SEIS

293 9 0
                                    

"Ano? Wala pa ba?" Tanong ni David. Ang boyfriend ko.

Napakagat ako ng ibabang labi at inisip kung anong dapat isagot sa kanyang tanong.

"Kailangan na kailangan naba talaga?" I asked. Nag aalangan.

Galit na napamura sa kabilang linya si David.

"Ano ba naman yan Mai! Nangako ka sa akin! Gawan mo ng paraan!" He shouted.

Napahikbi ako. Ayaw kong magalit na naman siya sa akin. Kakabati lang namin nung nakaraan.

"B-bukas.. p-pangako babe."hikbi ko.

"Okay. Sige na. Nandito na yung mga tropa ko." He then ended the call.

Napatingin ako sa aking cellphone.

Hindi ko alam kung mahal pa ba niya ako..

I felt the emptiness again in my heart at how he treats me.

Muli kong inalala ang mga nangyari sa akin pitong taon na ang nakararaan.

After Paul left, I was devastated.

Hindi ko inakalang mahal ko na pala yung batang iyon.

I left my job dahil hindi ko kayang pakiharapan sina Mildred. Kahit wala silang sinasabi ay alam kong sinisisi nila ako sa nangyari.

Dahil sa pag alis ko, pati si Art ay nawala din.

Yung naipon ko sa bangko ay unti unting naubos dahil hindi ako nakahanap ng maayos na trabaho.

Then three years ago, I ended up working in the bar again.

Doon, nakilala ko sa bagong bar si David. Waiter siya.

Gwapo, simpatiko at bata din gaya ni Paul. Maraming may gusto sa kanya pero ako ang pinili niya. I felt lucky and flattered. Walang pag-aatubiling sinagot ko siya thinking that I would lose him too gaya ni Paul kung hindi ako kikilos.

Everything was fine. He seemed distant and cold pero kapag kami naman na, sweet siya sa akin.

Habang nagtatrabaho ako, naaksidente si David sa motor niya. Kaya ang nangyari sa awa ko sa boyfriend ko, ako ang nagsustento sa kanya. Wala namang kaso sa akin yun.

Nung gumaling siya, hindi na siya nakabalik sa trabaho kaya naki usap na lang siyang pag aralin ko.

He said that once he finished his vocation, siya naman na ang magtatrabaho para sa amin.

Ang saya ko nun. Umoo ako agad at ginastusan siya. I looked for an apartment near his college. I paid for his tuition fees too. Lahat ako ang gumastos.

Then last year, he made me stop visiting him. Sa school man or sa apartment. Siya na lang daw ang bibisita sa akin para hindi ako maipit sa traffic. Kinilig pa ako sa sinabi niya.

Hindi kasi siya masyadong affectionate kaya bawat sweet things na sinasabi at ginagawa niya, natutuwa ako.

Nung una, every weekend siya kung pumasyal. Saturday at Sunday. Then naging once a week na lang. Hanggang sa dumalang.

Nung nagtanong ako, nagalit siya sa akin. He said mahirap daw yung course na kinuha niya kaya kailangan niyang mag aral ng mabuti.

Para hindi na kami mag away, hinayaan ko na lang siya.

Then a week after our fight na hindi siya tumatawag, nagpakita siya sa bar na pinagtatrabahuan ko.

Humingi ng sorry. Syempre mahal ko, pinatawad ko.

Then naging ayos ulit. We were happy. But then napansin ko kung dati distant lang siya kapag may mga tao, ngayon kahit kami na lang dalawa hindi na rin siya sweet. Sinubukan ko siyang unawain ulit. Marahil marami siyang iniisip tungkol sa school niya.

AMAIAWhere stories live. Discover now