EPILOGUE♥️

167 6 2
                                    

Happy lang walang ending~◕ .◕~


Pagkatapos naming ikasal sa Boracay, isang araw lang ay lumipad na kami papuntang Japan!

Para sa honeymoon namin. Hindi ko alam ang ire-react ko. Hindi pa ako ready para sa mga ganito. Kinakabahan ako.

Lalo na sa mga tinuro ng mga expert kuno. Sino pa nga edi yung mga barkada ko

In-explain nila sa akin kung paano ang torrid at french kiss mga tanga talaga. Hindi nila alam naranasan ko na yung french

Yung back style, front style, standing position, put your feet in my shoulder position, at dog style. Juskoooooo!

Ewan ko nalang

"Mine."

Nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ang mga merchandise at souvenir na halos lahat ONE PIECE!

Mabilis akong humiwalay sa pagkaka-akbay ni Gelo sa akin at tumakbo papalapit doon. Merong mga t-shirt na mukha ni Luffy ang nakalagay, o di kaya si Luffy at Zoro. Meron ding si Law, Kid at ang pinatay ni Akaino na si Ace ko!

"What do you want?" kinuha ko yung t-shirt na may mukha ni Zoro habang may hawak na sandata. Yung t-shirt na may mukha ni Luffy habang sumisigaw sa tuwing humahaba ang kamay niya, yung in-one frame silang lahat

Key chain na may nakalagay na logo ng one piece, poster , sticker nila, at kung ano-ano pa na related sa kanila.

Napabaling ako sa kanya nakita ko siyang naglalabas ng wallet niya.

"Ako na magbabayad, akin 'to eh."

"Nah, ako na."

"Ako na, for sure mahal 'tong mga to."

"Wife, I work hard for us, for you para ma-afford ko namang bilhin lahat ng gusto mo."

"Sige, babawasan ko nalang."

"Why? " kinuha niya ulit ang mga binalik ko. Yung nagtitinda nalilito na sa amin, paglipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Angelo

"We'll take these all." Sabi niya roon sa nagtitinda at lahat ng kinuha ko kanina na binalik ko ay binayaran niya rin.

Pagkatalikod namin sa store, bitbit lahat ng mga pinamili namin. I kiss him in his cheeks. Pambawi lang

"You really like them huh."

"But you're my love, so don't worry, mine."

"Yeah, yeah."

"I love you, abunjing ko." tuwang-tuwa talaga ako pinayagan niya akong bilhin 'to kahit kaya ko naman siya parin nagbayad

Natawa siya sa sinabi ko "bunjing? Where did you get that?"

Umuwi kami sa hotel ng gabe na, kung saan-saan pa kase kami nakarating sa Tokyo buong araw yata kami naglibot at kung ano-anong mga pagkain na rin ang nasubokan namin

Sinukat ko lahat ng t-shirt na binili ko at may pagka over size ang iba. Binigay ko sa kanya yung isa na tinanggap naman niya

Sa bahay ko nalang ito isusuot, paparesan ko ng shorts

Lumabas siya sa cr na nakatowel lang. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Ngayon ko lang narealize na, this night it is the night?

Omg! hindi ko kaya!

Dali-dali akong tumakbo sa loob ng cr at ni lock ang pinto

"Mine, are you okay?"

"O-oo."

"It's okay if you're not ready, I can wait we don't need to rush." hindi ako sumagot, nagpatuloy lang ako sa pagligo.

Alam ko namang naiintindihan niya ako eh, pero honeymoon namin ngayon hindi pwedeng sirain ko 'yon, tsaka kasal na kami, asawa ko na siya kaya dapat lang na ano, na pagbigyan siya diba?

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon