CHAPTER 40

108 5 2
                                    

[SHECAINAH]

Isang pindot niya lang ay bumukas na ang gate ng bahay. Kakagaling lang namin sa bahay nila at dahil sa pag-uusap namin ng Mommy niya para akong nabunutan ng tinik

Strikta siya, elegante kung kumilos, may pagka-mean kung mag salita at tumingin, pero lumalambot siya pagdating sa mga anak niya

Ako kaya, paano ako maging mommy kapag magkaroon na kami ng-

"Baby!" Bulalas ko ng bigla niya akong buhatin "Gelo!"

"You called me baby?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin

"Hindi ah, ibaba mo na ako."

"Kung hindi ako, sino ang tinatawag mong baby, si Luffy? si Zoro?" Tinadyakan niya yung main door para mabuksan eto. Hindi niya magamit ang mga kamay niya dahil sa ka-artehan niya

Nagseselos pa nga sa anime?

"Si Zoro? si Luffy? Kung papipiliin ako sa kanila, magpapakamatay nalang ako." Ini-imagine ko yung mukha ni Luffy sa tuwing sumisigaw siya at yung mukha ni Zoro kapag nakikipaglaban

"AHHHHHH!" dalawa ang naging dahilan ng pagtili ko. Kilig dahil kay Luffy at Zoro. Gulat dahil sa biglaang paglapag sa akin ni Gelo sa sofa at kinubabawan ako

"Sinong baby mo?" Napaisip ako, sino nga ba? si Gelo? Zoro? o Luffy?

"Syempre, si baby Zach Shenno." kumunot ang noo niya. As in kunot na kunot talaga

"And who's that again?" Sinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya at tumawa tapo at linapit ko ang bibig ko sa tenga niya para bumulong

"Really, huh?" umalis na siya sa pagkakadagan sa akin at kinurot ang magkabila kong pisngi "you're thinking about that already?" Bumangon ako at tumabi sa kanya

"Naisip ko lang kanina habang nasa byahe tayo."

"Then, I agree with that. Si mommy na nag-isip eh." bahagya akong natawa sa sinabi niya

"Walang ambag si daddy."

"Meron, apelyedo ko." Umiwas ako ng tingin. Bigla akong kinilig kaya alam kong namumula na ang pisngi ko

"You're blushing! let sleep?" tumango lang ako at hindi na nagsalita

Nagising ako ng hating gabe dahil sa tunog ng selpon, at alam kong akin yun base sa ringtone

Mabibigat pa ang talukap ng mga mata ko habang sinasagot ang tawag

"Shen?"
"Hmmm..."
"Gaga, hindi mo nga alam! Birthday ni Gelo mo." sigaw ni Acey sa kabilang linya kaya nailayo ko ang selpon sa tenga ko
"Ano sabi mo ulit?"
"Birthday nga ni Gelo, pota ka!"
"Ahh-ANO?"
"Uulitin ko pa?"
"Oo, oo gets kona. Hala! Ano bang petsa ngayon?"
"October 30  "
"Sige, sige salamat."
"OTW  na kami."

Bago pa ako makasagot binaba na niya ang tawag. Halos magkanda tisod-tisod na ako sa pagmamadali. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit

It's just 3:00 am in the morning. Juskoo!

Habang wala pa sila naglinis muna ako ng bahay.

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Where stories live. Discover now