Chapter 25.5: First Dance

Comincia dall'inizio
                                    

          "Ano ka ba. Hindi mangyayari yun. Paranoid ka alam mo yun?"

          He give me a slight smile.

          "Hindi mo ako masisisi kung maging paranoid ako Hanna. Lahat naman ng in love paranoid." sabi nito. "At isa pa, you already have my heart, you can break it whenever you want. You can easily hurt me Hanna. You can even destroy me if you want."

          Muli syang ngumiti sa akin.

          "Sorry for being gay. Hindi ko maiwasan eh!" pilit na tawa pang sabi nya.

          "Sinagot na nga kita di ba? Hindi pa ba sapat iyon?"

          "But you did not say I love you to me..."

          Natigilan ako sa sinabi nya. Teka! Hindi ko nga ba sinabi iyon?

          I saw a little sadness in his eyes. Bipolar talaga 'to! Kanina tumatawa pa sya tapos ngayon nagdadrama then lungkot-lungkutan ang drama. Ano ba talaga Viel? Yung totoo?!

          Oo nga pala. Girlfriend na nga pala ako nitong bipolar na 'to. Ano kayang magandang gawin to say those three little but hard words?

          "F*CK! DON'T TOUCH ME B*TCH!"

          Napatingin kami bigla sa nagsalita at nakita namin sa isang sulok malapit sa pwesto namin si JD while he's trying to get rid of a girl who is asking him to dance.

          "I DON'T DANCE SO DON'T PUSH YOU LUCK YOU FREAK!" sabi nito saka marahas na tinulak yung girl saka umalis sa lugar na iyon.

          Hala! Ginalit nyo si JD! Lagot! Lagot kayo—tama! Yung Dance!

          "Halika!" sabi ko kay Viel sabay hila sa kanya patayo.

          "Huh?!" ani nito saka hindi nagpapatinag sa paghihila ko. "Saan ka na naman pupunta? Dito ka lang sabi eh!"

          "Eh! Bilisan mo na! Tumayo ka na dyan!"

          "Ayoko."

          Para kaming tanga na naghihilaan sa may bleachers. Agaw eksena na naman kami tuloy. Tsk! Bahala na!

          "Tumayo ka na!"

          "Ayoko ko nga sabi eh!"

          Ang kulit ng taong 'to!

          "Kapag hindi ka pa tumayo dyan, makikipaghiwalay ako sa'yo!" biglang sabi ko.

          Nakita kong nanlaki ang mata nya saka biglang napatayo. Ayan! Tatayo ka din pala eh!

          "You can't do that!"

          Huh?! Do what?

          "YOU CAN'T BREAK UP WITH ME HANNA!"

          Then to my surprise, he suddenly hug me. Ang higpit ng hawak nya sa akin. Para na nga akong mapipisa eh!

          "I won't allow you to break up with me!"

          Huh? Ano daw? Bakit? Ano bang nasabi ko? Haist!

          "Kung ganoon naman pala, tumayo ka na dyan!" hila ko sa kanya. May nasabi ba akong weird?

          He just follow my lead like a good little boy saka ko sya dinala sa may center. At sakto naman, pagpwesto namin doon, biglang naging sweet yung music. What the?!

My Ex, My ProfessorDove le storie prendono vita. Scoprilo ora