DIECISIETE

190 10 0
                                    

Kahit nanghihina sa kakaiyak ay pinilit kong tumayo.

Lumapit siya sa akin.

Agad akong umatras para umiwas sa balak nyang paghawak.

"H'wag na H'wag mo akong hahawakan!" Sigaw ko.

He put his hand down then pocketed it while clenching his jaw.

"What are you talking about-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay tumunog na ang aking cellphone.

Nanginginig na hinalungkat ko ang aking cellphone sa bag.

I found Nanay's number on my screen.

Bigla akong kinabahan na ewan.

"Anak.."umiiyak na bungad ni Nanay sa akin pagkasagot ko ng tawag niya.

Napahigpit ang hawak ko at napalunok.

"Nay..b-bakit po?"kinakabahan kong tanong.

"Si Tatay mo anak.."humagulgol ito.

"N-napano po si Tatay..?"halos hindi ko na masabi. Muling tumulo ang aking mga luha.

Nang maramdaman kong lumapit si Justin ay tinitigan ko siya ng matalim. May pag aalala na sa kanyang mukha.

I stepped back.

Pag aalala?

Tangina niya.

Muli kong tinignan ang oras sa aking cellphone at nang makitang alas otso na ay tumalikod na ako at patakbong in-unlock ang pintuan.

"Amaia! Wait up!" Sumunod sa akin si Justin.

"Si Tatay mo. Nadisgrasya yung tricycle na sinasakyan niya." Muntik na akong mapaluhod sa narinig buti na lang nakakapit ako sa pader.

"Hey.."masuyong sambit ni Justin sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso para patayuin ng maayos.

"Saang ospital po siya ngayon?" Tanong ko sa mahina at nanginginig na boses at hinawi ang kamay ni Justin na nakahawak sa akin. He sighed.

"Sa Governor's Hospital anak! Anak.."halata ang helplessness at pag aalala sa boses ni Nanay.

Kumikirot ang puso ko sa kamalasan namin..

Ano ba to..

Asan ba ang Diyos na pinagmamalaki ng mga tao?

Bakit hindi niya nailigtas ang tatay ko?

Bakit ni minsan.. hindi ito nagparamdam sa akin? Sa amin?

May kinikilingan ba siya?

Kailangan ba..

Maging hipokrito din ako gaya ng mga taong nagki-claim na may diyos sila pero nanunog ng inosenteng mga tao?

Kailangan ba pumatay din ako ng mga taong hindi naniniwala sa kanya para lang mapatunayan ko na mabuti akong katoliko?

Napaluha ako.

Unfair..

He was so unfair..

"Pupunta na po ako Nay.." umiiyak kong sagot.

"Papunta na si Mark dyan para sunduin ka anak."

"Salamat po. Magkita na lang po tayo sa ospital." I murmured.

Ang sakit sakit talaga ng puso ko.

Hindi tinitignan na nilagpasan ko si Justin. He walked by my side.

"Are you okay? Do you want me to drive you to the hospital?" He asked.

Nang hindi ako sumagot ay hinila niya ako sa braso.

AMAIAWhere stories live. Discover now