I saw Paeng talking with the nurses on the alley. Saya nya ha!

"Love!"

"Love?"

I smiled. He opened his arms so I came to him and hug him. Nagexcuse naman agad yung nurse at umalis.

"Ganda nun ah?!"

"Alin?"

"Yung kausap mo kanina."

"May mas gaganda pa ba naman sayo?"

"Tse. Sayang saya ka nga kanina."

"Sus. Wag na magselos Love, sa mga mata ko, ikaw ang pinakapinanakapinaka maganda!"

I smiled and sighed.

"Matagal ka pa?"

"Miss mo ako?"

"Miss ka jan, may kailangan tayo pag-usapan."

"Okay, mag-out na lang ako. Halika."

"Bakit sasama pa ako?"

"Syempre para yes agad."

He stopped by a corner and washed his hands with alcohol. Then he held my hand and washed it too.

"Para sure na walang germs."

"Paeng!"

He laughed. Haii nako. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin. Pero mukhang head nya ang nagclinic dito.

"Hi, Doc Jas!"

"Yes, Doc Raphael?"

He pulled me inside the room.

"Hello po!"

"Oh My God! Aiesa Seigfreid in flesh!"

I smile widely.

"Doc Jas, kita mo naman, sinundo pa ako ng pinakamamahal ko. Love, ipagpaalam mo naman ako."

Ipapahamak talaga ako neto ni Paeng eh.

"Sinusundo mo?"

"Opo, miss ko na po kasi. May sunod sunod po kasi akong shoot eh."

"Totoo ba?"

"Ayaw mo kasi maniwala Doc Jas, na mahal ako neto eh. Alam mo Love, basher ng pagmamahalan natin si Doc Jas. Siguro sya yung nagpapakalat ng pangit na issues tungkol sa atin."

Hinampas ko si Paeng kasi mukhang nambibwiset pa eh itong sya ang nagpapaalam.

"Ms. Aiesa, sana naghanap ka ng iba."

"Opo nga po eh, nagayuma ata po ako."

"Love, baka nakakalimutan mong ikaw ang nanligaw sa akin?"

"Kapal mo ha!"

"Haii nako Ms. Aiesa, humanap ka na ng iba."

I just smiled.

"Osige na, kundi dahil kay Ms. Aiesa hindi kita papayagan. Ms. Aiesa, papicture naman po please."

"Hindi pwede ang basher."

"Paeng!"

"Hindi kita papayagan kapag walang picture!"

"Sige na nga. Pero wag ka na basher Doc Jas ha."

"Oona, picturan mo na kami."

Paeng happily take us a picture then we left the hospital. I drove us to a Korean bbq restaurant kasi dun daw nya gusto.

"Ang usok naman dito, after natin kumain amoy bbq na din tayo."

"Edi masarap na tayo kainin nun."

"Baliw."

Tinitingnan ko si Paeng habang matyaga nyang niluluto lahat. Kung magpapakasal kami, hindi naman ako lugi sa kanya. Loko loko lang naman ito pero hindi naman masamang tao. Infact, he's a good guy. A very good guy in fact.

I am enjoying the side dishes. Namimiss ko si Nana. She used to love all of this Korean thingy. I remember those times, she kidnaps me, Myelle and Sab tapos nagpunta kami SoKor. Wala kaming dalang gamit, kaya dun na lang kami namili.

"Nakangiti ka jan."

"Namimiss ko lang si Nana."

"Ah, yung Lola mong mabait."

"Hindi mabait yun nako!"

"Mabait yun, minsan chinachat ako nun eh."

"Nagkakausap kayo?"

"Oo naman."

"Totoo?"

"Oo! Video call pa nga eh. Teka, ipapakita ko sayo ang screen shot."

Paeng showed me a screenshot wherein he and my Nana was really video calling! Sobrang nakangiti pa si Nana sa screenshot na yun ha! Kakaiba naman talaga itong lalaking ito!

"My God!"

"Tinatanong nya ako kelan daw ako pupunta sa Germany."

"Anong sagot mo?"

"Kapag gusto na po akong isama ng apo nyo?"

"Yun ang sinabi mo?"

"Yeah."

"Nakakainis ka! Baka isipin ni Nana ayaw lang kitang isama."

"Exactly."

Haii nako talaga. Hindi ko na lang masyadong pinansin tong si Paeng. Baka magulat na lang ako pati si Lolo kinakausap na rin nya. We finished eating. Ako, kumain lang talaga, si Paeng, sya ang naghimay ng shrimp at nagluto ng lahat. I was about to pay pero hindi ako pinayagan ni Paeng. Oh well, that crazy guy. He actually never let me spend a single dime basta magkasama kaming dalawa.

Ibinalik ko rin naman sya sa ospital. Sabi nya kasi dun na lang daw kami mag-usap sa may park malapit sa ospital.

"Tea?"

"Hindi ka ba nabusog?"

"Well, green tea would help your digestion."

Tinanggap ko yung tsaa na inaabot nya sa akin.

"Bakit mo ako pinuntahan?"

"Paeng, how far can you go to keep everything you've worked hard for?"

"May problema ba?"

Iniabot ko sa kanya ang phone ko at ipinakita sa kanya yung blind item na ako at sya ang tinutukoy.

"Anong naiisip mo Ayie?"

I sighed.

"Iniisip ko ang sagot sa tanong nila."

"And?"

"And I don't know how to answer."

"Ano bang makakapagpasaya sayo?"

I sighed.

"Paeng alam mo, I realized that happiness doesn't mean everything is going to be fine. I rather want to be okay than be happy."

"What would make you okay?"

I smiled painfully.

"Me, staying in this life."

Paeng offered his hand.

"Gusto mo na ba ako pakasalan?"

"Paeng, matatali ka sa akin. Madadamay ka. Marami ang huhusga sa'yo, ang gugulo sa'yo. Kahit saan ka pumunta, mayroon at mayroong nakatingin sa lahat ng gagawin mo, mayroong magbabatay sa lahat ng kilos mo."

"Ayie, nangako ako noon diba? I told you. I told you we'll do this. I promised right? Would you want to marry me now?"

I closed my eyes. Take a deep breath and accepted his hand.

"Papakasalan kita. Ako?"

"Magiging Misis ko."

Paeng smiled, kissed my head, and hugged me tightly. I hope I could give him something back because honestly, he is giving up his all for me. 

Now, how am I going to tell this to my father who was praying for me not to marry soon?

DesugaredWhere stories live. Discover now