CHAPTER 15

2.3M 41.1K 9.1K
                                    

CHAPTER 15

"KRIZZY BABY, chill ka lang," anang boses ni Lath habang nagmamaneho ito. Hindi alam ni Krisz kung saan siya dadalhin ng kaibigan at wala siyang pakialam kung saan. "Nakita mo naman na tinulak ni Wolkzbin diba? I was there and I saw it. Huwag kang assuming. Huwag mong hayaang ang babaeng 'yon na sirain ang relasyon niyo ni Wolkzbin bilang mag-asawa."

Hindi siya umimik. Oo, nakita ng dalawang mata niya na itinulak ni Train si Trina pero masakit pa rin makita na may ibang babaeng humalik sa asawa niya. Parang may pumitas sa puso niya at niyurakan iyon ng paulit-ulit. Alam niyang OA ang reaksiyon niya pero hindi e, masakit talaga.

Ganoon yata ang pagmamahal e, sobra-sobra ang sakit kahit ang tingin ng iba, hindi iyon big deal. Pero para sa taong nagmamahal, big deal 'yon.

Natigilan siya sa pag-iisip ng tumigil ang sasakyan ni Lath sa mataas na gusali kung saan nasa tuktok niyon ang penthouse ni Train.

"Thank you," aniya sa kaibigan.

Kinuha ni Lath ang kamay niya na nakapatong sa hita niya at pinisil iyon. "Everything will be fine, Krizzy baby. Just give it time."

"Paano mo naman nasabi 'yon?"

"I just know." Nginitian siya nito. "I know Wolkzbin. Hindi man kami ganoon ka close pero kahit papaano ay matatawag ko siyang isa sa mga kaibigan ko rito sa mundong ginagalawan na'tin. He's a good guy. Give him chance to explain himself."

"I'll try."

"That's good enough." Pinanggigilan nito ang pisngi niya. "Sige, akyat ka na."

Pilit niyang nginitian ang kaibigan saka lumabas ng sasakyan nito. Pumasok siya sa gusali at deretsong naglakad patungong elevator.

Nang makarating siya sa penthouse ni Train, binuksan niya iyon gamit ang key-card niya. Pagkapasok niya sa loob ng penthouse, nagbihis siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng ice cream. She felt like eating ice cream today. She grabbed a strawberry flavored one from the refrigerator. As Krisz savored the ice cream, feeling niya broken hearted na broken hearted siya.

Letse!

Ilang minuto lang ang lumipas mula ng simulan niyang simutin ang strawberry ice cream ng marinig niyang bumukas ang pinto ng penthouse. Alam niyang si Train ang nagbukas niyon dahil ito lang naman ang may susi maliban sa kanya.

Ilang segundo lang ang binilang niya, pumasok si Train sa kusina. Nang makita siya nito, kaagad na lumapit ito sa kanya ay niyakap siya ng mahigpit.

"Bakit mo ako iniwan doon sa racetrack? Hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag," Anito habang yakap siya.

Umirap siya sa hangin at sumubo ng isang kutsarang ice cream. "Ano naman ang gawin ko, titigan kayo habang naghahalikan?"

Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap. "Hindi ko naman gusto ang ginawa niya. I pushed her away, nakita mo naman 'yon diba?"

Oo, nakita nga niya. Pero masakit pa rin kasi mahal niya ito. At hindi iyon maiintindihan ng kaharap dahil hindi naman siya nito mahal. Alam niyang gusto lang nitong magpaliwanag dahil ayaw nitong makipaghiwalay siya dahil magagalit ang ama nito at may posibilidad na ma heart attack na naman ito. 'Yon lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit parang nangangamba ito na galit siya rito.

His father meant so much to him to the point na napilitan itong magpakasal sa kaniya para sa ama nito.

Tinikis niya ang sarili sa loob ng isang linggo. Miss na miss na niya ito pero dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya, nasaktan ang puso niya at hindi niya ito kinibo. Ngayon, naisip niya na tama na ang pagpapahirap sa sarili niya.

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon