UNO

852 11 0
                                    

I am the Lord thy God: thou shalt not have strange Gods before me

-The Ten Commandments

"Mai!"nagmamadaling lumapit sa akin si Karlito aka Kelsey. Isa siya sa mga kaibigan ko sa parokya.

"Anong mayron?" Nakangiti kong tanong sa aking kaibigan. Gwapo sana siya kung hindi lang mas babaeng kumilos kaysa sa akin. Matangkad, lean, at medyo may kahabaan ang buhok. Moreno din.

"Si Lisha sasali sa Santacruzan. Bakit hindi ka sumali?" Tanong niya.

Napanguso ako. Isa si Lisha sa mga nakagalit ko mula ng tumigil ako sa pagsamba sa Katoliko. Hindi daw niya magagawang kaibiganin ang isang katulad kong sumasamba sa pekeng Dyos.

"Hayaan mo siya. Sana manalo siya." Nakangiti kong saad nang makabawi.

Mula noon hanggang nakaraang taon ay ako ang Reyna Elena ng SantaCruzan. Ngayon ay hindi na ako makasali dahil iba na ang religion ko at hindi naman ako nagsisisi.

"Hay nako! Kaimbyerna yun. Kung anu-anong naririnig kong paninira niya sayo. Na kesyo, demonyo kayo ng pamilya mo. Na kaya ka laging napipili dahil satanist ka."he rolled his eyes.

Natawa na ako at umabrisyete. Humawak naman siya sa braso ko.

"Hayaan mo na. Teka, marami akong nagawang ube halaya kagabi. Baka gusto mong magdala sa inyo."

"Thank you. The best talaga yung ube mo."he exclaimed.

Naglakad na kami papasok sa mapunong daan. Our house was sitted in the middle of a forest.

"Pero sayang no.. Ikaw na naman sana ang Reyna.."tila nag isip si Kelsey.

"Hindi kaba nagsisisi na nawalan ka ng kaibigan? Dati.. sikat na sikat ka.."he added.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala akong pagsisising nararamdaman.

Mahal ko ang bago kong relihiyon. Kontento ako. Tsaka bakit ako sasamba sa isang Diyos na may masasamang myembro?

Napabuntong hininga ako. "ikaw ba nagsisisi?" I asked him back. Gaya ko, magmula ng sumali siya sa amin ay nawalan na rin siya ng mga kaibigan.

Kaming dalawa na lang ang laging nagkukuwentuhan at nagkakasama.

People treated us like we had
some kind of disease just because we had different beliefs.

Hindi ba pwedeng irespeto nila ang bawat desisyon ng isang tao?

They couldn't judge a person by their religion anyway. 

"Nako! Hindi no! Ikaw lang naman talaga ang nararamdaman kong totoo sa akin kaya bakit ako magsisisi? Bahala na sina Lisha dyan. Maitim naman ang singit nun." He rolled his eyes again.

"Hoy! Nakita mo na?!" Nandidilat kong tanong.

Umakto siyang parang nasusuka. "Kaderder nga eh. Bigla na lang nagpakita ng kanya sa akin. Akala naman niya yung kaitiman ng singit niya ang magpapastraight sa akin. Eiw." Maarte niyang sabi.

Natawa ako at tumitig na sa daanan namin.  Ilang minuto rin kaming naglakad ng tahimik nang maramdaman ko ang panay niyang pagtingin sa akin. Nang hindi na ako makatiis ay lumingon ako sa kanya.

Nagtama ang mga tingin namin. Nakita ko ang bahagyang pamumula niya.

"Anong iniisip mo?" I asked.

Napakamot siya. "Ikaw kaya? Kumikinang yung kutis mo. Maitim din ba yung singit mo?"

Nasamid ako kahit wala akong iniinom. "Gago!" I laughed. He laughed too.

"Pero yung totoo. Maraming may gusto sayong classmates natin at mga higher years.. ang ganda mo kasi..mapupungay yung mga mata mo. Maliit at cute yang ilong mo. Tapos yung mga labi mo, pout at mala- bow ni cupid yung shape. Mapupula din." Tila wala sa loob niyang pangde-describe sa mukha ko.

AMAIAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt