CHAPTER 30

41 3 9
                                    

[SHECAINAH]


Kung pwede lang sana kaming manatili nalang doon sa Borac. Tamang chill lang parang wala lang problema, pero hindi eh. Kailangan naming harapin ang totoong buhay. Kailangan kong tanggapin na wala na sa akin ang taong nakasanayan ko na

Tapos na rin ang isang linggo na binigay sa akin ni Zynx na bakasyon.

Kaya ito ako ngayon sa apartment ni Acey nagluluto para makakain na ako at makapasok na sa Zecka

Wala si Acey dahil gabe ang duty niya at mamayang 7:00 am pa iyon uuwi. Maaga lang talaga ang flight ko ngayon. 5:00 am

Pagkatapos kong kumain, pinuntahan ko na si solid na matagal ko ng hindi napapaharurot. Kahapon sinubukan ko siya at wala paring pinagbago ang baby namin

"Hi, solid." Sumakay na ako at sinuot ang helmet. Hindi pa ako naka uniform dahil mahihirapan lang ako sa pag drive

Si solid ay isang MIO na sasakyan. Oh well hindi kami mayaman para bumili ng big bike. Pinagtulungan pa namin etong bayaran. Kapag kailangan ng isa, go lang

At ngayon na ako na ang may kailangan sa kanya. It's my turn

Bago ako umalis sinigurado ko munang hindi ma-aabo o mababawasan ang bahay ng bruha

Muntik na akong mapamura ng bigla nalang may sumulpot na kotse sa gilid ko, mabuti nalang at nakabig ko nang mabilis ang motor kaya hindi kami natamaan ni solid

"Pftt..." Binusinahan ko pa yung may-ari ng kotse kanina ng madaanan ko siya, umuusok ang kotse niya. Na over heat yata

Inis siyang napabaling sa akin. Sinubukan kong sumipol pero hindi pala ako marunong. Bago pa ako mabugahan ng matandang hukluban umalis na ako

Pagkarating ko sa airport. Napasimangot nalang ako. Mahirap talaga!

Pina pick up ko na muna si solid kay Lhyca dahil tatlong araw pa ako bago makauwi ulit

"So, how's the one week vacation?" Napalingon ako sa may cockpit

Sina Captain Cj, at Captain Daniel

"Ok lang, bitin."

"Good morning ladies and gentlemen This is your Captain Villon speaking: I would like you to welcome in Zecka International Airline, this flight number..."

Philippines to Canada kami ngayon. May stay over pa kaming one day and one night

Life cycle. Ganoon ang gawain ko sa loob ng siyam na buwan. At dahil mas malapit ang condo ni Joy sa Zecka lumipat ako sa kanya matapos ang isang buwang paninirahan ko kay Acey.

Sampong buwan na ang nakalipas, matapos naming maghiwalay ni Gelo, pero yung sugat nandito parin. Pero hindi na siya tulad ng dati na dumudugo, unti-unti na siyang naghihilom at malapit na akong maka move on

Yung pinangako kong bahay kina mama at papa malapit ng matapos. May second floor, maliit na swimming pool, modern din ang design niya hindi nga lang ganoon kalaki. Pero ang sabi nilang apat maganda raw

Yung rooftop nalang ang pinapagawa ko, at mag-iipon pa ako para mapapunta ko na sila dito sa Maynila

Grabeng pagtitipid ang ginawa ko para lang matupad ko ang pangarap at pangako ko para sa pamilya ko

"Hatid na kita." Habol sa akin ni Captain Cj, kakalapag lang ng eroplano at pauwi na ako. Matapos kong lumipat noon kay Joy 9 months ago hindi ko na nagamit pa si solid.

"Wag na. Kaya ko."

"I insist." Tumango nalang ako. For the past 3 months ganyan siya palagi. Hindi naman niya ako dinideritso tho. Parang alam ko na kung baket niya ginagawa ang mga ito

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Where stories live. Discover now