Chapter 16: Placard

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinatay ko na yung shower. Nagpunas, at nagbihis.

Speaking of Aly, papasok na kaya siya?

"Che! Aly ka dyan!"- sabe ko habang nagbibihis parin

Narinig kong lumabas na ng banyo yung dalawa at saktong tapos na din ako magbihis kaya lumabas na din ako sa banyo ng locker room.

Dumiretso ako sa tapat ng locker ko.

Narinig ko naman na papalapit sakin yung dalawa. Siguro makikichismis, ganyan naman sila eh.

"Sis, balita ko nagkasakit yung dalawa ah? Anong bang nangyari dun?"- tanong ni Bang kay Gretch

Napatingin ako kay Gretch, inaantay kong sumagot siya. Napansin ko namang napatigil siya.

"Ha? Edi nagkasakit. Ano pa ba? Grabe nga si Aly eh, sobrang ang putla kagabi! Mapapansin niyo yung labi niya sobrang putla."- sabe niya tapos tumawa siya

"Sis, anong nakakatawa dun? Namumutla na nga yung tao pinagtatawanan mo pa."- sabe ni Bang, tama siya! Ano nga namang nakakatawa dun?

"Basta! Kung nakita niyo lang siya kagabi matatawa rin kayo. Laptrip."- sabe lang ni Gretch

"Nasa kanila ka kagabi?"- sabay naming tanong ni Bang

Inayos na namin yung gamit namin saka lumabas ng locker room.

"Oo, gusto ko makita si Fille eh. Masama ba?"- Gretch

"Mukhang iba na yan Sis ah."- pang aasar ni Bang kay Gretch "Tinamaan kaba?"

Natawa lang si Gretch. Etong dalawa talaga.

Bumili kami ng pagkain sa may skyline at tumambay muna sa may lounge.

Habang kumakain, napansin kong nagdadatingan na yung mga estudyante.

Tumingin ako sa watch ko, 7:15 am na pala kaya ganun.

Maya maya may nakita akong pamilyar na lalaki. Hindi ko mamukhaan kasi malayo pa siya, kasama niya si Aly.

"Ayan na pala si Aly eh. Sino yung kasama niya?"- tanong ni Bang

"Kuya niya yan. Si Nicko."- sabe ni Gretch

Napatingin kaming dalawa ni Bang sa kanya.

"Ano?"- tanong samin ni Gretch

Kilala niya si Nicko? Kelan pa?

"Kuya niya. Teka, napansin ko lang ha.. kanina niyo pako pinag-iinitan! Nasa kanila nga ako kagabi diba? Nakilala ko si Nicko kagabi, okay? Tama na mga tanong niyo!"- sabe niya tapos nagpout siya.

Aish. Isip bata talaga..

Iniwan ko muna sila Gretch at Bang tapos pinuntahan ko sila Aly sa may Office.

After 10 minutes, lumabas na rin sila.

"Uy Denden!" sabe sakin nung kuya niya saka nagsmile."Sorry if Alyssa didn't tell you about her condition. She's too stubborn, I hope you understand."

"Hindi, okay lang yun. Naiintindihan ko naman eh."- sabe ko tapos ngumiti ako

"I'm glad that you understand. Sige, I'll go ahead na. Ingatan mo ha."- sabe niya then pinush niya sakin si Aly."Ikaw naman, be good. I'll see you soon."- tapos kinurot niya ng mahina yung pisngi ni Aly.

Nagsimula ng maglakad si Aly papuntang classroom namin. Hindi niya man lang ako inantay o tinignan.

Nabubugnot nanaman siya. Ano bang problema niya?

Una, hindi niya ko sinabihan about sa kalagayan niya. Pangalawa, ayaw niyang kong pabisitahin. Pangatlo, pinapakitaan niya nanaman ako ng pagkabugnutin niyang ugali.

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon