CHAPTER 27

43 3 0
                                    

[SHECAINAH]


Maaga palang nagising na kami ni Acey, mamayang 9:00 am pa ang flight namin at 6:00 am palang. Nakahanda na rin lahat ng dadalhin namin

7:30 am

Nakasakay na kami sa taxi patungong airport. Naalala ko noon. Noong mga high school palang kami madalas kapag nag paplano kami'ng lumabas o gumala hanggang plano lang kami.

Minsan kase hindi nakakasama si Xylene sa amin, hindi siya pinapayagan. Kaya hindi na rin kami natutuloy na apat. Meron ding hindi nagkakatugma ang mga free time namin. O hindi kaya wala talagang pera. Pero ngayon, sosyal! sa Boracay pa at parang wala ng may makakapigil pa sa amin ngayon

Pagkarating sa airport nakita agad namin si Xy sa waiting area, as usual siya palagi ang pinakamaaga sa amin. At tulad din ng inaasahan 8:20 at 8:30 na dumating sina Joy at Lhyca

"Wala ka talagang mapapala sa dalawang to." Acey, kasalukuyan na naming hinahatak ang maleta namin paakyat sa eroplanong sasakyan namin

"Yung otw nila, kakabangon palang."  Xy, natawa silang dalawa ni Acey at napa apir pa

Tabi kami ni Acey sa upuan, ako yung sa may daanan. May katabi pa kaming isang lalaki na nasa may bintana, kaya napapagitnaan namin si Acey nong lalaki.

Sa likuran naman namin silang tatlo. Nasa gitna si Joy, sa may daan si Xy, at si Lhyca sa may bintana

"Lhyc, dali na ako diyan. Gusto ko manood ng clouds~~~" linagyan niya pa ng kulot-kulot na masakit sa tenga

"Gaga, papagalitan tayo. Kung gusto mo manood doon ka sa pakpak ng eroplano!"  Xy, loves skies

Kaya napasimangot siya nalang siya. "I can exchange." Sabay kaming napalingon doon sa lalaki. Nakangiti siya habang nakatingin kay Xylene

" Eh?"

"I'm serious."

"Wag na, baka pagalitan pa tayo. Ok lang. Thanks,"

"Walang kayo" sabay na pagbatok ang ginawa ng dalawa niya'ng katabi sa kanya

"Ayy, kuya anong pangalan mo?" Tanong ni Acey

"Rennele, Nel for short."

"Magkakasama kayo?" Lumingon ulit siya kay Xylene

"Hindi."

Kumunot ang noo namin, "nakikita mo bang nasa iisang upuan lang kami? o nasa loob lang kami ng iisang damit?" Umiling yung lalaki

"Oh, hindi kami magkasama."

Natawa yung si Nel. Wag mo kasing tanongin ng obvious naman. Hindi maganda gising niyan broken pa

"I mean, magkakaibigan kayo?" Hindi talaga siya titigil

"Eto," turo niya kay Joy "lola ko to. Eto" - niya kay Acey "nanay ko. Eto naman." Turo niya sa akin "tita ko. At eto," kay Lhyca " ninang kong kuripot!"

Napatawa ng malakas ang lalaki kaya yung ibang pasahero nagising at nagalit. Kaming apat naman nakatingin lang kay Xy, pinag-iisipan kung ano ang gagawin namin sa kanya, lakas ng amats

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Where stories live. Discover now