CHAPTER 13

1.9M 39.7K 11.6K
                                    

CHAPTER 13

SINUNOD ni Krisz ang sinabi ni Train. Tinawagan niya ang asawa ng gusto na niyang umuwi. Pero hindi ito sumagot. Ring lang ng ring ang cell phone nito kaya naman si Boggy ang tinawagan niya. Malapit nang mag alas-sais ng gabi at wala nang tao sa building na iyon kaya kailangan na talaga niyang umuwi.

Nakahinga siya ng maluwang ng sinagot ni Boggy ang tawag niya.

"Hello, Boggy?" Aniya sa kabilang linya.

"Magandang gabi, Miss Krisz. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Anang tanong ni Boggy mula sa kabilang linya.

Nagdalawang isip siya kung magtatanong ba siya, pero sa bandang huli, nagtanong din siya. "Alam mo ba kung nasaan si Train? Kanina ko pa kasi siyang tinatawagan, hindi niya sinasagot ang tawag ko."

"Nakipag-dinner po siya kay Miss Trina Lopez. Hindi niya po ba pinaalam sa inyo?"

Parang may tumarak na punyal sa puso niya sa narinig. "S-Sinabi niya. N-Nakalimutan ko lang." Tumikhim siya para mawala ang bara sa lalamunan niya. "Alam mo ba kung saang restaurant sila pumunta? Hindi nasabi sa akin ni Train, e," pagsisinungalinga niya.

"Naku, hindi po 'yon sa restaurant. Inimbitahan siya ni Miss Trina sa penthouse niya."

Nanginig ang mga labi niya, nanunubig ang mga mata niya. "Sige, salamat." Mabilis niyang tinapos ang tawag at sinapo ang bibig niya ng may hikbing lumabas mula roon.

Ayaw niyang umiyak kaya pinigilan niya ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Hindi ako iiyak! Fuck it!

Nanlilisik ang mata ng pumasok sa isip niya ang posibling ginagawa ng dalawa ngayon. Humanda ka sa akin, Train. Sinabihan na kitang huwag akong lulukohin!

Peste talaga ang babaeng 'yon! Haliparot! Ang lalaking 'yon naman! May asawa na nga pero naghahanap pa ng iba! Letse!

Nagdadabog na lumabas siya ng kaniyang opisina at umuwi sa penthouse ni Train. Nag-commute lang siya dahil hindi naman niya dala ang kaniyang kotse. Mabuti nalang at ibinigay sa kanya sa information desk ang inorder ni Train na spare key-card para sa penthouse nito kaya nakapasok siya.

Panay ang pagtatagis ng bagang ni Krisz habang nasa kusina. Dahil wala siyang ganang kumain, cup noodles ang napagdiskitahan niyang lutuin. Kung pagluluto nga ang tawag sa paglalagay ng mainit na tubig sa cup noodles.

Habang kinakain ang noodles, hindi niya mapigilang mapaluha ng kaunti. Nakakainis! Inaamin pa nga lang niya sa sarili niya na mahal niya ang asawa, saka naman may haliparot na gustong umiksina. At ang asawa naman niya, hindi man lang nito iniisip ang mararamdaman niya.

Trina was probably laughing right now. Pinagtatawanan siya nito dahil madali siya nitong naakit at napaniwala. They were now probably in bed, enjoying each other body— "Argh!" Sigaw niya para ilabas ang panggigigil at galit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Kailangan niyang mailabas 'yon kundi sasabog siya kapag nakaharap na niya si Train.

Mabilis niyang tinungo ang silid nila at kinuha ang cellphone niya sa handbag niya. Nagmamadaling tinawagan niya si Lath. Nang sagutin nito ang tawag, bigla nalang siyang pumalahaw ng iyak.

"What the fuck happened, Krizzy baby?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.

Humihikbi na sumagot siya. "I'm in love with him, Lath. I'm in love with Train."

"Oh, e, bakit ka umiiyak? Tears of joy na finally na realized mo na in love ka?"

Napahikbi siya ulit. "Pero hindi naman niya ako mahal."

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon