CHAPTER 7

72 5 0
                                    

[SHECAINAH]


Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko, oo nga pala may trabaho pa ako

Mabilis akong bumangon at nagluto, naligo at kumain, malapit na akong matapos ng may narinig akong busina sa labas ng apartment ko

"Josh, anong.. ginagawa mo dito?"- ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo "ihahatid ka sa trabaho mo"

"Ah, salamat. Nakakain kana ba?"-

"Yeah, pumunta lang talaga ako dito para ihatid ka"- inalalayan niya ako sa maleta ko "ang sweet naman"- pinisil ko ang magkabila niyang pisngi, tumawa lang siya

Pagkarating namin sa airport. "Salamat sa paghatid, Josh"

"Always welcome, take care. I love you." ngumiti lang ako at hinatak na ang maleta ko papasok

Baket kaya ganoon, pinakiramdaman ko ang sarili ko, hindi ako kinikilig?

Hindi tulad dati na small gestures niya lang kinikilig at napapangiti na agad ako

Baka naninibago lang

Muntik ko ng masiko ang taong umakbay nalang sa akin bigla, isa sa mga kambal, si Steve o Clam?

Pero nakasuot siya ng pink na t-shirt, pinatungan niya lang ng puting jacket

"Steve?"- ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko, siya nga "saan ka pupunta?"-

"California, doon na muna ako titira"-

"Ahh, ingat ka ah"

"You too, see yah!"- kumaway pa siya bago tuluyang umalis

Si Angelo kaya, wala siyang flight?

Lumipas ang isang araw, dalawang araw, ngayon palang ako makakauwi

Paglabas ko ng airport wala pa si Joshua, akala ko ba susunduin niya ako? Yun ang sabi niya nakaraan

Baka busy.

"Shen"- napalingon ako at nakita ko si Gelo, bigla akong napangiti "hi!" bati ko sa kanya, pero tinignan niya lang ako, hindi man lang ngumiti, eto na ba yung sinasabi ng Guevarra brothers ang pagiging serious mode niya

"Hop on"- binuksan niya ang pinto sa shotgun seat, napalingon ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko pero agad niya rin iyon binitawan na parang napaso

"I know your tired but, you need to know this"- binigay niya sa akin ang selpon niya, tinignan ko siyang nalilito

"Anong gagawin ko dito?"-

"Maglaro ka ng temple run, subway surf o kung gusto mo may ml din ako diyan"- tinignan ko siya sinisipat ko kung seryoso ba siya o nagbibiro

"There's a video, watch it"- bawi niya agad, tinignan ko ang selpon at may video ngang naka-pause, pinindot ko yung resume

Kuha eto ng cctv sa tapat ng apartment ko "kuha yan ng cctv sa tapat ng apartment mo, ang cctv na yan, ang cctv sa isang grocery store kaharap ng apartment mo, yan yung araw na pumunta ako sa bahay mo para sunduin ka papuntang Baguio,"

Kumunot ang noo ko ng makita ko si Joshua doon, palingon-lingon pa siya sa paligid na animo'y isang kawatan, maya-maya pa may kinalikot siya sa loob ng kotse ni Angelo, baket di niya ni-lock ang kotse niya? pero anong ginagawa ni Joshua?

"Pinaimbestigahan ng mga kapatid ko ang nangyare sa akin at yan ang naging resulta ng imbestigasyon, sorry to say but, ang boyfriend mo ang dahilan kung baket tayo naaksidente"- nakatingin lang ako selpon na paulit-ulit na nagp-play doon ang ginawa niya, akala ko ba nagbago na siya?

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن