Chapter 6: Battle of Bottles

Start from the beginning
                                    

“Ano na namang kailangan mo?”

“I’m inviting you tomorrow.” Napatigil sa paglalakad si Yohann at nagtatakang nilingon si Zacheous. Malawak ang ngiti nito habang hinihintay ang magiging sagot ni Yohann.

“For what?” Tanong ni Yohann.

“Jogging tayo bukas nang umaga.”

“That’s out of nowhere Zacheous. You’re crazy.” Yohann walked past by Zacheous. Naiwan si Zacheous na nakatayo at tiningnan ang likod ni Yohann. Hinawakan niya ang puso niya at pakiramdam niya ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

“What the heck? Tinawag lang naman niya ang pangalan ko eh. Ano bang nangyayari?” Tanong niya sa sarili niya habang nakatingin kay Yohann. ‘Yun palang ang unang beses na tinawag siya ni Yohann sa pangalan niya kaya bigla siyang kinabahan. Iniling niya ang ulo niya at hinabol si Yohann.

“Jogging nga tayo bukas Yohann.” Sabi niya ulit kay Yohann.

“Para saan nga?” Medyo iritadong sabi ni Yohann dahil malapit na siyang mahuli sa call time ng mga casts.

“Pampalakas ng loob?”

“Baliw ka ba? Baka ibig mong sabihin, pampalakas ng katawan.” Pagtatama ni Yohann sa sinabi ni Zacheous pero umiling lang ang huli.

“Hindi. Pampalakas nga ng loob. I’m planning to introduce myself to her. Plano pa lang naman.”

“So sudden?” Hindi pa naman umabot ng isang buwan ang sekretong panliligaw ni Zacheous kay Yohann.

“Oo. Kaya tulungan mo ako.”

“Ba’t kailangan magjogging? You should practice talking to a mirror or a picture of her.” Sabi ni Yohann. Sinabayan naman ni Zacheous na maglakad papuntang Theater Room.

“Ahh basta, jogging muna tayo. Bukas ha? Hihintayin kita sa park bukas. Bye.” Tinapik nang isang beses ni Zacheous ang balikat ni Yohann at tumakbo pero agad din itong tumigil at bumalik kay Yohann.

“Nga pala.” Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang isang bottled juice at binigay Yohann.

“Para kay Yohanne.” Nakangiting sabi niya habang inaabot ‘yun kay Yohann. Nang kunin ‘yun ni Yohann ay tumakbo na ulit ito paalis.

Ano Yohann? Aasa ka pa rin hanggang ngayon na bibigyan ka niya na para sa ‘yo talaga? Tanong ni Yohann sa sarili niya habang nakatingin sa hawak niya. Napabuntong-hininga siya at binalik ang tingin sa daan at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagpasok niya sa loob ng Theater Room ay agad siyang lumapit kay Yohanne na kasama ang mga kaibigan nito.

“Yohanne, for you.” Inabot ni Yohann kay Yohanne ang dala niya. Ngumiti naman si Yohanne nang makita ang bottled juice na dala ni Yohann.

“Galing sa - - -.”

“Yes, from him.” Tumalikod na si Yohann nang marinig niya ang pang-aasar ng mga kaibigan ni Yohanne sa sekretong manliligaw nito. He doesn’t want to hear them.

Dumiretso siya sa audience’s seat at naupo. Nakatingin siya sa mga props committee na abala sa ginagawala nila sa stage pero wala du’n ang atensyon. Ang daming mga scenario na pumapasok sa isip niya. Ni hindi niya napansin na tumabi sa kaniya si Xian.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now