CHAPTER 31

45 3 10
                                    

[SHECAINAH]

Mabilis akong tumakbo palayo kina Gelo at Ton-ton. Naririnig ko parin ang mapang-asar na tawa ng kaibigan niya matapos niya iyon sabihin

'close your mouth, I might enter my tongue'

Bwesit! Bakit niya kasi sinabi yun? matapos ng lahat ng sakit na dinulot niya sa akin nagawa niya pa akong asarin na parang wala lang nangyari?

"HOY!" napalingon ako sa likuran ko ng may marinig akong sigaw "sa Zecka ka po nagtatrabaho hindi sa Cebu Pacific." napatingin ako sa unahan ko. Pinagtitinginan ako ng mga flight attendant dahil naka akyat na ako sa hagdan ng eroplano nila

Yuyuko-yuko akong bumaba habang minumura ko sa isipan ko si Angelo. Kasalanan niya to eh. Kung hindi niya ako sinabihan ng ganoon titino itong utak ko ngayong araw

"SHECAINAH!!!" Napatakip ako ng tenga ng sigawan ako ni Gelo este ni Janele

Noong nag proposed si Zynx sa kanya sa Korea, one week after non ay in-announced na nila ang pagiging engaged nila. P-prepare nila ang kasal for 3 months at kasal na sila for almost a year na rin kasi first monthsarry namin ni Gelo noong na engaged sila

"Ano?"

"Anong, ano? Hindi ka ba magtatrabaho? ikaw nalang hinihintay ng eroplano oh."

Nagtrabaho ako syempre. Yung flight namin is Philippines to Cambodia. Pabalik. Tapos Philippines to Singapore back and forth

Kaya noong makauwi na kami ay pagod na pagod ako at gusto kong matulog

Habang pumapara ako ng taxi napapapikit pa ako sa sobrang antok. Muntik na akong matumba dahil mukhang matutulog akong nakatayo. Pero may humawak sa bewang ko

Hindi pa man ako nakaka react may pinarahan na siyang taxi

"Saan ka nga ulit umuuwi?" Tanong niya

"Pakialam mo? tara na manong." Nagdalawang isip pa ang driver kung ako ba ang susundin niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata

Nawala yung antok ko bwesit na Angelo yun, bakit ba pasulpot-sulpot nalang siya kung saan

"Alam mo, manong." Napatingin sa akin ang driver mula sa side mirror "ex ko yun. Magjowa kami ng isang taon nalaman ko nalang na may asawa at anak na pala siya? ang tanga ko diba?"

"Pagdating sa pag-ibig lahat po tayo nagiging tanga."

"Bakit manong naranasan niyo na maging tanga?"

"Oo naman, sa asawa ko ngayon? halos limang taon din naming hiniling na magkaroon ng anak, isang araw sinabi niya sa aking magkaka-anak na raw kami." Ngumiti siya ng malungkot

"Eh bakit po kayo malungkot dapat maging masaya pa nga po kayo eh, kase matagal niyo na yung hiling diba?"

"Noong sinabi niya'ng magkakaanak na kami kahit masakit sa akin tinanggap ko yung bata. Binata palang ako alam ko ng hindi ako magkakaanak dahil baog ako. At doon ako naging tanga sa pag-ibig." Napatakip ako ng bibig, parang napakawalang hiya pa ng asawa ni manong kesa kay Gelo.


"Ah, manong kapag nagka-anak po ulit ang asawa niyo puntahan niyo lang po ako dito ah, mag-iinoman tayo." Natawa siya ng bahagya

"Matagal na siyang namatay. Ang kasama ko nalang ngayon yung anak namin. Tinuring ko na ring akin. Hindi ko na rin na nalaman kung sino ang totoong tatay niya." Napangiwi ako, patay na pala

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Where stories live. Discover now