CHAPTER 3

2.4M 46K 12.5K
                                    

CHAPTER 3

KITANG-KITA ni Krisz ang pagbadha ng gulat sa mukha ni Train dahil sa sinabi niya. Pero wala siyang pakialam do'n. Dahil siguro iyon sa esperito ng alak na ngayon ay namamahay sa katawan niya. Namumungay ang mata niya dahil medyo may karamihan din ang tequilla na nainom niya. Dumaan muna siya sa isang bar bago nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta rito sa penthouse ng binata. Kailangan niya ng lakas ng loob sa balak gawin kaya naman uminom siya ng alak dahil doon niya makukuha ang lakas ng loob na kailangan.

Krisz didn't consult her best friend before doing this. Alam naman kasi niya kung anong sasabihin nito at alam niyang tututol ito sa plano niya. At hindi niya hahayaang may pumigil sa kanya para maisakatuparan ang plano niya.

Krisz knew how her parents worked hard to build the Romero's Chains Of Hospitals. At ngayong siya na ang namamahala sa business nila, gagawin din niya ang lahat para mapalago iyong muli. Hindi niya hahayaang siya ang magiging dahilan ng pagbagsak ng kompanya ng pamilya niya.

Lumapit sa kanya si Train at pinakatitigan ang mukha niya. "Pretty." Tuluyan nitong binuksan ang pinto ng penthouse at hinila siya papasok. Pagkatapos nitong isara ang pinto, hinila na naman siya nito patungo sa kusina kung saan may binasa itong cloth at pinahid iyon sa mukha niya. Nakakunot ang nuo niya at naguguluhan habang pinipunasan nito ang mukha niya. Oo ng at medyo tinamaan siya sa alak na ininom pero hindi pa naman siya ganoon kalasing para hindi malamang ang nangyayari sa paligid niya.

The washed cloth removed her make-up and lipstick. Nang matapos si Train sa ginagawang pagtanggal sa make-up niya, mataman siya nitong tinitigan.

"There," anito at matiim siyang tinitigan. "Mas maganda ka kapag walang make up. And next time, please, don't wear a sexy dress. I don't like it. Ty takaya krasivaya in anything you wear."

Hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito. "Anong sinabi mo?"

"It's Russian." Inilapag nito ang washed cloth sa lababo at ibinalik ang atensiyon sa kanya. "Now, anong proposal ang sinasabi mo? If this is about marrying you again, forget it."

Nasaktan ang ego niya bilang isang babae sa sinabi nito pero hindi niya pinahalata. "I need your surname, Wolkzbin. Iyon ang kailangan ng kompanya namin, hindi ang fifty million mo."

Malalim itong huminga. "I can't give you my surname, Krisz Romero. Para maibigay ko 'yon, kailangan nating magpakasal. Fifty million lang ang kaya kong ibigay sayo, hindi ang apelyido ko."

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ko naman sinasabihing ibigay mo sa akin ang apelyido mo. I'm not proposing you to marry me. I'm just saying that I need your surname."

"Enlighten me then, Iyubov moya?"

Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito na hindi niya naintindihan. "Gusto kong makialam ka sa pamamahala sa kompanya namin kahit pansamantala lang. Your surname alone can attract thousands of investors. Kapag nalaman nila na kasama ka sa namamahala sa Romero's Chain Of Hospitals, siguradong makikilalang muli ang kompanya naming at lalago."

"In short, gagamitin mo ako" Inilagay nito ang hintuturo sa baba niya at iniangat ang mukha niya para magtama ang mga mata nila. "What could I possibly gain kapag ginawa ko ang gusto mo?"

"Nothing much, actually. Alam kong hindi mo na pagaaksayahan ng panahon kung ano man ang kikitain mo sa kompanya namin. But—" Nag-aalinlangan siyang sabihin pero naglakas loob siya. "You can have me in return for your aid. I will warm your bed and do everything you desire."

Nawala ang emosyon sa mga mata nito kapagkuwan ay kumunot ang nuo nito at inamoy ang hininga niya. "Nakainom ka ba?"

Mabilis siyang umiling para ikaila ang sinabi nito. "Hindi."

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon