kamay mo.” Sabi ko at pinunasan ang luha ko kaso ayaw tumigil.

“Sorry Serene ha nakita mo naman akong umiiyak ulit. Ang sakit lang kasi di man lang kita nakasama sa pag tanda.” Sabi ko at pinunasan ulit ang mga mata ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko nang bumigat na naman ito. Nahihirapan na akong huminga dahil sa kakaiyak pero kailangan ko maging matatag.

“Di patas ang mundo pag dating sa'kin. Ang sakit lang.” Sabi ko.

Nakayuko na ako at hawak pa rin ang dibdib ko. Nakikita ko ang bawat pag patak ng luha ko sa puntod ni Serene.

“Bakit di mo'ko sinama? Di man lang kita napagprotektahan. Sana ako nalang ang na aksidente.” Halos bulong na sabi ko. Nauubosan na ako ng boses dahil rin sa kakaiyak.

Mas lalo akong naiyak nang may nakita akong putting paru-paru na papalapit sa'kin.

Sinundan ko to nang tingin hanggang sa dumapo ito sa pisngi ko.

Mapait akong napangiti na ang pagdapo sa'kin ng paru paru ay parang halik ni Serene kaya naman ay pumikit ako dinama ang halik ni Serene.

Binuka ko lang ang mata ko nang maramdamang wala na ito sa pisngi ko.

Sinundan ko lang ito ng tingin. Pataas ang lipad nito kaya nang nawala na ito sa paningin ko ay niyuko ko ang puntod ni Serene at hinaplos ang lapida nito.

“Mahal na mahal rin kita Serene.” Madamdaming sinabi ko at napagpasyahang umalis na.

Pauwi na ako sa bahay at nang maka uwi na ako ay nagulat ako ng may foreigner na kausap si mama.

“Mano po ma.” Salubong ko kay mama at nagmano naman ako.

“Ma eto na po ang sweldo ko. Nabawasan lang ng unti dahil bumisita ako kay Serene.” Sabi ko at tiningnan ang Foreigner na kausap niya.

“Ma sino to?” Tanong ko at tinuro tong sugar daddy nya o ano.

“Are you my son?” Tanong ng foreigner at agad akong umiling.

Ba't ngayon lang siya nagpakita kung kailan nasanay na kami sa hirap at wala siya.

“I’m sorry sir but I’m not your son.” Sabi ko at tumungo na sa kwarto.

Habang nag bibihis ako bigla nalang pumasok si mama.

“Ma!” Nabigla ako kaya naman medyo napataas nag boses ko.

“Anak, Siya ang tatay mo respeto naman.” Sabi niya at mukha pang nadismaya sa inasal ko kanina.

“E totoo naman! Di nya ako anak. Kung anak nyako sana inako niya ang responsibilidad sa'kin at di ka niya hahayaang mag hirap mag-isa.” Inis na sabi ko at nag suot ng t-shirt.

“Anak may rason naman ang tatay mo. Kaya nga siya nandito para pag aralin ka sa Germany.” Sabi ni mama na para bang wala lang yon.

“E paano ka ma?” Tanong ko at humarap sa kanya.

“Kaya ko namang mag isa anak.” Ngumiti si mama sa'kin pero di ako kumbinsido dun.

“Ayoko. Di kita kayang iwan dito lalo na si Serene!” Inis na sabi ko.

“Anak Patay na si Serene.” Sabi ni mama at agad nag init ang ulo ko.

“Buhay si Serene ma! Buhay siya dito!” Sigaw ko at tinuro ang puso ko. “Kahit kailan di namatay si Serene!” Sigaw ko kaya naman pumasok ang pakialamerong foreigner.

“He’s coming with you, he’s just packing his things.” Sabi ni mama sa foreigner.

“Well that’s great!” Ngumiti pa ang kano.

“No I’m not coming with you and I will never go to Germany with you! I will never leave my mom!” Naiinis na sabi ko at hinahabol ang hininga dahil sa galit.

Tumingin ang foreigner kay mama na medyo nagulat pa sa inasal ko.

“Then I’ll stay here in Philippines for eternity.”

The Last Song Of SereneWhere stories live. Discover now