"Maupo kana dito at kumain Chana. Baka malate pa kayo sa klase nyo." Sabi pa ni mama at ipinag handa na ako. "Sya nga pala nak. Sumabay ka na kay Heatrix sa pag pasok at pag uwi dahil may event na gagawin sa resto, malalate ako ng uwi, hindi kita masusundo."

"Kaya ko pong mag isa ma." Mabilis na angal ko pa. Ayoko ngang makasama si Heatrix eh! Aanuhin na naman ako nyan! 'Aanuhin Kristiana?' yung ano ba, yung hahali-- ah basta! Yun na yun!

"Anak please? Ayokong mapahamak ka pa ulit." Pag mamakaawa pa nito. Ano pa nga bang magagawa ko? Ginamitan na ako ng please tapos nag papaawa pa. Haist!

"Aish! Oo na po." Pag payag ko atsaka na kumain. Bahala na talaga.

"Yes!" Sabi pa nito na akala mo sinagot ng nililigawan kung maka react. Yung isa naman ngiting-ngiti na nag patuloy na sa pag kain nya.

Grabe na yung trip nito ah!

-

Tahimik kaming sumakay ng kotse nya. Bigla namang uminit yung mag kabilang pisngi ko ng makapasok na ulit ako dito.

'Bwisit naman oh!' kalma lang self. Tss.

Isang beses pa muna akong huminga ng malalim para pakalmahin yung loob ko dahil sa biglaang pag flashback nung nangyare nung nakaraan dito. Shemay!

Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa makapag park sya sa parking lot ng school.

Pinatay na nito yung makina pero hindi pa din ito kumikilos papalabas, sumandal pa ito sa kinauupuan at tumingin sa gawi ko. Napakunot naman yung noo ko sa ginawa nito, imbis na lumabas na ng kotse. Gusto ko na sanang lumabas eh, kaso naman hindi pa bukas naka lock pa din, at wala yatang balak buksan nitong katabi ko. Tsk.

"Hindi ko nagustuhan yung sinabi mo." Biglang sabi nito ng hindi manlang kumurap at mataman lang ako nitong tinitignan. Ang alin naman? Pinag sasabi nito?

"Alin?... Ah! Yung hindi kita magugustuhan? T-totoo naman ah!" Tapang-tapangang sabi ko pa. Pero ang totoo gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil sa paraan ng pag titig nito sa akin.

Nakatingin ito sa akin na para bang kaya ako nitong putulan ng hininga. Bahagya naman akong napakagat sa pisngi ko sa intense na pag kakatitig nito at sunod-sunod ding lumunok.

Taena katapusan ko na ba?

"Fine... Hindi ko pipiliting magustuhan mo ako." Pag suko nito. Nakahinga naman ako ng maluwang nang hindi na ganon ka-intense yung tingin nya. "Pero sisiguraduhin kong mamahalin mo ako." Seryosong sabi nito atsaka na inunlocked na yung kotse nito, at nauna ng bumaba.

At ako? Eto tulala, naka nganga pa! Si Heatrix ba yun?! Seryoso ba sya?... Pero hindi! Pinag titripan lang ako nyan! Tsk!

'Kristiana, wag mag papadala nako!' Tama si Rain, paniguradong masasaktan ka lang sa huli pag sya yung minahal mo.

Si Heatrix Monterde sya at isang Kristiana Buenaagua lang ako. Sikat yun at maraming nakakandarapa pang mas maganda at mas sexy pa sayo. Katulad nung limang nang bugbog sayo. Ayun yung mga nababagay kay Heatrix tsk.

Atsaka si Heatrix mag kakagusto sa akin? Ang pilingera ko naman kung ganon! Ni wala nga syang nababanggit eh, so meaning pinag titripan nya nga lang ako.

So ano? Pag nainlove nga ako sa kanya, anong gagawin nya? Iiwan nya ganon?  Dahil nga eh kumagat ako sa gusto nya?

So no Heatrix. I will not let my self fall for you...

Bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Bakit hindi iyon tanggap ng sistema ko?

Parang tanga namang ginulo ko yung buhok ko sa sobrang litong nararamdaman ko. Kainis!!

Heatrix Monterde (GXG)Where stories live. Discover now