•I•

0 0 0
                                    


I| Intro

Ang oras ay parang isang ilog na tuloy tuloy lang ang agos, paulit ulit at walang katapusan. Parang hangin, misteryoso at hindi nakikita. Parang pinong buhangin, nahindi mo kayang mabilang. Wala itong pakialam, pakiramdam, o damdamin. Hindi ka nito iintayin o kahit bigyan pa ng isa pang pagkakataong makabalik sa nakaraan. Hindi ka nito papansinin, kahit humiyaw ka pa sa sakit na iyong nadarama.

Walang sinasanto ang oras. Walang pinagbibigyan. Walang tinatangi at walang pinapaburan. Isa lang ang hanggarin nito ang ipagpatuloy ang buhay ng lahat kahit may ibang naiiwan nalang sa nakaraan at hindi na nakakasulong pa sa hinaharap.

Walang sino man ang makakagulo sa oras. Ni walang taong kayang baguhin ang maaaring mangyari at ang nangyari na.

Hindi naaawa ang oras. Hindi niya nararamdaman ang awa. Kaya kung nanaisin ng isang kung sino na baluktutin o makipaggulo sa oras, isa lang ang makakamit niya, at hindi iyon ang pagkapanalo, kundi isang masakit at malupit na pagkasupil.

Nangyari na ang mga nanngyari at wala ng kahit sinong kaya pang makapagpabago nito. Mabubuhay tayo sa present at maghahantay nalang na dumating ang mga nakatakda ng mangyari, ito man ay nararapat sa atin o hindi.

Ginawa ang oras hindi para maghantay. Kaya hindi ka nito pagbibigyan kapag nadapa ka at hindi ka bumangon kaagad... dahil ang mga nahuhuli, ay hindi pinagbibigyan ng oras.

---

This story is fiction.

Any resemblance to an actual persons, events, places, names and at iba pa ay pawang ko-insedental lamang.

Ang kabuoan ng estorya ay sinulat ni Randhel Francisco o HaveYouSeenMitsuwi sa wattpad. At ang account na ito ay isang pansamantalang lagakan laman ng aking mga estorya sapagkat pinapagawa pa ang sarili kong telepono.

© HaveYouSeenMitsuwi 2021
    Allrights Reserved

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Befriend To A Time Traveler: Timeless Tales Series 1Where stories live. Discover now