Chapter 25: Selos

Start from the beginning
                                    

Nanahimik na lang ako di ko na kasi alam ang ito-topic ko kay Bethina. Nang bigla siyang mag salita muli,

"Serah, gusto mo sumama ka na lang sa aming Group" bigla akong napatingin sa kanya, totoo? Isasama nya ako sa grupo nila. Hindi naman sa ayaw kong sumali pero kasi sila yung tinanungan ko nung First Day about doon sa Room namin. Pero ang ginawa nila tinignan ako mula ulo hanggang paa at nilait. Kaya hindi ko talaga maisip na sasama ako sa mga iyon.

"Uhmmm" yan na lang ang nasabi ko. Tapos nag sigh naman si Bethina. "--hayss, I'm going to sleep muna!" tapos bigla siyang humiga sa sofa tapos bigla nyang pinatong ang paa niya sa Lap ko.

"Nakaharang ka sa hinihigaan ko kaya sorry ka na lang!" at dinilaan nya ako sabay pikit. Ganito pa si Bethina, hindi ko maisip ang other side nya na ito. At dahil wala na din akong magawa pinikit ko na lang ang mata ko at natulog ng nakaupo habang nakadantay ang paa ni Bethina sa Lap ko.

- - - -

Naramdaman kong may umaalog sa balikat ko, minulat ko ang isa kong mata at napaisip sa nakita ko. Nanaginip lang ako, di totoo na sya yun. Kaya pinikit ko ulit ang mata ko, pero inalog na naman nya ang balikat ko and this time mas mabilis na. Minulat ko na ang dalawang mata ko kahit naaasar ako, ang ganda kasi ng panaginip ko biglang naputol.

"Nagising ka din, 2 hours ng tapos ang detention niyo ni Bethina, iniwan ka na lang niya. Sarap daw kasi ng tulog mo eh" sabi nya at umupo naman siya sa tabi ko. Ngayon ko lang narealize ang sakit pala ang left side ng batok ko. Kasi naman nakatulog ako sa ganoong pwesto eh. Pero parang may kulang...

Tinitigan ko lang yung box sa malayo, may something akong gustong alalahanin eh. Ano ba yun..

"Serah, pansinin mo ako"

Anong oras na? Bakit nandito ako sa lugar na ito? Wait, nasaan na pala si Bethina? Pati ilang subjects na ba ang na cut ko? Waaah! Lagot ako nito kay Mama kapag nalaman niya ang nangyari sa akin - Detention. Kailangan kong malaman ang oras! Tama, ano bang oras na? Baka mahabol ko pa yung mga classmate ko para matanong ko sila. Kaya tumayo agad ako, pero.

Biglang may humigit sa kamay ko ng malakas kaya napaupo ulit ako. Pero parang matigas ata ang naupuan ko.

"Kanina pa kita kinakausap, space out ka naman" at ngayon ko lang narealize kung sino ang nagsasalita. Si Zac! Biglang bumalik sa isipan ko yung mga nasabi ko na narinig nya.. Hala, napatingin ako sa likuran ko.

Napaatras ako dahil ang lapit ng mukha nya sa akin, nakaupo pala ako sa lap nya na ngayon ko lang din narealize. At dahil nga napaatras ako nahulog ako sa sahig. Mabilis naman syang tumayo at tinayo ako.

"Salamat," bigla kong natungo ang ulo ko pagkatayo nya sa akin. Isa lang ang pumapasok sa isipan ko na dapat kong gawin. Kaya naman habang may pagkakataon pa ako, tumakbo ako palabas ng Stock Room. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakarating na ako sa Third Building. Tumingin ako sa orasan at 1:35 p.m na, hindi pa pala ako nag l-lunch. Tapos bigla namang kumulo ang tiyan ko, mabuti na lang walang tao dito sa Corridor kung hindi nakakahiya ang tunog noon.

"Narinig ko yun! HAHA" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zac na palapit sa akin. Waah nakakahiya na talaga ito! Kaya naman kahit rude na pumasok sa room namin habang may klase na. Dali-dali akong pumasok doon. Pero pagkapasok ko sa loob, isang tao lang ang nakita ko doon.

Nakaupo siya sa dulo kung saan nakaupo si Zac.

Si Mara, yung girl na nagsabi sa akin na magaling daw akong kumata, siya din yung nagbukas nung room na kinatok ko noong nasa Baguio kami at sya din yung kasama ni Zac kanina.

Bumilog ang mga mata nya nung nakita nya ako.

"Hi," bati nya sa akin.

"Nasaan sila?" tanong ko, ang tinutukoy ko yung mga classmates ko.

Cherish YouWhere stories live. Discover now