DIECINUEVE

275 13 0
                                    

Kahit anong sabihin ko ay hindi nagpatalo si Justin. Sumama siya papuntang ospital para makilala ang tumayong mga magulang ko sa lumipas na panahon.

He stepped out of his car then went round to open my door.

Sa likuran namin ay tahimik na pinapanood ni Mark ang ex boyfriend ko.

"Kamukhang kamukha ni AJ." Napapantastikuhang sambit nito.

Bago pa ako makasagot ay nagsalita siya ulit.

"Talaga palang wala na akong pag asa sayo Mai.."napalingon ako sa kanya.

Kumakamot siyang nag iwas ng tingin.

"Magmula ng maging close tayo.. magmula ng tulungan mo ako sa pag aalaga sa anak ko.. hindi ko napigilang gustuhin ka. You're a lovely person. A good mother. So naisip ko.. tutal.. gustong gusto ka ni Mavy.. baka lang kako.. magustuhan mo rin ako at tanggapin tutal gusto mo rin si Mavy ko.." namumula ang kanyang mga mata nang muli siyang tumingin sa akin.

"Mark.."hindi ko alam ang aking sasabihin.

He was a good friend of mine. I was there when he needed someone and he was there when I needed one too. Pero ni minsan, hindi ko inisip na sa ganito kami hahantong.

He was a great guy. He deserved better. He deserved a good woman. And clearly it wasn't me.

"Please Mark. Alam mo naman ang nakaraan ko.."

Nung mga panahong nacoma si Tatay ay naikwento ko ang aking nakaraan. At kung bakit bumalik sa buhay ko si Justin. Siya lamang ang nakakaalam lahat dahil siya lang naman ang nakakita kay Justin noon.

"Naiintindihan ko Mai." Nakangiti siyang tumango tango.

"Kahit hindi mo sabihin ay alam kong mahal mo pa rin yang gagong yan." Tumingin siya kay Justin na nakikipag usap sa cellphone.

Then he looked at me. "Gusto ko lang malaman mo na kung hindi mo na kaya, tatanggapin kita as a friend siyempre." Napangiti ako at hinila ang kanyang kamay para pisilin. He squeezed it back.

"May makikilala ka ring babae na mas mamahalin mo." Masuyo kong wika.

Napailing lang siya at ngumiwi.

"Mayron bang gugustuhin ang katulad ko na mahirap at may anak?Tsk."

Natawa ako. "You'll never know. Malay mo nasa tabi-tabi mo lang siya."

Natawa na rin ito.

Bago ko pa mabitawan ang kamay ni Mark ay bumukas na ang pintuan ng passenger seat.

Nakakunot ang noo ni Justin na dumukwang para sumulyap sa akin. I let go of Mark's hand.

"Why are you holding his hand hon?!" Galit niyang tanong. As if may karapatan siyang magalit.

Umirap lang ako. He pulled me out of his car then held my body close to him bago binalingan si Mark na lumabas na rin.

"Bakit pre?" Tila nanghahamon ng away na tanong ni Justin sa aking kaibigan.

AMAIAWhere stories live. Discover now